Sabi nila, wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Lahat ay kaya nitong tiisin at isakripisyo para lamang sa ikabubuti nila.
Kung ang mga anak ay kayang tiisin ang kanilang mga magulang, ang mga magulang naman ay kailanman hindi matitiis ang kanyang mga anak.
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito ang sitwasyon.
Sa isang larawan na kumalat sa social media, dinurog nito ang puso ng mga netizens kung saan pinatunayan ng isang anak ang kanyang lubos na pagmamahal sa ina.
Sa larawan makikita ang isang lalaking nakasampa at nakadungaw sa salamin ng isang kwarto.
Ayon sa Artikulo UNO, ang lalaking nakasilip sa bintana ay si Jihad Al-Suwaiti, 30, isang Palestinian.
Binabantayan umano nito ang kanyang inang si Rasmi Suwaiti na nagpositib0 sa C0vid-19. Mayroon din itong sakit na léukémia.
Dinala sa Hebron State hospital ang ginang sa West Bank at inadmit sa Intensive Care Unit (ICU). Dahil sa higpit ng safety measures ay hindi pinayagang makapasok si Jihad.
Dahil sa matinding pag-aalala at pagmamahal sa kanyang ina, araw-araw gumagawa ng paraan si Jihad upang mabisita at makita ang kanyang ina.
Umaakyat ito sa pader ng hospital at tsaka uupo sa gilid ng bintana kung saan naka-confine ang kanyang ina.
Matiyaga itong ginagawa ni Jihad hanggang sa huling hininga ng kanyang pinakamamahal na ina.
Ang mas nakalulungkot dito ay naganap ang hindi inaasahang pangyayari ilang sandali pagkauwi ni Jihad.
Galit at hindi pagkapaniwala umano ang naramdaman ni Jihad nang matanggap ang masamang balita.
Napag-alaman na maagang nawala ang ama nina Jihad noong siya ay 15 taong gulang pa lamang. Kaya naman talagang napakasakit sa kanya na mawala ang kaisa-isang magulang na natira.
“Jihad is the youngest child and is indeed close to his mother, especially after the death of our father 15 years ago. Our mother had léukémia and was diagnosed with C0V1D-19 a few weeks ago. When informed of our mother’s de*th, Jihad was angry and in denial,” sabi ng nakatatandang kapatid ni Jihad.
Ang larawan ni Jihad na kumalat sa Twitter ay ipinost ni Mohamad Safa na may caption na, “The son of a Palestinian woman who was infécted with C0V1D-19 climbed up to her hospital room to sit and see his mother every night until she passed away.”
Talaga namang dinurog ang puso ng mga netizens matapos malaman ang kwento ni Jihad.
”She must have been a wonderful mother to have raised such a devoted son. Blessings on them both. Rest in peace, dear lady,” sabi ng isang netizen.
“What a wonderful son. Brought tears to my eyes and a lump to my throat at such love and caring,” sabi ng isa pang netizen.
Narito pa ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: India, Artikulo UNO
Source: News Keener
No comments