Kean Cipriano dismayado sa gobyerno: Gaguhan 2020

Kean Cipriano / Photo credit: Philippine Star

Naglabas ng hinaing ang singer at lead vocalist ng bandang Callalily na si Kean Cipriano sa kumalat na larawan ng libo-libong locally stranded individual (LSI) sa Rizal Memorial Sports Stadium simula noong Biyernes.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Kean na Gaguhan daw ang ginagawang responde ng gobyerno sa pandemya.

Nag lockdown at Quarantine ng ilang buwan. Hinuli mga tao na “hindi daw” sumusunod sa quarantine protocols.(Pero hindi hinuli yung mga nasa posisyon na lumabag kasi daw (VIP). Tapos di daw alarming yung dumadami na cases.”

“Tapos eto... haaay! Gaguhan 2020!” tweet ni Kean.


I never felt secure. It never felt safe. Ang daming nagkakasakit. Ang daming namamatay. Ang daming nawawalan ng trabaho. Ang daming nagsasara na negosyo. Ang daming nagaaway. Ang daming kasinungalingan. Ang daming excuses.”

“Ano ba talagang plano?” sabi ni Kean sa isa pang tweet.



***

Source: News Keener

No comments

Seo Services