Umantig sa puso ng mga netizens ang tagpo ng isang delivery rider at anak ng kanyang partner matapos itong kumalat sa social media.
Photo credit: Jezza Vasques
Hindi man tunay na anak ng rider ang bata, makikita kung gaano niya ito pagmalasakitan at masasabing itinuturing na niya itong tunay na anak.
Sa larawan ay tila ayaw paalisin ng bata ang kanyang step father ngunit kailangan nitong magtrabaho upang may pang gastos sila sa araw-araw.
Ayon sa ina ng bata na si Kiana Castillo, simula raw mag ECQ ay buwis buhay na ang kanyang partner sa pag-dedeliver kahit na minsan ay naloloko ito.
Sabi ni Kiana, paalis na raw ang kanyang partner nang humabol ang kanyang anak at biglang naglambing.
Sabi ni Kiana, paalis na raw ang kanyang partner nang humabol ang kanyang anak at biglang naglambing.
“From ECQ to GCQ buwis buhay, still working at kahit minsan nagde-deliver sa mga bogus buyers, hindi siya sumusuko. Nung time na na-capture ang picture na ‘yan, nasa work po ako nun. Paalis na po sana siya nang bigla daw siya tawagin ng baby namin,” pahayag ni Kiana.
Photo credit: Jezza Vasques
Photo credit: Jezza Vasques
“’Dada, work na ikaw? Kiss at hug muna ako please. I love you Dada.’ My son kissed him and hugged him tight,’” kwento ni Kiana.
“Naiyak daw ung partner ko kasi gustuhin man niya mag stay para makipaglaro, he can't kasi he has to work for our daily food,” dagdag ni Kiana.
Ani Kiana, sobrang nagpapasalamat siya sa kanyang partner dahil sa pagmamahal nito sa kanyang anak.
"Hindi niya po baby ang anak ko pero tinuring niya pong anak at tinulungan niya po akong buhayin ang munti naming pamilya nang walang tanong at panghuhusga sa aming nakaraan,” dagdag ni Kiana.
Ayon naman sa ulat ng Philippine Star, ang larawan ay in-upload ni Jezza Vasques mula sa Tagum City, Davao Del Norte.
Ani Jezza, gusto lamang niyang ipakita sa publiko na ang mga delivery riders ay may mga pamilya ring binubuhay. Nakakalungkot raw isipin na may mga taong nagagawa pang manloko sa mga delivery rider kahit na may kinakaharap ngayong krisis ang ating bansa.
“Amid the COVID-19, he sacrifices his health just to make sure he would be able to provide his family their needs. The kid is just saying goodbye to his father as the dad is about to go pick up his customer's order,” sabi ni Vasques.
“Masakit po para sa akin nakita ko ganitong scenario. ‘Yung sakripisyo ng mga frontliners natin iwanan ang pamilya para mapagsilbihan both customers and families,” dagda ni Vasques.
Maituturing din na mga frontliners ang mga delivery riders dahil sila ang sumusuong sa labas upang mai-deliver lamang ang ating mga pangangailangan.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Philippine Star
Source: News Keener
No comments