“Hanggang pang-mayor lang siya, hindi kaya maging presidente.”
Yan ang patama ng dating sexy star na si Francine Prieto kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa panahon niya naipasara ang ABS-CBN at ang pagpapasa ng Anti-Terrorism Law.
Francine Prieto and President Rodrigo Duterte / Photo credit: Twitter and Google
Saad ni Prieto, sobrang bait raw ng mga Pilipino dahil kung sa ibang bansa raw nangyari ang mga ito ay baka sinira na raw ng mga tao ang mga pagmamay-ari ng gobyerno.
“Sa totoo lang ang bait nating mga Pilipino. Tinatarantado tayo, ginagago tayo, umaalma lang tayo. Grabe tayo magtiis. Ninanakawan tayo, pero pinipilit pa rin nating intindihin sila. Kung iba yan, sinunog na mga bldgs, properties ng taga-gobyerno o pinatay na sila,” sabi ni Prieto.
“Sana magresign na siya ngayong 2020…Isama na rin yung mga nakapaligid sa kanya,” dagdag niya.
Dati ng sinabi ni Francine na hindi raw kaya ni Pangulong Duterte ang mamuno sa bansa at sana raw ay magresign na ito. Aniya, ipasa nalang daw kay Vice President Leni Robredo ang Covid-19 issue dahil mas marami raw itong nagawa.
“Hindi kaya ni Presidente Duterte mamuno sa atin, sana nagresign nalang siya. O kung ayaw magresign sana ipinasa nalang niya kay VP Leni etong COVID-19 issue kahit nung April, mas may plano at marami pang nagawa ang OVP.”
***
Source: Francine Prieto | Twitter
Source: News Keener
No comments