P1,223 halaga ng isang buong manok sa Bulacan, pinaiimbestigahan ng COA

Ikinagalit at ikinagulat ng mga netizens ang rebelasyon ng isang Facebook page kung saan makikita ang overprice na pagbili ng relief goods sa probinsiya ng Bulacan.
Photo credit: Food Store and Bantay Kaban-Bulacan Facebook page

Sa Facebook page na ‘Bantay Kaban-Bulacan, ipinakita ang isang dokumento kung saan ipinapakita ang listahan ng mga binili ng kapitolyo ng Bulacan.

Ayon sa listahan, ang halaga ng isang ‘dressed chicken’ ay P1,223. Ang isang sako naman ng bigas ay P5,300 at ang isang box ng sardinas ay P3,562.50.

Ang nasabing dokumento ay pirmanado umano ni Governor Daniel Fernando. 
Photo credit: Bantay Kaban-Bulacan Facebook page

Kinumpirma rin daw ng tagapagsalita ni Fernando na si Atty. Jayric Amil na namigay nga ang opisina ng gobernador sa mga jeepney driver sa iba’t ibang parte ng probinsiya noong nakaraang buwan.

Ayon sa kanila, wala umanong anomalya sa mga nasabing transaksyon dahil dumaan raw ito sa tamang proseso.



“Normal na presyo po ang mga yan noong nakaraang buwan. Masyado po kasing mataas ang demand sa mga produkto ng pagkain tulad ng sardinas, bigas at manok dahil marami rin pong mga LGU at NGO ang pinamimigay rin ang mga ito. Pag mataas po ang demand, mataas din ang presyo. Pero tamang presyo lang po yan,” ani Atty. Amil.

Sa ngayon ay hindi pa nakakapagbigay ng kanyang pahayag si Gov. Fernando dahil naka home quarantine pa ito.

Narito ang buong post ng Bantay Kaban-Bulacan Facebook page:

"Pinaiimbestigahan ni Commission on Audit Director Ma. Corazon S. Gomez ang nakakalulang binili ng Pamahalaang Lalawigan ng Bulacan na relief goods para sa ginawang Covid-19 response sa ating probinsya.

Natuklasan ng COA na sobrang overprice ang mga ito at masyadong hindi na kapani-paniwala.

Batay sa inilabas na dokumento ng Commission on Audit, Gumastos di umano ang Pamahalaang Lalawigan ng Bulacan ng P113,085,000 (One Hundred Thirteen Million Eighty Five Thousand pesos) para lamang sa dalawampung libong pamilya na nabigyan ng relief goods ng probinsya.

Nakakalula din di umano ang halaga ng isang pirasong manok na binili ng kapitolyo na nagkakahalagang P1,223.00 kada isa na wala pa sa P200 ang retail price sa palengke ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Hindi rin sila makapaniwala na bumili rin ng Kapitolyo ang isang kabang bigas na nagkakahalaga ng P5,300 at isang kahong sardinas sa halagang P3,562.50.

Sa aming pakikipanayam sa telepono kay Atty Jayric L. Amil, tagapagsalita ni Bulacan Governor Daniel Fernando, Kinumpirma niya na nagbigay ang opisina ni Governor Fernando ng isang buong manok, bigas at mga sardinas sa mga jeepney driver at operator na miyembro ng joda sa buong lalawigan noong nakaraang buwan.

Dinepensahan din ni Atty Amil ang transaksyong ito ng Pamahalaang Lalawigan na dumaan naman ito sa tamang proseso at walang anumang anumalyang nangyari rito.

Ayon kay Atty Amil, "Normal na presyo po ang mga yan noong nakaraang buwan. Masyado po kasing mataas ang demand sa mga produkto ng pagkain tulad ng sardinas, bigas at manok dahil marami rin pong mga LGU at NGO ang pinamimigay rin ang mga ito. Pag mataas po ang demand, mataas din ang presyo. Pero tamang presyo lang po yan."

Hiningi naman namin ang panig ni Governor Daniel Fernando tungkol sa issue ngunit tumanggi muna siyang magbigay ng panig at sinabing sasagutin na lang niya ang issue kapag natapos na ang kanyang pag home quarantine dahil sa pagpopositibo sa Covid-19. - Allan Marquez | Malolos | Bantay Kaban - Bulacan"

Sa ngayon ay umabot na sa 17k reactions, 7.4k comments at 21k shares ang nasabing post.

Narito naman ang iba’t ibang reaksiyon ng mga netizens:




***

Source: News Keener

No comments

Seo Services