Panelo sinupalpal si Pangilinan: Bulag at bingi ka sa mga nagawa ni Duterte

Tinawag ng Malacañang si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na bingi at bulag sa mga nagawa ng kasalukuyang administrasyon. 
Presidential spokesperson Salvador Panelo and Senator Francis Pangilinan / Photo from Saksingayon

Ito ay matapos sabihin ni Pangilinan na diversionary tactics lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paninisi kay senatorial candidate Mar Roxas sa pagkamatay ng SAF 44 para pagtakpan ang mga kabiguan ng administrasyon pati na ang track records ng mga administration candidate.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan si Pangilinan dahil mas malayong ‘di hamak na nalamangan ni Pangulong Duterte ang mga nagawa ng kanyang idol na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Dagdag pa ni Panelo, mas lalong lumutang at nangibabaw ang pagiging kawalang-kakayahan ng mga opisyal ng nakalipas na administrasyon gaya na lamang ng Mamasapano incident pati na ang kaawa-awang kalagayan ng mga biktima ng bagyong Yolanda.

Senator Francis Pangilinan’s claim of diversionary tactics with regard to the remarks of PRRD on senatorial candidate Mar Roxas and other opposition candidates is noxious nonsense. Like the other critics, he is deaf and mute to the unprecedented survey numbers of the President,” ani Panelo.

Hindi rin aniya maaaring ikumpara sa mga nakalipas na administrasyon ang mga nagawa ni Pangulong Duterte lalo na sa kampanya sa iligal na droga, kriminalidad, korapsiyon at terorismo gayundin ang Build Build Build program nito.

Bukod dito, sinabi ni Panelo na maraming mga naipatupad ang kasalukuyang administrasyon na hindi nagawa ng ibang lider gaya na lamang ng libreng edukasyon, libreng irigasyon para sa mga magsasaka, universal health care at free school feeding program, gayundin ang paniningil ng bilyon-bilyong pisong buwis mula sa mga bilyonaryong negosyante na hindi nagawang singilin ng ilang taon, pati na ang pagtaas ng sahod ng mga sundalo at pulis.

Idinagdag rin ni Panelo ang hindi matatawarag palaging mataas na approval at trust rating ni Pangulong Duterte na patunay lamang na maayos ang pagpapatakbo nito sa gobyerno.

Sinabi ni Panelo na panahon na para gumising sa pag-iilusyon ang senador at mga kasama sa oposisyon at tanggapin ang katotohanang malaki na ang ipinagbago ng bansa.

Kamakailan ay sinisi ni Pangulong Duterte si dating Interior Secretary Mar Roxas sa naganap na Mamasapano Massacre noong 2015. 

"He wasted 44 lives for nothing. They could not even explain why it was the police who went there... hanggang ngayon hindi niya sinagot ito," ani Duterte.


***
Source: Abante

Source: News Keener

No comments

Seo Services