Lahat tayo ay nangangarap na mabigyan ng magandang kinabuksan ang ating pamilya. Kaya naman tayo ay nagsusumikap at nagsisipag na magtrabaho para ito ay maisakatuparan.
Ngunit hindi nagiging sapat madalas ang kinikita ng ilan nating mga kababayan sa pang-araw-araw na pangangailangan dahil na rin sa kahirapan ng buhay at pagtaas ng mga bilihin. Kaya naman, karamihan sa kanila ay naghahanap na lang ng ibang solusyon, gaya na pagtataya sa lotto.
Katulad ng mag-asawa na sina Ernie at Vergie. Silang dalawa ay parehas na nanggaling sa mahirap na pamilya at hindi nabigyan ng pagkakataon na makapg-aral.
Kahit pa man mahirap, masaya pa din na nagsasama ang dalawa lalo na nang sila ay nabibiyayaan ng mga anak. Ang mag-asawa ay parehas na magsasaka.
Dahil sa sipag at tiyaga, nakakakain silang ng tatlong beses sa isang araw. Hindi din lumalampas ang isang araw na hindi sila tataya sa lotto sa pag-asa na mapapanalunan nila ang jackpot price.
Hindi sila nag-aalaga ng numero. Ngunit, isang araw, nanaginip si Vergie ng kumbinasyon ng mga numero. Kaagad naman niyang tinayaan ang mga numero na kaniyang napanaginipan. Kinaumagahan, inutusan niya ang asawa na si Ernie na bumili ng ticket sa lotto ngunit dahil nga hindi marunong magsulat, inutos na lamang nila ang pagtaya sa kamag-anak na si Angel.
Nanalo ang numero na napanaginipan ni Vergie kaya naman labis ang tuwa nilang mag-asawa dahil magkakaroon na sila ng magandang buhay.
Ngunit, mas naging magulo ang buhay nila sa hindi inaasahang pagkakataon dahil marami ang tao na nakaalam sa kanilang pagkapanalo.
Ang nakakalungkot pa ay P900,000 lamang ang pera na natanggap ng mag-asawa dahil ang iba ay inilagay sa bank account ni Angel dahil nga ito ang nakapirma sa nasabing lotto ticket.
Bukod pa dito, ang iba nilang kamag-anak ay pinagbentahan sila ng pekeng titolo kaya naman mabilis din nawala ang pera na napanalunan nila.
Dahil sa nangyari, naisip ng mag-asawa na bumalik na lang sa Bicol. Nagsimula muli sila at patuloy na namuhay ng maayos. Samantala, ang huling balita na nalaman nila tungkol sa mga taong nanloko sa kanila ay nagkaroon umano ito ng malubhang karamdaman.
Ang karma ay walang pinipili. Kaya mas mabuti palagi na gumawa ng kabutihan sa kapwa dahil kung patuloy lang ang panlalamang sa kapwa ay tiyak na may parusa ang Diyos.
Source: The Relatable
No comments