Tindera ng pandesal, suki din ng marami dahil sa kanyang husay sa pag-kanta.
Trending ngayon ang post ng isang Facebook user na si Jayson Kua A Samia mula Ilaya, Aläbäng dahil sa talento ng isang tindera ng pandesal na tinagurian niyang si "Pandesal Girl"

Ayon sa post ni Jayson, bumili sila ng inaalok na pandesal ng tinderang kinilala bilang si Ate Eva, ngunit bukod sa natanggap na mainit na pandesal ay pinaunlakan din sila nito ng isang makabagbag-damdaming awitin.

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook


Gamit ang kantang "Where do br0ken hearts go" na pinasikat ni Whitney Houston. Ipinamalas ni Ate Eva ang kanyang husay sa pag-awit na kinabiliban naman ng grupo ni Jayson.

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook


Mabilis na kumalat ang post na ito na sa ngayon ay may 1.5k reactions, 880 shares, 195 comments at mahigit 33k views.

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook


Lubos din ang paghanga ng mga taga-Aläbäng kung saan tila maraming nakakakilala sa mahusay na tindera.

Ayon pa sa isang komento na nagpakilalang kapitbahay ni Eva, ang nasabing talentadong tindera daw ay dating propesyonal na nagtatrabaho sa isang kilalang bangko ngunit mas pinili ang pagtitinda ng pandesal.

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook


Dagdag pa nito, bukod sa talentong taglay ni Eva ay isa rin siyang simple at mapagkumbabang tao.

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook


Patuloy naman ang pagbilib ng ilang mga netizens sa husay ni Pandesal Girl at pag tulak ng ilan sa mga ito na sana'y sumali siya sa isang sikat na patimpalak upang mas makilala at maipamalas ang kanyang galing.

Hinding hindi matatawaran ang galing ng mga pinoy pagdating sa kantahan. At sadyang natatangi ang magkaroon ng ganitong talento, kaakibat ng pagiging simple, mabait at masipag na taong kagaya na lang ni Ate Eva.

Nawa'y mas marami pa siyang maging suki na mapangiti sa tulong ng kanyang pag-awit at panindang pandesal.

Narito ang ilang komento ng mga netizens sa naturang post:

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook



Source: News Keener

wokes Tuesday, February 23, 2021
Tindera ng pandesal sa Alabang, suki din ng marami dahil sa kanyang husay sa pag-kanta.
Trending ngayon ang post ng isang Facebok user na si Jayson Kua A Samia mula Ilaya, Alabang dahil sa talento ng isang tindera ng pandesal na tinagurian niyang si "Pandesal Girl"

Ayon sa post ni Jayson, bumili sila ng inaalok na pandesal ng tinderang kinilala bilang si Ate Eva, ngunit bukod sa natanggap na mainit na pandesal ay pinaunlakan din sila nito ng isang makabagbag-damdaming awitin.

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook


Gamit ang kantang "Where do broken hearts go" na pinasikat ni Whitney Houston. Ipinamalas ni Ate Eva ang kanyang husay sa pag-awit na kinabiliban naman ng grupo ni Jayson.

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook


Mabilis na kumalat ang post na ito na sa ngayon ay may 1.5k reactions, 880 shares, 195 comments at mahigit 33k views.

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook


Lubos din ang paghanga ng mga taga Alabang kung saan tila maraming nakakakilala sa mahusay na tindera.

Ayon pa sa isang komento na nagpakilalang kapitbahay ni Eva, ang nasabing talentadong tindera daw ay dating propesyonal na nagtatrabaho sa isang kilalang bangko ngunit mas pinili ang pagtitinda ng pandesal.

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook


Dagdag pa nito, bukod sa talentong taglay ni Eva ay isa rin siyang simple at mapagkumbabang tao.

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook


Patuloy naman ang pagbilib ng ilang mga netizens sa husay ni Pandesal Girl at pag tulak nitong sumali sa isang sikat na patimpalak upang mas makilala at maipamalas ang kanyang galing.

Hinding hindi matatawaran ang galing ng mga pinoy pagdating sa kantahan. At sadyang natatangi ang magkaroon ng ganitong talento, kaakibat ng pagiging simple, mabait at masipag na taong kagaya na lang ni Ate Eva.

Nawa'y mas marami pa siyang maging suki na mapangiti sa tulong ng kanyang pag-awit at panindang pandesal.

Narito ang ilang komento ng mga netizens sa naturang post:

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook

Imahe: Jayson Kua A Samia | Facebook



Source: News Keener

wokes
OFW na pauwi ng Pilipinas, binigyan ng mamahaling regalo ng amo
Ang pagiging Overseas Filipino Worker (OFW) ay napakahirap dahil nakakalungkot ang mahiwalay sa ating mga mahal sa buhay. Bukod sa pangungulila, minsan ay napupunta pa tayo sa malupit na employer.
Photo credit: Mai Pionelo Dpcrtl

Gayunpaman, anomang hirap at sakripisyo ay kayang kaya nating gawin para sa kinabukasan ng ating pamilya.

Kaya naman napakaswerte ng isang OFW na mayroong mabait na amo at talagang may malasakit sa kanya.

Katulad na lamang ng isang OFW na si  Mai Pionelo Dpcrtl mula sa Saudi Arabia.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Mai na pauwi na siya sa darating na Marso matapos ang limang taong paninilbihan sa ibang bansa.
Photo credit: Mai Pionelo Dpcrtl

Aniya, pinabaunan siya ng kanyang among babae ng mamahaling singsing at ito raw ang unang beses na binigyan siya ng regalo nito.

Kwento niya, naiiyak pa raw ang kanyang amo habang iniaabot sa kanya ang regalo sabay yakap sa kanya.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento:

"From Roxas City Capiz po ako, single mom may isang anak. Nag-abroad ako para sa future ng anak ko at makapag-provide sa magulang at mapag-aral ang mga kapatid. 

Pagdating ko dito sa Saudi, di agad ako napunta sa employer ko. Nag-stay pa ako ng 3 days sa shelter kasama ng mga distress OFW, 1week sa agency.

Hanggang sa nakuha ako ng amo ko. Hindi naging madali may mga araw na gusto ko na sumuko pero pag naaalala ko ang mga dahilan kaya ako umalis ng bansa, nagiging malakas ulit ako at nagpapatuloy sa buhay. 

Last year uuwi na sana ako, pero nagpand*mic at nagka-canc*r madam ko. Kaya hindi ako nakauwi dahil nahirapan din akong iwanan siyang may sakit. 

Ngayong okay na siya kahit hirap silang bitawan ako kailangan ko na din umuwi para sa pamilya ko."

Narito pa ang isa niyang post:

“Sa 5 years kong pag tatrabaho at pagtiis sa pagod,puyat at gutom. Unang beses ako binigyan ng madam ko ng gift. Pauwi na ako this March kaya nagulat ako nung inabot niya sakin to,gift niya dw ingatan ko, naiiyak pa siya sabay hug sakin. Mahirap man peru kailangan ko din umuwi para sa pamilya ko.
Photo credit: Mai Pionelo Dpcrtl

PS. Not to brag or anything, just sharing lang po.

Sa mga tulad kong bagohan sa pag aabroad, kaya natin to.”

Basahin ang ilang komento ng mga netizens sa ibaba:



***

Source: News Keener

wokes
Netizen nagbabala matapos hablutin ang kanyang bag ng babaeng kulang umano sa pag-iisip
Nagbigay ng babala ang isang netizen matapos ang hindi makakalimutang pangyayari sa kanya patungkol sa isang babaeng kulang umano sa pag-iisip.
Photo credit: Jenny Mago Rodriquez

Sa Facebook post ni Jenny Mago Rodriquez, pinayuhan niya ang lahat ng dumadaan sa footbridge along SM Bicutan at Bicutan Market na mag-ingat.

In-upload din ni Jenny ang larawan ng babaeng nanakit at nagtangkang hablutin umano ang kanyang bag. Aniya, napakalakas raw nito at kahit ang mga enforcers na pumipigil sa kanya ay nasaktan at nagkasugat.

Kwento niya, hindi na niya nagawang sampahan ito ng kas0 sa dahilang may sakit raw ito sa pag-iisip.

Hindi na namin nagawang ituloy ang kas0 sa kaniya dahil we've been discouraged na baka magsayang lang kami ng panahon dahil nga raw baka may menta1 dis0rder siya,” sabi ni Jenny.

Bandang alas tres umano nangyari ang lahat. Aniya, kahit maraming tao ay walang takot at pagdadalawang isip ang nasabing babae.

Kaya naman pinayuhan ni Jenny ang lahat na mag-ingat dahil “these kind of people ay wala ng pinipiling lugar at oras.

Basahin ang kanyang buong post sa ibaba:

“Sa lahat ng bumabyahe alone o kahit may kasama. Sa lahat ng mga dadaan at dumadaan sa footbridge along SM Bicutan and Bicutan Market. Or kahit nasaan pa kayo, be safe! 

Kung makita at magtagpo man kayo ng taong 'to, umiwas na kayo hanggat maaari. Hindi natin alam kung ano pa ang kaya niyang gawin. She's too strong. Na kahit marami na ang tumulong sa akin, even our traffic enforcers ay nagkandasugat sugat lang sa kaniya. So be aware.. 

Kung nagawa ko lang sana na maipakul0ng siya kahapon, maybe I won't think too much. I won't be worried na baka maulit ulit, o makapanak!t pa siya ng iba. Sana ako na ang huli niyang bikt!ma. 

Hindi na namin nagawang ituloy ang kas0 sa kaniya dahil we've been discouraged na baka magsayang lang kami ng panahon dahil nga raw baka may menta1 dis0rder siya. Ito na naman siguro yung, tayo ang magaadjust sa justice na mayroon ang bansa. 

So guys, kung mayroon kayong makakasama. Magpasama kayo. If you can seek help, don't hesitate. Lahat yan ginawa ko. Pero puro pasĂĄ at buk0l pa rin inabot ko 'wag lang makuha yung bag ko haha. 
All I can say is be safe and take good care of yourself, multiple times! 
 
Ps: kahapon po nangyari bandang alas tres ng hapon, pauwi na ako. And yes, maliwanag pa at maraming tao pero ganoon pa rin ang nangyari. So, these kind of people ay wala ng pinipiling lugar at oras hindi ko na masyadong ispoil yung nangyari, ayaw ko na lang din alalahanin.. Sorry. Ang gusto ko lang ay magingat kayo at wag ng maulit pa. Ngayon lang ako nagpost dahil hindi matino isip ko kagabi, maybe because of being traumat!ze and having pan!c attĂĄcks.. Till now, pero need niyong mainform about this person.

PSS: ito lang picture na meron kami, patago pa. Bawal daw magtake ng pictures, dahil kami raw ang kakasuhĂĄn. Hindi ko alam kung anong dahilan. Pero  ang akin lang ay para lang mabantĂĄan at mapayuhan kayo, at walang ibang dahilan ang picture na 'to 
 
Photo credit: Jenny Mago Rodriquez
Photo credit: Jenny Mago Rodriquez

*sa lahat ng tumulong sa akin, sa ate ko Des, sa mga enforcers, brgy officials, at sa mga taong di nag atubiling tumulong..Thank you, at dahil sa inyo ganito lang inabot ko. King, sobrang thankyou and sorry din dahil ikaw puro sugat”

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:


Mayroon din kaming nahanap na video ng isang babaeng nanghihingi ng pera sa loob ng jeep at kapag hindi raw siya binigyan ay nagbantĂĄ itong mananakit.

Panoorin ang video sa ibaba:


***

Source: News Keener

wokes
Sikat ka ngayon! Batang CamSur, nagpamalas ng husay sa pag guhit.
Sadyang may mga pinoy talaga na sobrang pinagpala pagdating sa sining. Madalas ang mga taong ito ay hindi nabibigyan ng pansin ngunit hindi maitatangi sa kanilang mga obra ang kanilang galing, dahilan para sila'y makilala.

Gaya na lang ng batang ito na nagngangalang John Jeff Camasis, 19 taong gulang, isang estudyante mula Barangay Labawon, Buhi, Camarines Sur.

Imahe mula kay John Jeff S. Camasis | Facebook


Ang kaniyang obra na pinamagatang "Leaves 1" ay sadyang ikinamangha at kinabilliban ng maraming netizens ng ito ay kaniyang ibinahagi sa kanyang Facebook account.

Sa sobrang husay at ganda ng pagkakaguhit ay aakalain mong totoo ang mga dahon na ito, na tila ay katatapos lang mapaliguan ng malakas na ulan.

Imahe mula kay John Jeff S. Camasis | Facebook


Kamakailan pa nga ay naging tampok ang obra na ito ni John Jeff sa mga tanyag na mamamahayag at ilang sikat na istasyon.

Imahe mula kay John Jeff S. Camasis | Facebook


Laking tuwa at saya naman ng binata ng maitanghal sa mga kilalang balitaan ang talento niyang ito.

Ayon pa sa Facebook post ni John Jeff, ilang buwan niyang pinagpaguran at pinagpuyatan ang kanyang obra bago ito tuluyang matapos.

Nang tanungin ang binata tungkol sa kaniyang naging inspirasyon upang maiguhit ang larawan, nasabi na lang niya na ito ay naglalarawan ng mga pagsubok at pinagdadaanan ng bawat isa sa atin ngayon.

Mapapansin na ang ilang mga dahon ay nauubos at nasisira na dahil sa pagkain ng mga uod. Ngunit sa kabila ng mga ito ang mga dahon ay patuloy na umuusbong at nagpapatuloy sa pamumuhay kahit hindi na ito buo.

Imahe mula kay John Jeff S. Camasis | Facebook


Binigyang diin din niya na importante na huwag mawalan ng pag asa. Dahil ang ating pangarap ay darating at mapapasaatin din sa tamang panahon.

Sa Facebook post ng binata ay ibinahagi din niya ang isang video na nagpapakita ang unti unting pagkabuo ng kaniyang guhit mula sa pagiging isang blankong papel lamang.

Patuloy rin ang pasasalamat ni Jeff sa mga sumusuporta at lubos na bumilib sa kanyang iginuhit na larawan.

Bukod dito, si John Jeff ay mayroon din ibang obra tampok ang iba't ibang mga larawan. Isa dito ay ang larawan ng sikat na mga karakter na si Iron Man at Captain America.

Imahe mula kay John Jeff S. Camasis | Facebook


Imahe mula kay John Jeff S. Camasis | Facebook


Tunay na kahanga-hanga at world-class ang talentong ipinamalas ni John Jeff, sanay bukod sa pagkilala sa kaniyang mga likha ay maging matagumpay din siya sa buhay at matupad ang kaniyang mga pangarap.

Source: John Jeff S. Camasis

Source: News Keener

wokes Monday, February 22, 2021
Estudyanteng bagsak ang grado dahil nawala ni teacher ang ipinasang projects at activities, nagreklamo
Viral ngayon ang Facebook post ng isang estudyanteng nagrereklamo matapos niyang makakuha ng bagsak na grado sa kanyang MAPEH subject kahit na kumpleto naman ang kanyang mga requirements.
Photo credit: Bombo Radyo and Willow Hamada

Sa Facebook post ni Willow Hamada, sinabi nito na nawala raw ng kanyang teacher ang ipinasa niyang projects at activities kaya siya nakakuha ng 74 na grado sa Music, Arts at Health.

Tanong niya, bakit siya bagsak kung mismong teacher niya ang nakawala ng kanyang mga requirements?

Nawala daw nila mga projects and activities na napasa namin, so kung nawala nila, bakit nila kami binagsak??” sabi ni Willow.
Photo credit: Willow Hamada

I mean, it's very wrong. Sila nakawala tapos kami sasalo ng problema by having a bad grades?” dagdag nito.

Mabilis na kumalat sa social media ang post ni Willow na ngayon ay mayroon ng 36k reactions at 36k shares.

Narito ang kanyang buong post:

“I just got my card now, i'm dissapointed. They give me a 74 in mapeh, nagchat ako sa teacher ko kung bakit ganon grades ko. Ang sagot niya, kulang daw ako sa requirements which is not. Nawala daw nila mga projects and activities na napasa namin, so kung nawala nila, bakit nila kami binagsak?? I mean, it's very wrong. Sila nakawala tapos kami sasalo ng problema by having a bad grades? I just thanked God that i have a parents who doesn't pressure me to have a high grades, but giving us low grades just because nawala nila yung napasa namin is very wrong.”


***

Source: News Keener

wokes Sunday, February 21, 2021
Brand ng sikat na gatas, nakitaan ng uod?
Viral ngayon sa social media ang post ng netizen na si Mylene Jacinto Catayong patungkol sa sikat na brand ng gatas na nakakitaan umano ng uod o bulate.
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong

Sa Facebook post ni Mylene, galit na galit niyang ibinulgar ang nangyari sa kanyang anak na mismong nakakita sa mga uod/bulate mula sa tinimplang gatas.

In-upload din ni Mylene ang mga larawan kung saan makikita ang mga lumulutang na kulay itim sa gatas. Aniya, mga uod/bulate raw ito.
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong

Kwento ni Mylene, ang kanyang anak na 12 years old ang nagtimpla ng gatas dahil nasa trabaho siya noon. Kaya kinuhaan nito ng larawan ang gatas at ipinadala sa kanya.

Ipinakita rin ni Mylene ang expiration date ng gatas na binili nila at ayon sa packaging, December 21, 2021 pa ang expiration date nito.
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong

Sa huli ay nakiusap si Mylene sa kapwa niya nanay at mga netizens na ishare ang kanyang post upang maging aware ang ibang consumers ng nasabing brand ng gatas.

Narito ang buong post ni Mylene:

"VERY ALARMING , BEAR BRAND UOD ALERT

HINDI KO UGALI MAG RANT, PERO PA ISA LANG!!! 

Hindi ko ito mapapalampas!!! BEAR BRAND  BEAR BRAND Powdered Milk Drink NestlĂ©  Nestle.

Anong meron sa gatas nyo at my mga bulate?? Nag timpla ang 12yrs old kong anak ng bear brand pra sa kanya at sa anak kong 10yrs old, napansin nya na iba ang lasa at pag check - MY BULATE/UOD UNG GATAS NYO!!!
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong

Hindi magsisinungaling ang 12yrs old na bata sa nakita at nalasahan nya, inoobserbahan pa namin ngayon kung my side effect yang produkto nyo sa katawan ng mga anak ko.. 
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong

Trusted brand pa naman kayo pero bakit my BULATE_UOD??? 

MAG INGAT ANG LAHAT, AYAN SA PICTURE- HINDI EXPIRED YANG GATAS PERO MY MALILIIT NA BULATE (UOD)  anjan dn screenshot ng conversation nmin ng anak ko dhl nsa work aq ng mag chat sya.. 

Grabe, nakakagigil kayo!!! Considering na hndi nman pinaka mura pero nakakalusot yan? Bka imbes na lumakas at tumibay buto ng consumers nyo - mag lead sa diarrhea at kung ano ano pang sakit!!!! 

Pls help me share pra maging aware din ang iba lalo na tulad ko mommy na nagpapainom nito sa mga anak nila . Naturingan kayong TRUSTED BRAND?? PWE!!! 

I've been your customer for 30yrs, pero nakakatakot ipagkatiwala ang health sa inyo, kahit known brand kayo, look at your product - kawawa consumers nyo na mostly kids;

Ps. IF YOU HAVE TIME, CHECK NYO MUNA SCREENSHOTS BAGO MAG COMMENT  KC AKO - NAG ISIP MUNA AQ BAGO AQ MAG DECIDE NA IPOST TO. 

HINDI KO INTENTION MAKAKUHA NG ATTENTION - MY PRIVATE SUCCESSFUL LIFE AQNG INIINTINDI PERO SINCE MGA ANAK KO ANG NAKA ENCOUNTER - HINDI AQ MAGDADALAWANG ISIP KUMILOS. 

Malinis ang baso, kutsara at tubig - diretso from pack nung tinimpla ng anak ko. 

**EDITED TO INCLUDE SCREENSHOTS SENT TO ME FROM OTHER CONSUMERS WHO ENCOUNTER THE SAME THING**

Ps. My 12yr old daughter might be confuse between bulate & uod - but the pictures wont lie!"

In-upload din ni Mylene ang ilang mensahe sa kanya ng mga netizens na nakakita rin ng uod/bulate sa gatas na kanilang binili.

Narito ang kanilang mga mensahe:




















Source: News Keener

wokes Saturday, February 20, 2021
Seo Services