Mga Donasyon Para Sa Mga Naapektuhan Ng Bagyo At Pagbaha, Tinapon Lamang Sa Ilog

Viral ngayon ang kuha ng isang netizen sa si Sidney Batino matapos ibahagi ang mga litrato sa Facebook kung saan makikitang basta na lamang itinapon malapit sa isang ilog sa Rizal ang mga donasyong damit na para sa mga biktima ng bagyong Ulysses, nito lamang ika-18 ng Nobyembre. 

“Para po sa lahat ng nagbigay ng relief sa Rizal, sana po maibigay sa mas deserved na bigyan para po hindi matulad nyan itinapon lng sa kalsada at ilog. Nakakasama lang ng loob pag nakita mo na ganyan mangayayari sa binigay mong tulong sa kanila.”anito sa naturang post.

“Hanap po tayo ng mas nangangailangan ng tulong yung hindi masasayang yung effort at pagod,”dagdag pa nito.

Ang mga nasabing damit ay mga donasyon sana para sa mga naapektuhan ng mga nagdaang bagyo lalo nang Ulysses dahil talaga namang hinagupit ng malakas ang mga probinsya sa Luzon, kabilang na nga ang Rizal. Nagdulot ng matinding baha ang bagyo, na nagresulta nang paglubog ng ilang kabahayaan.

Hindi lamang ang Rizal, kundi ang iba pang karatig bayan nito ang binaha, kaya naman masasabi talagang malaking tulong ang mga damit na ito. Katulad na lamang sa Cagayan Valley. Kasalukuyan namang kinokompirma ng lokal na pamahalaan ng Rizal ang nasabing pangyayari.

Hindi naman maiwasang damdamin ng karamihan sa netizen ang nangyaring ito, ang iba’y nagalit sa nakita at hinihiling na sana’y agad aksyunan o imbestigahan ang pangyayari. 

Naglaan ng panahon at napagod ang iba ring mga naghahandog ng tulong. Pagtanggap at pasasalamat ay talaga namang malaki na ring bagay para sa kanila. Sapagkat ang tulong nila’y hindi nabalewala.

Huwag basta-basta magtatapon ng mga bagay, dahil kung sa iyong tingin ay ‘di mo kailangan ang isang bagay, maaring mayroong iba na lubos na nangangailangan. 


Source: The Relatable

No comments

Seo Services