Dugyot na tenant nag-iwan ng maraming basura kahit nabigyan pa ng libreng upa ng ilang buwan

Napakahirap makakita ng taong mapagkakatiwalaan o yung mga taong marunong magpahalaga sa mga kabutihang ipinapakita mo sa kanila.
Photo credit: Daily Mail

Minsan, kahit na mismong miyembro ng pamilya natin ay hindi natin makitaan ng magandang ugali kaya mas pinipili pa nating magtiwala sa ibang tao.

May mga tao talagang kahit na anong kabutihan ang ipakita mo sa kanila ay sadyang hindi nila ito kayang pahalagahan. 



Katulad na lamang ng isang dugyot na tenant, matapos siyang hindi singilin sa dalawang buwan na renta dahil sa pandemya ay nagawa parin nitong mag-iwan ng madaming basura sa kanyang kwarto.

Sa isang artikulo ng Daily Mail, galit na galit ang isang landlord matapos makita ang kanyang apartment na naging basurahan. Nagkalat umano ang 600 na bote ng alak, libo-libong cigarette butts at frying pan sa palikuran.
 Photo credit: Daily Mail
Photo credit: Daily Mail

Ayon sa landlord na si Mr. Yang, ang utang umano sa renta ng kanyang tenant ay $420 o P21,000. Dagdag pa ni Mr. Yang, hindi na raw niya siningil ang tenant noong December at January dahil wala umano itong pera. 

Pagdating ng March ay nangako ang tenant na magbabayad sa buwan ng May.

May 14 ng puntahan ni Mr. Yang ang kanyang apartment upang singilin ang upa ng kanyang tenant, ngunit walang tao pagdating niya. Mabuti na lamang at dala niya ang extra na susi kaya nakapasok ito.



Pagbukas ng pinto ni Mr. Yang ay tumambad sa kanya ang napakarumi at tila basurahan na kanyang apartment.

Ayon sa report, ang 20-year old na tenant ay nawalan umano ng trabaho dahil sa pandemya. Ngunit hindi parin ito pinaalis ni Mr. Yang dahil naaawa ito sa kanya.

Matagal ng nagpapa upa si Mr. Yang ng apartment ngunit ngayon lamang niya naranasan ang magkaroon ng dugyot at walang utang na loob na tenant.

Ganunpaman, pinatawad na raw ni Mr. Yang ang kanyang tenant at hiling nito ay sana pagsisihan ng kanyang tenant ang ginawa nito at huwag ng ulitin.


***
Source: TrendsZilla

Source: News Keener

No comments

Seo Services