Mag-isang namumuhay ang 78-year-old na lalaki sa barong-barong na gawa sa kawayan at tarpaulin habang nagbebenta ng lugaw at madalas kumikita lamang ng P31 pesos kada araw.
Ang matanda ay mag-isang namumuhay matapos mawala ang kanyang asawa at dalawang anak ilang taon na ang nakalipas.
Sa edad na 78, dapat ay hindi na siya naghahanap buhay at nagpapahinga na lamang, ngunit dahil kahirapan ng buhay, kailangan niyang kumita sa pang araw-araw.
Araw-araw ay nagluluto ang matanda ng lugaw at ibinebenta sa isang maliit na stall malapit sa kanyang barong-barong.
Sa kasamaang palad, madalas isang bowl lamang ang kanyang naibebenta sa araw-araw. Marahil dahil plain lamang ang kanyang lugaw at hindi umano kaaya-aya ang pwesto ng kanyang tindahan.
Ang matanda ay mula sa Bangkok, Thailand. Nagbebenta siya ng lugaw sa halagang 20baht kada bowl o 31 pesos. Kung may kasamang itlog ay 25baht o 39 pesos.
Tanging lugaw narin ang kanyang kinakain ngunit nalulungkot ang matanda dahil wala siyang perang maipambili para sa kanyang mga pangangailangan.
Samantala, isang netizen ang nakapansin sa kalagayan ng matanda nang mapadaan ito isang araw.
Talagang naawa si Max Udomsak sa 78-year old na lolo kaya naman kinuhaan niya ito ng larawan at ipinost sa social media.
Maraming netizens ang naantig sa kalagayan ng matanda kaya nagpadala sila ng pera sa pamamagitan ni Udomsak upang makatulong ito sa lolo.
Ang ilang netizens naman ay nagtulong tulong upang mabigyan ng magandang stall ang matanda para mas mapansin ito ng mga customers.
Tunay nga namang makapangyarihan ang social media sa panahon natin ngayon.
***
Source: Max Udomsak | Facebook
Source: News Keener
No comments