GMA screenwriter to Angel Locsin: "Ang totoong hero ay may integredad at di liar"

Sa isinagawang noise barrage na dinaluhan ng mga empleyado at supporters ng ABS-CBN network kahapon, Sabado ng gabi, mapapanood ang pagsasalita ng aktres na si Angel Locsin.
GMA screenwriter Suzette Severo Doctolero and Angel Locsin / Photo from PEP and Facebook

Maririnig rin ang lakas ng hiyawan ng mga dumalo sa noise barrage na ginanap sa harap ng ABS-CBN Compound sa Mother Ignacia St., Quezon City.

Kahit na nakasuot ng protective goggles at face mask si Angel ay bakas sa kanya ang panggigigil at galit.



Sa kanyang pagsasalita, sinabi ni Angel na wala siyang shares sa ABS-CBN. Wala rin daw siyang kontrata sa Kapamilya Network.

Dagdag pa ng aktres, ang ABS-CBN ang tumulong sa kanya noong panahong walang wala raw ang kanyang pamilya.
Angel Locsin and fiance Neil Arce / Photo credit: Rappler

Wala akong shares sa ABS-CBN; wala akong kontrata pero itong mga taong ‘to sila yung nagbigay ng trabaho sa akin, sila yung tumulong sa akin, sila yung tumulong sa akin nung walang-wala ang pamilya ko,” sabi ni Angel.
Angel Locsin / Photo from her Facebook page

Samantala, pinasinungalinan ng GMA screenwriter na si Suzette Severo Doctolero ang ilang naging pahayag ni Angel.

Aniya, hinahangaan niya si Angel pero exaggerated raw umano ang mga sinabi nito.

Ayon kay Doctolero, sobrang laki ng kinita ni Angel noong nasa GMA pa siya at malaki rin umano ang kanyang network nung lumipat na siya ng ABS.

 Sa totoo lang tayo ha. Kaloka,” sabi ng screenwriter.

Dagdag pa ni Doctolero, bilang isang Darna, huwag siyang magsinungaling.

 Ang totoong hero ay may integredad at di liar, di ba? 

Narito ang buong post ni Doctolero:

“A e I admire your courage po pero huwag exag. Kumita ka ng sobrang laki sa GMA. Malaki ang net worth mo nung lumipat ka sa kabila. Sa totoo lang tayo ha. Kaloka. Though baka naman din kasi sa sobrang silakbo lang ng damdamin mo kaya mo siguro nasabi ang tila yata kasinungalingan na padrama mo na ito, right? pero, gurl, we know at ng BIR na di ka patay gutom nung lumipat ka sa kabila, teh. But go, tuloy ang laban, gurl. Wag lang oa sa mga statement. Sa truth lang tayo, yes! Btw, ginawa ka naming Darna. Im glad na until now ay nakakabit sa iyo ang pagiging superhero.. kaya sana konting lingon naman ng konti sa pinanggalingan at huwag magsisinungaling ha? Ang totoong hero ay may integredad at di liar, di ba?”

Narito naman ang iba't ibang reaksyon ng mga netizens:




***

Source: News Keener

No comments

Seo Services