Dalagitang Ilang Buwan Masakit Ang Tiyan, Nakitaan Ng Mga Karayom Sa Loob Ng Katawan

Ang dalagita na ito ay bigla na lang nakaramdam ng pananakit ng katawan sa hindi malamang dahilan. 

Ngunit, matapos magsagawa ng ilang tests, laking gulat ng mga doktor matapos makitaan ang dalagita ng mahigit na 50 karayom sa loob ng kaniyang katawan! Matapos malaman ang tungkol sa karayom, inisip ng pamilya na baka kagagawan umano ito ng mangkukulam.

Si Aurora, hindi niya tunay na pangalan, ay bigla na lamang nagkasakit. Samantala, ang kaniyang ina naman na si Maria, hindi din niya tunay na pangalan, ay labis na nagtataka at nangangamba na para sa nangyayari sa kaniyang anak ngunit hindi niya alam ang dahilan kung bakit bigla na lamang itong nakaramdam ng kakaiba sa kaniyang katawan.

Dahil dito, napagpasyahan ng pamilya ni Aurora na dalhin na siya sa ospital dahil sa kakaibang nangyayari at nararamdaman ng dalaga.

Matapos magsagawa ng ilang mga tests sa kaniya, na-diskubre ang napakaraming karayom sa loob ng kaniyang katawan!


Gulat naman at pagtataka ang naramdaman ng pamilya ni Aurora; gulat dahil sa dami ng karayom na nadiskubre sa kaniya at pagtataka sa kung paano nakapasok ang mga karayom sa loob ng kaniyang katawan. Nang tanuningin, sinabi ni Aurora na maging siya ay hindi niya alam kung paano iyon nangyari.

Sa takot tungkol sa kung ano ang mangyayari kay Aurora at paghahanap ng kasagutan sa kung paano nakapasok ang mga karayom sa katawan nito, napagpasyahan ng pamilya na pumunta sa Independanciana Vergara, isang ‘Babaylan’

Ayon kay Vergara, tila isang manliligaw umano ni Aurora ang nasa likod ng pangkukul4m sa dalaga. Ang lalaki umano ay nahulog ang loob sa dalaga ngunit dahil hindi siya gusto nito, napagpsyahan niya na humanap ng tap para kul4min ito.

Matapos makita ang larawan ng x-ray, sinabi ni Vergara na ang larawan ng mukha ng lalaki sa x-ray ay isa lamang pruweba na isang manliligaw ang nasa likod ng nangyayari ngayon kay Aurora.

Ngunit matapos magkaroon ng masinsinan mg pakikipag-usap sa dalaga, inamin din ni Aurora sa huli na kinain niya ang mga karayom na nasa loob ng kaniyang katawan. Ibinahagi niya din na may pagkakataon pa na kinain niya ng sabay ang tatalong piraso ng karayom!


Source: The Relatable

No comments

Seo Services