Beauty Queen Sharifa Akeel, Sinagot Na Ang Mga Alegasyon Na Siya Ay Kabit Ng Isang Congressman

Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon sa pinaparatang sa kaniya na siya ay kab3t at nilinaw na din ang mga alegasyon na ibinabato sa kaniya ng misis ni Congressman Toto Mangudadatu na si Mrs. Mylene Mangudadatu.

Kung ating matatandaan, dumulog si Myleen sa programa ni Raffy Tulfo upang ireklamo si Sharifa na kab3t umano ng kaniyang asawa na si Cong. Mangudadatu.


Samantala, hindi nagsalita at hindi nagbigay ng pahayag si Sharifa tungkol sa naturang isyu kahit pa man simula nang maging usap-usapan ito online.

Ngunit, binasag na ng beauty queen ang kaniyang katahimikan at nilinaw ang alegasyon na binabato sa kaniya sa isang pahayag noong huling linggo ng Agosto.




Sa kaniyang Facebook post, tinawag ni Sharifa na "desperada" si Myleen dahil patuloy nitong sinisira ang kaniyang pangalan, lalo na sa social media.

Hinamon din ng beauty queen si Myleen tungkol sa pagbabanta nito sa kaniya na magsasampa ito ng kaso laban sa kaniya ngunit hindi naman nito ginagawa.

Binanggit din ni Sharifa ang paggamit ni Myleen ng social media para lamang sirain ang pangalan niya sa ibang tao. Hiling naman ni Sharifa na sana ay huwag na nitong idaan pa sa social media ang kaniyang mga hinanaing laban sa kaniya dahil mayroon namang tamang lugar kung saan sila maaaring magharap upang malinaw din ang mga alegasyon na ibinabato sa kaniya.



Sinabi din ni Sharifa na haharapin niya si Myleen sa korte kung sakali man na nais nitong paabutin sa korte ang isyu. Buong tapang na hinamong ng beauty queen si Myleen na ipakita ang kaniyang mga ebidensya laban sa kaniya.

Basahin ang kabuuang post sa ibaba:


Source: The Relatable

No comments

Seo Services