Madalas na inaabangan ng mga manood ang mga teleserye lalo na kung ang mga cast niyo ay mga kilala at mahuhusay na artista at sa preview pa lang ay kapanapanabik na. Pero kahit dito, madalas pa din na nagkakaroon ng pagbabago sa mga cast at kahit sa storyline nito.
Ilan sa mga artista ang nag-back out sa mga major roles na una na nilang tinanggap. Sino sino sila at bakit sila nag-back out?
* Julia Montes at Nadine Lustre sa "Burado"
Magsasama sa unang pagkakataon sila Julia Montes at Nadine Lustre sa isang prime time series ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment at in-announce na ito noong Pebrero.
Malaking comeback sana ito kay Julia na napahinga sa showbiz mula pa noong 2018 at kay Nadine naman, ito ang unang serye niya na hiwalay kay James Reid. Makakasama din nila sina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo at Thai actor na si Denkhun Ngamnet.
Nakapagsimula na ang team sa pagtape ng ilang eksena sa Thailand pero agad din itong nahinto dahil sa Covid-19. Dahil na din sa pagkapaso ng prangkisa ng ABS-CBN noong May 05, naging malabo na din ang pag-ere nito.
Bagaman sinisikap na ituloy ang nasabing seryeng, hindi na magbibida sina Julia at Nadine dahil nag-back out na sila rito.
July 7, ini-report naman ng Pilipino Star Ngayon na sina Arci at Angelica Panganiban na ang bagong leading star nito. Binago na rin ang title nito sa Walang Hanggang Paalam. Simula na rin ng lock-in taping nito sa Zambales simula July 13, ayon naman sa PEP Troika.
* Marian Rivera sa "Rich Man's Daughter"
Ito sana ang pinakaunang serye ni Marian Rivera matapos ikasal kay Dingdong Dantes. Makakasama niya dito si Glaiza De Castro.
Sa pasimula ng serye, napag-alaman na buntis si Marian pero gusto pa din niyang i-push ang serye. Gayunpaman, dahil sa maselang pagbubuntis, napilitan si Marian na mag-back out sa nasabing serye. Si Rhian Ramos naman ang napiling pumalit kay Marian.
* Erich Gonzales sa "Love Thy Woman"
Na-excite ang mga fans sa muling pagtatambal ng love triangle nila Kim Chiu, Xian Lim at Erich Gonzales sa Love Thy Woman. Una nang nagsama ang tatlong ito bilang love triangle din sa 2011 teleserye na Minsan Lang Kita Iibigin.
Sa serye, gaganap na half-sisters sina Kim at Erich na pareho namang may gusto sa leading man na si Xian. Makalipas ang ilang buwan matapos ang announcement, napabalita na nag-back out si Erich sa role.
Ayon sa team nila Erich, naging kontrabida ng role ng aktres na hindi nila unang napagkasunduan noon. Pumalit naman sa kaniya si Yam Concepcion.
* Aiko Melendez sa "Sandugo"
Makalipas ang fresh roles sa Wildflower at Bagani, sasabak muli sa isang pang teleserye si Aiko Melendez kasama ang beteranong artista na sina Cherry Pie Picache, Ariel Rivera at Gardo Versoza pero nag-back out din agad ang aktres.
Ayon kay Aiko, pansamantala muna silang magpo-focus sa kampanya ng kaniyang boyfriend na tumatakbong Vice Governor ng Zambales. Napili naman si Vina Morales bilang kapalit niya sa role sa nasabing serye.
Makalipas ang eleksyon, nagbida naman sa isang serye sa GMA-7 si Aiko na pinamagatang "Prima Donnas".
* Kim Domingo sa "Bihag"
Nagback-out naman si Kim Domingo sa kaniyang role sa teleseryeng "Bihag" matapos malaman na masyadong "sexy" ang role niya dito. Napili naman si Sophie Albert sa role at pinalitan ang title na "Stolen".
Makakasama sana ni Kim Domingo sa seryeng ito sina Max Collins, Jason Abalos at Mark Herras. Nang i-ere na ang palabas, ibinalik ang titulo nito sa "Bihag". Matapos tumanggi sa role na ito, nakatanggap naman si Kim ng kontrabida role sa seryeng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.
* Yen Santos sa "Because you Loved Me"
Ibinahagi naman ng ABS-CBN ang muling pagsasama nila Gerald Anderson at Jake Cuenca kasama si Yen Santos sa teleseryeng Because You Loved Me.
Tungkol naman ito sa buhay ng mga triathletes. Ang Triathlon ay isang uri na sport na may tatlong events, swimming, cycling at long-distance running. Nagsimula naman sila ng taping noon sa Bulalacao, Mindanao.
Dahil sa role, sinikap ni Yen na pag-aralan nag sport, lalo na ang swimming. Gayunpaman, nakalipas ang ilang buwan, ini-announce naman ng ABS-CBN ang pagbabalik tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin. Ang seryeng ito ay halos katulad ng storyline ng Because You Loved Me. Si Yen Santos naman ay nalipat sa serye ni Jericho Rosales na Magpahanggang Wakas.
Ayon sa mga lumabas na report, nag back-out si Yen sa seryeng Because you Loved Me para matuloy ay balik tambalan nina Kim at Gerald.
Makalipas naman ang isang taon, nagpahayag si Yen ng totoong dahilan ng pagkawala niya sa serye. Aniya, tubig ang number one fear niya kahit pa sinikap niyang magtrain dito. Gayunpaman, dahil sa kaniyang pangamba, sinabi ni Yen na hindi niya gustong siya ang maging dahilan ng delay ng serye kaya nagback-out na siya.
Nang maglaon, nagkasama naman sina Yen Santos, Jericho Rosales at Yam Concepcion sa teleseryeng Halik ng ABS-CBN.
* Roxanne Guinoo sa "Bud Brothers" at "Magkano ang Iyong Dangal"
Matapos mabasa ang buong script, nagback-out si Roxanne Guinoo sa kaniyang pagbibidahang serye kasama si Guji Lorenzana sa seryeng Bud Brothers. Aniya, masyadong sensual scenes nito. Ini-announce din naman na si Kaye Abad na ang gaganap sa seryeng ito.
Tumanggi din naman si Roxanne sa isa pang roles matapos malaman na mayroon muling mga sensual scene siyang gaganapin sa kaniyang magiging role kasama sina Sid Lucero at Rayver Cruz sa teleseryeng "Magkano ang Iyong Dangal". Si Bangs Garcia naman ang sumalo sa iniwang role Roxanne.
Makalipas naman ang dalawang buwan, ibinunyag ni Roxanne na buntis siya. Aniya, nalaman naman niyang buntis siya dalawang lingo matapos mai-ere ang "Magkano ang Iyong Dangal".
* Kylie Padilla sa "Pahiram ng Sandali"
Magkakasama sana sina Kylie Padilla at Dingdong Dantes sa GMA serye na "Haram", isang lovestory tungkol sa isang muslim na babae at kristiyanong sundalo. Makakasama nila doon si Lorna Tolentino.
Gayunpaman, naglabas ng statement ang GMA-7 na hindi na ito itutuloy dahil sa current tense atmosphere all over the world and in solidarity and in respect to the entire Muslim Community.”
Para hindi masayang ang napiling mga cast, napagdesisyunan ng network na bumuo ng bagong storyline. Magiging love triangle naman dito ang nasabing mga lead stars.
Gayunpaman, nagback-out din si Kylie sa serye. Ayon sa kaniyang talent management na Vidanes Celebrity Marketing, masyadong "adult" ang role na ito para sa edad ni Kylie na 19. Si Max Collins naman ang pumalit sa kaniyang role.
* Winwyn Marquez sa "Pamilya Roces"
Nag-back out din naman si Winwyn Marquez sa seryeng "Pamilya Roces" dahil sa magiging sensitibong role niya rito. Aniya, hindi ito in-line sa dapat niyang gawin at na maghihintay na lang siya ng tamang project na fit sa kaniya.
Sa storyline, gaganap si Winwyn bilang Amber, ang liberated half-sister ni Crystal (Carla Abellana) at magiging kabit naman ng asawa nito na si Hugo (Rocco Nacino). Napunta naman kay Sophia Albert ang role na ito.
Source: The Relatable
No comments