Kamakailan lamang, ibinahagi ng siikat na YouTuber at aktres na si Ivana Alawi na inoferan siya ng isa sa kanyang mga admirer ng isang Private Jet ride papuntang Japan matapos niyang sinabi sa kanyang vlog na miss yana raw kumain ng ramen, sikat na pagkain sa Japan.
Sa recent YouTube vlog ni Ivana ay binibiro siya ng kanyang kapatid na si Mona tungkol sa mayamang admirer nito.
Sabi ni Ivana;
“Nag-crave ako, nag-post ako ng Japanese food. Matagal na siya nag-di-DM sa akin. Sabi niya, ‘Puwede ba kita ligawan? Sunduin kita ng private jet, ta’s punta tayong Japan, ta’s kakain tayo doon.”
“Sa tingin mo sasama ako sa ‘yo papuntang Japan dahil lang may jet ka?” biro ni Ivana.
Nagbigay payo naman si Ivana sa mga lalaki na mayaman na hindi basta basta nila makukuha ang kanilang natitipuhan na mga babae dahil lang sila ay maraming pera, ari arian at angat sa buhay.
“Ito lang masasabi ko: Hindi porke’t may pera ka, makukuha mo lahat ng gusto mo. Sometimes you just have to be good to people, you have to be friendly. Kung gusto mo makipagkaibigan, makipagkaibigan ka. Pero hindi porket may jet ka, sa tingin mo lahat ng babae sasama sa ‘yo? Hindi ako. Ibahin mo ako.” sabi pa ni Ivana.
Maraming kalalakihan ang nahuhumaling sa kagandahan ni Ivana. Dahil sa mala anghel nitong mukha at magandang katawan. Ngunit, sa kababaihan naman marami ang kanyang na inspire dahil sa kabutihang loob nito.
Sa pagiging mababa ang tingin sa sarili kahit na ubod ng yaman. At ang pagiging matulungin sa kapwa tao. Marami man ang nagagandahan sa kanyang labas na anyo mas marami naman ang nagagandahan sa kanyang anyo sa loob.
Source: The Relatable
No comments