Hindi napigilan ng isang misis ang kanyang galit patungkol sa mga taong panay ang reklamo sa ginagawang pagtulong ng gobyerno sa mga biktima ng bagyong Ulysses.
Chrystine Leigh / Photo credit from her Facebook account / Photo credit: Philippine Coast Guard Facebook page
Sa Facebook post ni Chrystine Leigh, inilibas nito ang kanyang pagkadismaya sa nagsasabing wala umanong ginagawang effort ang gobyerno.
Aniya, ang kanyang asawa ay isang commander ng Philippine Coast Guard at kahit kauuwi pa lamang nito ay kapag pina-recall o pinatawag ito ay agad agad itong babalik.
Dagdag pa niya, hindi porket hindi nakikita sa social media ang ginagawang trabaho ng gobyerno ay hindi na ito kumikilos.
“PASENSYA HINDI SILA PALA POST SA FB NG RESCUE EFFORTS NILA. BUSY SILA GINAGAWA ANG TRABAHO NILA. Pero please. Para sabihin na walang effort ang government??? EXCUSE ME LANG. 'WAG KAMING PAMILYA NG MGA RESCUERS,” saad ni Chrystine.
Narito ang kanyang post:
“PAISA LANG!!! NGAYON LANG!!!
Daming nagrereklamo sa government action etc... si Nathan nga pag may bagyo recall agad. Balik agad kahit kakauwi lang. Isang araw palang nakauwi. Walang commander commander or junior junior. Basta recall balik agad. Alert agad. Rescue efforts and all. Sino ba nag rerescue dba police at mga bumbero at mga coast guards? at iba pang LGUs? Ano sila? Diba part ng government? Tao rin sila at may limitation. Overwhelming lang talaga ang epekto ng bagyo. OO trabaho at calling nila yun. Pero nakikita nyo ba lahat??? PASENSYA HINDI SILA PALA POST SA FB NG RESCUE EFFORTS NILA. BUSY SILA GINAGAWA ANG TRABAHO NILA. Pero please. Para sabihin na walang effort ang government??? EXCUSE ME LANG. 'WAG KAMING PAMILYA NG MGA RESCUERS.
*Hubby is a substation commander of the Philippine Coast Guard. Thank you for your comments. I didn't expect this much support po. Salamat.”
***
Source: Chrystine Leigh | Facebook
Source: News Keener
No comments