Viral ngayon ang Facebook post ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) kung saan tinawag nitong pekeng kawal ng sandatahan ang aktor na si Dingdong Dantes.
Dingdong Dantes / Photo credit: Morgan Magazine
Ayon sa OFW na si Vash Leng, ang komento ni Dantes ukol sa anti-terrorism bill ay nangangahulugan na hindi sagrado ang kanyang sinumpaang tungkulin bilang isang reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Iti-nag pa ng OFW ang AFP at Philippine Navy sa kanyang post at sinabing i-court martial o kaya ay i-dismiss na si Dantes bilang isang reservist.
Aniya, baka si Dantes pa raw ang magpahamak sa mga kasundaluhan kapag nagkaroon ng digmaan dahil “sa kanyang peke at mala pelikulang pagganap bilang isang kawal ng sandatahan.”
Para kay Dantes, ang ATB ay maaari umanong abusuhin ng mga nasa kapangyarihan. Hindi raw ito makabubuti sa nakararami. Dagdag pa niya, ito raw ang nagiging dahilan kung bakit nagkakawatak-watak ang mga Pilipino ngayon panahon ng krisis na sana raw ay nagtutulungan ang bawat isa.
“Sadly, the Anti-Terrorism Bill is also causing fear—fear from abuse of power because of uncertainties and lack of dialogue. It is unfortunate that instead of uniting the people during these difficult times, the bill is dividing us. We must remember that the bill must yield the greatest net benefit to the people,’ sabi ni Dantes.
Narito ang buong post ng OFW:
“ATTENTION: Armed Forces of the Philippines Philippine Navy Please put this IDIOT in a Court Martial or better Dismiss him from being Reservist.
Ang komento ng taong ito ay nangangahulugan lamang na hindi sa kanya sagrado ang sinumpaang tungkulin bilang miyembro ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.
Ito ang mahirap sa isang artistang Reservist na ginamit lang ang kasikatan upang makuha ang rango na hindi pinaghirapan ng ilang taon pagsasanay upang matutunan ang tamang asal bilang miyembro ng mga manananggol ng bansa.
Kung sa gitna ng digmaan ito rin ang magpapahamak sa mga kasundaluhan dahil sa kanyang peke at mala pelikulang pagganap bilang isang kawal ng sandatahan.
Hiyang hiya naman sayo ang mga tunay na nagsikap maging miyembro lang ng sandatahan at maipagtanggol lang bansa kapalit ang kamatayan sa kamay ng mga kalaban.”
***
Source: Vash Leng | Facebook
Source: News Keener
No comments