Sa kapanahunan na tayo ay walang wala tanging pamilya lamang ang siyang makakatulong at nag iisa nating masasandalan, mapupuntahan sa oras na tayo ay nangangailangan. Kaya naman, masakit isipin na merong mga pamilya na kapag wala na silang makuha sa bumubuhay sa kanila noon ay kanila itong tinatalikuran o di kaya ay ila nitong patuloy na kinakalimutan.
Kagaya nalamang sa naranasan ng dating aktor na si John Regala. Si John Regala ay sikat noon na artista pagdating sa pagiging kontrabida. Ito ang nakasanayang role palagi ni John sa mga pelikula at teleserye.
Ngunit sa kasamaang palad, hindi inasahan ni John na siya ay magkaroon ng sakit at sapilitang iwan ang showbiz. Kaya ito ang naging rason kung bakit siya ay nawalan na ng trabaho.
July 28, 2020 ng maka panayam ng DZRH si John na umiiyak habang kinikwento ang kalagayan nito sa publiko. Naging viral sa social media ang kalagayan ni John matapos siyang tulungan ng isang Grab Driver.
July 27 noon na may hinihintay di umano si John sa Pasay City dahil sa mainit na panahon nahilo ito at agad naman siyang tinulungan ng grab driver.
Ayun sa aktor, simula noong hiniwalayan siya ng kanyang asawa ay hindi na rin daw siya kinakausap ng kanyang mga anak.
“Ganun pala ang buhay, pag wala ka nang pera, kahit may mabuti kang nagawa, wala na rin silang paggalang sa tao,” hinanakit ni John.
“Yung mga anak ko sa puso, medyo nakalimot na dahil may kanya-kanyang buhay na. May sarili nang pinagkakakitaan, matigas na ang buto, hindi na nakakaalala sa kanilang ama. Hindi man lang nila ako maipagmaneho."
Umiiyak pang sabi ni John, “Wala na rin akong kamag-anak. Magmula nung mamatay yung nanay ko, itinakwil na rin ako ng mga kamag-anak ko. Dahil wala na silang mapapala sa akin.”
Mabuti nalang daw ay kinupkup siya ng Iglesia ni Kristo dahil ayaw niyang magpa confine sa hospital na may liver cirrhosis.
Ayun pa kay John, ayaw daw niyang mamatay sa Covid19. Ang buhay niya raw na natitira ay mas mabuting pang ipaglingkod niya nalang sa Diyos.
Marami naman ang na antig sa kwento ni John at agad siyang binigyan ng tulong nina, President Joseph Estrada, Rez Cortez, Senator Bong Revilla Jr., Vic Sotto.
Maging sina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, Manay Aster Amoyo, Dranreb Belleza at Maging si Raffy Tulfo ay nag laan din ng tulong sa beteranong aktor.
Ating panalangin na makabangon si John Regala sa kanyang hinaharap na pag subok sa buhay niya ngayon. Walang permanente sa mundo lahat nawawala, lahat may hangganan. Tanging relasyon lamang sa Diyos ang siyang mananatili.
Source: The Relatable
No comments