Ginang nakaipon ng 160,500 sa pagtitinda ng ice candy; Hinangaan ng mga netizens

Kapag may tiyaga, may nilaga. Ito na marahil ang isa sa pinakasikat na kasabihan nating mga Pilipino. Ito rin marahil ang naging inspirasyon ng isang ginang mula Marinduque na nakapag-ipon ng 160,500 sa loob ng isang taon sa pagtitinda ng ice candy.
Photo credit: Riz Red Moreno

Viral ang Facebook post ni ginang Riz Red Moreno kung papaano siya nakaipon ng libo-libo sa pagtitinda ng ice candy. 

Kwento ni Moreno, araw-araw tuwing nagbabantay siya ng kanilang tindahan eh gumagawa siya ng ice candy. Dalawang kaserola umano ang nagagawa niya, isang mangga at isang buko flavor.

Aniya, sa bawat kaserola ay nakakagawa siya ng 165 pieces na ice candy at binebenta niya ito ng 5 pesos bawat isa.

Ang tubo niya sa bawat kaserola ay 400 pesos kaya ang lumalabas na kita niya ay 800 pesos para sa dalawang kaserola.
 Photo credit: Riz Red Moreno
 Photo credit: Riz Red Moreno

Upang masigurado ang kanyang ipon ay agad hinuhulog ni Moreno ang 500 pesos sa lata at ang 300 pesos naman ay itinatabi niya upang pambayad ng kuryente.

Sa kanyang post ay hinikayat ni Moreno ang mga kapwa niya nanay na gawin rin ang kanyang ginagawang pag-iipon.

kaya nyo rin makaipon sipag tyaga lang talaga at disiplina pag dating sa pera,” sabi ni Moreno.
 Photo credit: Riz Red Moreno
Photo credit: Riz Red Moreno

Narito ang kanyang buong post:

“Mga ka peso ito napo ang ipon ko sa luob ng isang taon katas ng ice candy, mga ka peso habang nag babantay ako ng aming tindahan gumagawa ako ng ice candy araw araw maliban nalang kung masama ang pakiramdam ko o kaya eh may bagyo hindi ako maka gawa, ang ginagawa ko sa luob ng isang araw dalawang kaserola isang mangga at isang buko, bawat kaserola ang nagagawa ko eh 165 pcs tapos ang benta ko 5 pesos isa kaya ang lumalabas na 825 pesos, sa isang gawaan ko tumutubo ako ng 400 pesos eh dalawang gawaan yun kaya lumalabas ang tubo ko eh 800 pesos, kaya yung 500 hinuhulog ko sa lata at yung 300 nman tinatabi ko ang bayad sa koryente, tuwang tuwa ako kase sa pag tyaga ko naka ipon ako ng 160,500 peso, kaya sa ga nanay kahit nasa bahay lang kayo kaya nyo rin makaipon sipag tyaga lang talaga at disiplina pag datin sa pera, maraming salamat po at sana maging inspirasyon itong ipon challenge ko nato, thank you po at happy new year sa inyung lahat.”

Totoo na walang imposible sa isang taong masinop at matiyaga. Kahit sino ay magagawa ang pag-iipon basta mayroong dedikasyon at disiplina.


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services