Ayon sa binata, ang dala niyang bibliya ang isa sa mga nakatulong sa kaniya na malampasan ang pagsubok sa araw-araw.
Si Aldi Adilang, 19-taong gulang, ay nagtatrabaho bilang isang "lamp keeper". Trabaho na niya ito sa loob ng tatlong taon. Si Adilang ang siyang nagsisindi ng mga "trap lamps" araw araw na siyang magsisilbi bilang pain sa mga isda.
Tuwing Linggo, may mga tao na nagpupunta sa nakalutang na kubo kung saan nagii-stay si Adilang upang kunin ang mga isda at magdala na din sa kaniya ng mga pangunahin niyang pangangailangan tulad ng tubig at pagkain.
Ngunit isang araw, naputol ang mga lubis na siyang pumipigil sa kubo na lumayo sa laot dahil sa lakas ng hangin. Ito ay nangyari noong Hulyo.
Dahil dito, hindi na napigilan ni Adilang ang paglayo ng kubo mula sa dalampasigan at patuloy itong nagpalutang-lutang patungo sa karagatan.
Sinabi ni Adilang na hindi siya masyadong natakot sa nangyari noong una dahil ang akala niya ay maliligtas siya at mayroon na agad darating na tutulong sa kaniya.
Ngunit, nagsimula siyang makaramdam ng pangamba at takot dahil ilang mga araw at linggo na ang nagdaan ay wala pa ding nagbibigay tulong sa kaniya.
"What if no one sees me?"
Hindi alam ni Adilang na nang mga panahon na iyon ay ilang milya na ang nilakbay ng kaniyang palutang-lutang na kubo na papunta na sa Guam.
Ito ay nadiskubre ng mga awtoridad nang sagipin na nila si Adilang matapos ang 49 na araw. Ang binata ay nai-rescue sa karagtan na sakap na ng bansang Guam.
Kwento ni Adilang, namimingwit o nanghuhli siya ng mga isda sa dapat habang siya ay nasa laot nang sa gayon ay mayroon siyang kainin. Ginagamit niya ang mga kahoy sa kaniyang kubo upang panggatong sa tuwing lulutuin niya ang isda na nahuli.
Kumukuha naman si Adilang ng tubig sa dapat sa tuwing siya ay nauuhaw. Ngunit kailangan niya muna itong pigain sa kaniyang damit upang mabawasan ang alat nito.
Sinubukan niya na ding humingi ng tulong mula sa mga bangka na kaniyang nakikita ngunit hindi siya pinapansin ng mga ito.
Ani Adilang,
"They did not understand when I said "help" in our language. I remembered what my friend taught me. Use the English word Help!"
Ngunit sinabi ni Adilang na araw-araw niyang binabasa ang kaniyang bibliya habang siya ay nasa karagtan sa loob ng 49 araw. Ito ang nagpatatag at nagpatibay sa kaniya sa araw-araw.
Ayon sa kaniya, himala niyang nalagpasan ang pagsubok na dumaan sa kaniyang buhay dahil sa kaniyang bibliya. Kaya naman labis ang pasasalamat ni Adilang hindi lamang sa mga tao na tumulong sa kaniya kundi pati na din sa kaniyang bibliya at sa Panginoon.
Source: The Relatable
No comments