OFW na pauwi ng Pilipinas, binigyan ng mamahaling regalo ng amo

Ang pagiging Overseas Filipino Worker (OFW) ay napakahirap dahil nakakalungkot ang mahiwalay sa ating mga mahal sa buhay. Bukod sa pangungulila, minsan ay napupunta pa tayo sa malupit na employer.
Photo credit: Mai Pionelo Dpcrtl

Gayunpaman, anomang hirap at sakripisyo ay kayang kaya nating gawin para sa kinabukasan ng ating pamilya.

Kaya naman napakaswerte ng isang OFW na mayroong mabait na amo at talagang may malasakit sa kanya.

Katulad na lamang ng isang OFW na si  Mai Pionelo Dpcrtl mula sa Saudi Arabia.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Mai na pauwi na siya sa darating na Marso matapos ang limang taong paninilbihan sa ibang bansa.
Photo credit: Mai Pionelo Dpcrtl

Aniya, pinabaunan siya ng kanyang among babae ng mamahaling singsing at ito raw ang unang beses na binigyan siya ng regalo nito.

Kwento niya, naiiyak pa raw ang kanyang amo habang iniaabot sa kanya ang regalo sabay yakap sa kanya.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento:

"From Roxas City Capiz po ako, single mom may isang anak. Nag-abroad ako para sa future ng anak ko at makapag-provide sa magulang at mapag-aral ang mga kapatid. 

Pagdating ko dito sa Saudi, di agad ako napunta sa employer ko. Nag-stay pa ako ng 3 days sa shelter kasama ng mga distress OFW, 1week sa agency.

Hanggang sa nakuha ako ng amo ko. Hindi naging madali may mga araw na gusto ko na sumuko pero pag naaalala ko ang mga dahilan kaya ako umalis ng bansa, nagiging malakas ulit ako at nagpapatuloy sa buhay. 

Last year uuwi na sana ako, pero nagpand*mic at nagka-canc*r madam ko. Kaya hindi ako nakauwi dahil nahirapan din akong iwanan siyang may sakit. 

Ngayong okay na siya kahit hirap silang bitawan ako kailangan ko na din umuwi para sa pamilya ko."

Narito pa ang isa niyang post:

“Sa 5 years kong pag tatrabaho at pagtiis sa pagod,puyat at gutom. Unang beses ako binigyan ng madam ko ng gift. Pauwi na ako this March kaya nagulat ako nung inabot niya sakin to,gift niya dw ingatan ko, naiiyak pa siya sabay hug sakin. Mahirap man peru kailangan ko din umuwi para sa pamilya ko.
Photo credit: Mai Pionelo Dpcrtl

PS. Not to brag or anything, just sharing lang po.

Sa mga tulad kong bagohan sa pag aabroad, kaya natin to.”

Basahin ang ilang komento ng mga netizens sa ibaba:



***

Source: News Keener

No comments

Seo Services