Paolo Duterte at INC nagsanib pwersa umano upang pabagsakin ang ABS-CBN

Sa pagtatapos ng pagdinig ukol sa franchise renewal ng ABS-CBN, napabalitang gumagawa umano ng hakbang si Presidential son Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte at ang Iglesia Ni Cristo (INC) upang tuluyan ng maipasara ang Kapamilya Network.
Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte / Photo credit: UNTV, Rappler and Eagle News

Sa isang artikulo ng Politiko, sinabing pine-pressure umano ng INC at ni Pulong ang House leaders upang bumoto ng NO laban sa ABS-CBN.

"Pulong and INC are supposedly lobbying separately with members of the House Legislative Franchises Committee to deny ABS-CBN’s franchise application,” sabi ng site na Politiko. 



They’re also said to be pressuring House leaders to vote against the network,” dagdag nito.

Ayon sa top-level source ng Politiko, binabantaan umano ang mga lawmakers ng zero projects kapag bumoto sila ng YES sa franchise renewal ng Kapamilya Network. Mayroon rin babala na haharap sila sa matinding problema sa darating na eleksyon sa 2022. 

Dagdag pa ng Politiko, may ilan umanong lawmakers na nakatanggap ng pagbabanta or harassment kapag kumampi sila sa ABS-CBN. Ayon sa source, swerte na umano ang Kapamilya network kung makakuha sila ng sampung boto.

On top of political threats, Politiko’s source claimed some lawmakers have also been threatened with physical harm– short of harassment– should they side with ABS-CBN,” ayon sa Politiko.

The plan is to ‘kill’ ABS-CBN’s franchise bid at the committee level so it doesn’t reach the plenary anymore,” sabi ng source.

Ang pagboto sa franchise application ng ABS-CBN ay manggagaling sa 46-members ng House of Legislative Franchise Committee at 45-ex officio members.

Ang ex-officio ay kinabibilangan ng top House Leaders katulad nina Speaker Alan Peter Cayetano, Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Benny Abante. Deputy Speakers, Deputy Majority Leaders at Deputy Minority Leaders ay maaari rin bumoto.

Sabi ng source, ang mga ex-officio ay sinabihan umanong hindi sila maaaring mag “abstain” ng boto.

If they don’t want to vote, they must deputize a lawmaker to vote on their behalf against ABS-CBN,” sabi ng source.

Ayon din sa report ng Politiko, gusto umano ng INC na makuha ang frequencies ng ABS-CBN kaya nito tinututulan ang franchise renewal.


***
Source: Politiko

Source: News Keener

No comments

Seo Services