Isang Uri Ng Halaman, Gustong Bilhin Sa Halagang Php 10-Milyon

Ngayong may pand3mya, isa sa mga kinahuhumalingan gawin ng karamihan ay ang pagtatanim. Ito daw kasi ay pampaalis ng pagkabagot sa community quarantine na ilang buwan na ring umiiral sa bansa dahil sa C0VID-19 pand3mic.

Dahil dito, naimbento na din ang mga salita na kagaya ng plantita at plantito na ang ibig sabihin ay mga taong mahilig sa pagtatanim o pag-aalaga ng mga halaman. Sa patuloy na pagtaas ng demand ng mga halaman ngayon, kasunod din ang pagtaas ng presyo ng mga ito.

Sa pagiging in-demand nito ngayon, maging ang mga kawatan ay pinag-iinteresan na din ito.

May isang halaman ang pinangalanan na "celebrity plant" dahil ito ay may sariling kulungan para daw sa proteksyon nito sa mga taong nagkaka-interes at nais itong kuhanin. Ang halaman na ito ay madalas maitampok sa mga exhibit sa ilang shopping malls sa bansa.

Ayon sa may-ari ng nasabing halaman, nag-hire pa sila ng ilang gwardiya sa halaman para bantayan ito at hindi malapitan ng kahit na sino sa exhibit sa mall.


Ang nasabing celebrity plant ay isang uri ng succulent na tinatawag din na BG Regale. Ito ay resulta ng mutation breeding. Ayon sa ilan, malaki ang ginagastos sa proseso ng breeding sa nasabing halaman kaya naman ganoon na lang din kamahal ang presyo nito.

Ang BG Regale ay nagkakahalaga lang naman ng tumataginting na isang milyon piso. Ngunit, sinabi naman ng may-ari na marami na din ang nag-alok sa kaniya ng mas malaking halaga para sa naturang halaman.

Ani ng may-ari ng BG Regale, “May mga offer, P1,500,000; P1,700,00; P1,900,00.”

Ayon pa sa may-ari, may nagkainteres na din bumili ng nasabing halaman sa halagang sampung milyong piso ngunit sinabi niya na hindi niya ito ibinebenta.

Maraming netizen naman ang nagulat dahil sa laki ng presyo na inaalok sa may-ari para lamang mabili ang halaman.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services