Bestfriend Ni Llyod Cadena, May Ibinahagi Na Animo'y Pagpapahiwatig Ng Vlogger Bago Ito Biglaang Pumanaw

Buong online community ang nabigla at nalungkot kamakailan lang dahil sa hindi inaasahang pagpanaw ng sikat na YouTube content creator at social media personality na si Lloyd Cadena.

Sa Facebook, ibinahagi ni Kimpoy Feliciano, isa sa kapwa vlogger at matalik na kaibigan ni Lloyd, ang screenshot ng kaniyang naging pag-uusap sa chat.

Sa nasabing screenshot, makikita na sinabi ni Lloyd na nais niyang maging dentista at kung sakali man na siya ay buhay pa pagkatapos ng pand3mic ay itutuloy niya ang nasabing pangarap.


Saad ni Kimpoy sa caption ng kaniyang post:

"Lloyd wanted to be a dentist after ECQ 💔 Ako naman, sabi ko sa kanya isasakay ko siya kapag naging piloto ako".

Sa naging pag-uusap nila, makikita na tila nagbibigay na ng pahiwatig si Lloyd kay Kimpoy dahil sa mga sinasabi niya sa huli.

Saad ni Lloyd sa huling chat niya kay Kimpoy,

"Habang may panahon pa. Maiksi lang ang buhay."

Ani pa ni Lloyd,

"Dapat gawin natin lahat ng gusto natin. Search for your purpose. Kaya kapag mabuhay pa ako after this corona, magdedentistry ako."

Samantala, maraming mga celebrities, influence, vlogger, at mga netizens ang nagpahayag ng kanilang emosyon sa biglaang pagkawala ni Lloyd.

Si Lloyd Cadena ay isa sa mga sikat na YouTube vlogger at influencer sa Pilipinas. Nagsimula siyang gumawa ng video sa kaniyang YouTube channel noong 2010.


Habang sinusulat ito, umabot na sa mahigit na 5 million subscribers ang main YouTube channel ni Lloyd na 'Lloyd Cafe Cadena'. Siya ay kilala dahil sa kaniyang nakakatawang personality at pagpapakita ng kaniyang buhay sa araw-araw.

Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa kabutihan ng kaniyang puso. Lagi siyang handa na magbigay tulong sa mga taong nangangailangan. Sa katunayan nga nyan, namahagi pa siya ng libreng tablets para sa mga nararapat na estudyante bago siya namaalam.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services