Ang sawa ay isa sa mga tinuturing na pinaka mapanganib na hayop sa buong mundo. Sa itsura pa lamang nila, marami ng mga tao ang natatakot sa kanila dagdag pa ang kanilang napakalaking hugis na kadalasan nilang ginagamit para kainin ang kahit ano na tinuturing nila na kanilang biktima.
Ngunit ang sawa na ito ay nagkaroon ng pinakamasamang araw sa buhay nito matapos nitong kumain ng isang porcupine.
Ang siklista na ito ay naglalakbay lamang sa isa sa mga mountain bike trails sa Lake Eland Game Reserve sa KwaZulu-Natal, South Africa nang mapansin niya ang isang napakalaking sawa.
Naisip ng siklista na kuhanan ito ng larawan at ibahagi ito sakaniyang social media account na kaagad namang napukaw ang atensyon ng mga netizens at lokal na nais din makita ang nasabing sawa ng personal.
Sa mga sumunod na araw, maraming mga tao ang nagpunta sa parke upang makita ang sawa. Marami din sa kanila ang namuo ang kuryosidad kung ano nga nga ba ang nakain ng sawa at bakit naging sobrang laki ng hugis ng katawan nito.
Mayroong iba't ibang spekulasyon na kumakalat mula sa mga hayop na matatagpuan sa kagubatan ngunit marami sa mga ito ang hindi nakukumpirma. Samantala, namat@y ang sawa ilang araw makalipas itong matagpuan ng siklista.
Dahil dito, napagdesisyunan ng mga bisita at opisyal ng parke na buksan ang katawan ng sawa upang malaman kung ano nga ba ang nasa loob nito at maipaliwanag din kung bakit bigla itong binawian ng buhay.
Laking gulat na lamang nila nang makita ang kung ano nasa loob ng katawan ng sawa. Natagpuan nila ang isang 30-lb o 13.8 kilograms na porcupine.
Samantala, hindi naman naging malinaw kung ang porcupine ba ang naging sanhi ng pagk@mat@y ng sawa. Natagpuan ng mga ranger ang sawa sa ilalim ng mabato na daan, kung saan ito ay tila nahulog.
Dahil sa impact, ang mga quills sa loob ng malaking tiyan nito ay maaaring tumagos sa digestive tract ng sawa na maaaring sanhi ng pagk@m@tay nito.
Source: The Relatable
No comments