Mahigit 100 Na Ang Nasawi Sa Beirut Explosion; Sanhi Ng Pagsabog, Tukoy Na


Mga rescue workers sa Lebanon patuloy pa din sa paghahanap ng mga nakaligtas habang ang apoy ay patuloy na sumusunog sa Lebanese capital, kung saan ang pagsabog na naganap dito ay pum@tay ng higit sa 100 katao at nasugatan ang libo-libong katao.


Ani ng health minister ng Lebanon sa isang panayam,


“We need everything to hospitalize the victims, and there is an acute shortage of everything.”


Sa ngayon, nahihirapan pa din ang mga rescue workers na gamutin ang libo-libong tao na napinsala mula sa naganap na malakas na pagsabog sa Beirut. Ang ilan naman sa mga rescue workers ay patuloy pa din sa paghahanap ng mga taong nakaligtas mula sa pagsabog.




Samantala, sa sobrang lakas ng pagsabog na naganap, ito ay naramdaman pa sa higit na 150 milya ang layo mula sa Cyprus, na-level ang buong seksyon ng lungsod na malapit sa daungan ng Beirut.


Ang pagsabog ay nag-iwan naman ng mga baluktot na metal at mga bloke sa downtown business district ng Beirut.



Ang mga waterfront na kalapit lamang nito na dating punong puno ng mga nightclubs at restaurants ay nasira dahil sa pagsabog. Ang ilan sa mga masikip na kapitbahayan ng tirahan sa silangang bayan at higit na kalahati ng Kristiyano ay nasira din.



Halos lahat din ng bintana ng mga sikat na establisyemento sa lungsod ay nasira at ang kalye ay punong puno ng mga basag na salamin, durog na bato, at sasakyan na siyang bumagsak sa bawat isa matapos ang pagsabog. Ang mga gusali na malapit sa naganap na pagsabog ay nasira din at nag-iwan lamang ang mga balangkas nito.


Samantala, umabot naman na sa mahigit na 100 ang nas@w1 mula sa pagsabog at hindi pa natutukoy kung ilan ang nawawala. Nasa higit na 4,000 katao naman ang nasugatan dito na siyang dahilan para sa pagkapuno ng mga ospital sa syudad.




Sa panayam sa news network na Mayadeen, sinabi ng head ng Red Cross ng Lebanon n ais George Kettani,


“What we are witnessing is a huge catastrophe. There are victims and casualties everywhere.”


Dahil sa malakas na pagsabog, nawalan din ng kuryente sa maraming parte ng syudad kaya naman limitado lamang ang naging galaw ng mga emergency worker hanggang sa lumiwanag. Ang mga emergency workers ay pinuntahan ang mga residente na nakapalibot sa syudad upang bigyan ng first aid ang mga resident kahit pa man mayroon pang sunog na nangyayari sa paligid nila.



Saad ni health minister Hamad Hasan sa Reuters ngayong Miyerkules ng umaga,


“There are many people missing until now. People are asking the emergency department about their loved ones and it is difficult to search at night because there is no electricity. We need everything to hospitalize the victims, and there is an acute shortage of everything.”



Sinabi naman ng mga opisyal na ang sanhi ng naganap ng pagsabog ay ang pagsabog ng mahigit na 2,700 tons ng ammonium nitrate, isang kemikal na madalas ginagamit sa mga bomba at fertilizer. Ang mga ito ay nakalagay sa bodega ng daungan mula nang ito ay nakumpiska mula sa isang kargamento ng barko noong 2014.



Source: The Relatable

No comments

Seo Services