Muli na namang ginulat ni Rudy Baldwin ang mga tao sa kaniya na namang mga prediksyon na gugulat daw sa sambayanan sa susunod na taong 2021. Si Baldwin ay isa raw ‘psychic’, na sumikat sa social media sa kaniyang mga nakakataas balahibong hinagap tungkol sa hinaharap.
Nahuhulaan niya ang maraming pangyayari, kasama na ang mga kamatayan ng ibang kilalang personalidad at mga sakuna.
Nito lamang, marami pa siyang ibinunyag na hula sa panayam niya kay Korina Sanchez,ang host ng palabas na Rated-K. Sa puntong iyon niya sinabi na mayroon siyang limang nakikitang mangyayari sa susunod na taon.
Ang una rito; Isang prominenteng pinuno ang hindi inaasahang masasawi. Nagbabala pa si Baldwin tungkol rito, “Yung pangalan niya ay tumatak talaga, nasawi siya mismo kung saan siya nakatayo kasi nakita ko siya nakatayo sa maraming tao.” aniya.
Matinding sakuna sa dagat ang pangalawa. Sinabi niyang sa dagat ang kapahamakang mangyayari ngayong taon, na magbubunga ng pagkasawi ng buhay ng ilang daang tao.Pahayag pa niya, “Hindi ito biro, malaki po ito. Malakingbarko kung saan maraming taong nakasakay. After malunod noong barko, maraming tao ang nawala.”
Sunod dito ay tatlong artista ang mamatay nang biglaan. Ayon kay Baldwin, magluluksa raw ang buong industriya ng showbiz sa pagkamatay ng tatlong ito. Ang kadahilanan daw ng kanilang mga kamatayan ay dahil sa malubhang sakit, pagnanakaw sa bahay nito, at isang aksidente.
Delubyo ng pagsabog ng Taal Volcano ang sumunod. Hinayag ni Baldwin na muli na namang mambubulabog ang Bulkang Taal, ngunit ngayon daw ay mas magiging malaki kumpara sa nangyaring pagsabog nito noon lamang nakaraang Enero.
“Traydor ang Taal. Paparamdamin ka ng katahimikan, bigla ka na lang bubulabugin. Sasabog po talaga siya ulit,” dagdag pa niya.
Ang huli ay ang pagdating daw ng mga malulubhang unos. Dapat daw na maging handa ang mga tao sa natural na mga sigwang ito sa mga susunod na buwan.
Totoo man o hindi, marami mang naniniwala o unti, nararapat na laging handa ang bawat isa upang hindi mabiktima ng anumang sakuna.
Source: The Relatable
No comments