Alice Dixson, Nagsalita Na Makalipas ang 30 Years Tungkol Sa 'Taong Ahas' Na Nakatira Sa Isang Mall


Taong 1980's nang mapabalita ang isang kahindik-hindik na kuwento na kinasangkutan ni Alice Dixson sa isang fitting room sa loob ng Robinsons Galleria.

Ayon sa kuwento, matapos matipuhan, muntik na daw mabiktima ng isang 'taong ahas' ang aktres pero nakatakas lamang umano siya sa halimaw na iyon.

Ang nasabing halimaw daw na ito ay nakatira sa ilalim ng Robinsons Galleria. Kambal umano ito ni Robina Gokongwei, ang anak na babae ng business tycoon na si John Gokongwei. Marami pang ibang kuwento ang kumakalat sa tungkol sa isyung ito.


Naging totoo naman ito para sa marami dahil sa biglang pag-alis ni Alice Dixson sa mundo ng showbiz kahit panahon pa ngnknaiyang kasikatan.

Maraming kumalat na isyu ang nagsasabi na binayaran umano si Alice ng malaking halagang ng Pamilya Gokongwei para manhimik ito tungkol sa isyung iyon.

Ayon sa Instagram Post ni Alice Dixson, ito na ang tamang panahon para tapusin na ang kaniyang tatlumpung taong pananahimik tungkol sa isyung ito tungkol sa taong ahas na nagtatago sa Robinsons Galleria.

Aniya, mula noon, hindi pa niya naipahayag ang kaniyng side sa isyung iyon.

"Hindi ko gustong buhayin ang chismis; that is the farthest from my intention. Nais ko lng linawin ang mga naganap sa Robinson’s Galleria nun dalaga pa ako," aniya sa kaniyang post.


Idinagdag pa ni Alice na naipangako niya sa isang kaibigan na ibubunyag din niya ang totoong mga pangyayari sa tamang panahon. At sa haba ng panahon na lumipas, halos 30 taon, ay ibabahagi na niya ito sa madla.

Inanyayahan naman si Alice Dixson ang kaniyang mga followers at iba pa na hanggang ngayon ay curious pa rin tungkol sa totoong nangyari sa kaniya sa isang fitting room sa loob ng Robinsons Galleria na abangan ang kaniyang rebelasyon sa kaniyang vlog sa YouTube.


Ang instagram post naman na ito ni Alice Dixson ay umani na ng halos 16,263 likes at 1,193 comments.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services