Brand ng sikat na gatas, nakitaan ng uod?

Viral ngayon sa social media ang post ng netizen na si Mylene Jacinto Catayong patungkol sa sikat na brand ng gatas na nakakitaan umano ng uod o bulate.
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong

Sa Facebook post ni Mylene, galit na galit niyang ibinulgar ang nangyari sa kanyang anak na mismong nakakita sa mga uod/bulate mula sa tinimplang gatas.

In-upload din ni Mylene ang mga larawan kung saan makikita ang mga lumulutang na kulay itim sa gatas. Aniya, mga uod/bulate raw ito.
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong

Kwento ni Mylene, ang kanyang anak na 12 years old ang nagtimpla ng gatas dahil nasa trabaho siya noon. Kaya kinuhaan nito ng larawan ang gatas at ipinadala sa kanya.

Ipinakita rin ni Mylene ang expiration date ng gatas na binili nila at ayon sa packaging, December 21, 2021 pa ang expiration date nito.
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong

Sa huli ay nakiusap si Mylene sa kapwa niya nanay at mga netizens na ishare ang kanyang post upang maging aware ang ibang consumers ng nasabing brand ng gatas.

Narito ang buong post ni Mylene:

"VERY ALARMING , BEAR BRAND UOD ALERT

HINDI KO UGALI MAG RANT, PERO PA ISA LANG!!! 

Hindi ko ito mapapalampas!!! BEAR BRAND  BEAR BRAND Powdered Milk Drink Nestlé  Nestle.

Anong meron sa gatas nyo at my mga bulate?? Nag timpla ang 12yrs old kong anak ng bear brand pra sa kanya at sa anak kong 10yrs old, napansin nya na iba ang lasa at pag check - MY BULATE/UOD UNG GATAS NYO!!!
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong

Hindi magsisinungaling ang 12yrs old na bata sa nakita at nalasahan nya, inoobserbahan pa namin ngayon kung my side effect yang produkto nyo sa katawan ng mga anak ko.. 
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong
Photo credit: Mylene Jacinto Catayong

Trusted brand pa naman kayo pero bakit my BULATE_UOD??? 

MAG INGAT ANG LAHAT, AYAN SA PICTURE- HINDI EXPIRED YANG GATAS PERO MY MALILIIT NA BULATE (UOD)  anjan dn screenshot ng conversation nmin ng anak ko dhl nsa work aq ng mag chat sya.. 

Grabe, nakakagigil kayo!!! Considering na hndi nman pinaka mura pero nakakalusot yan? Bka imbes na lumakas at tumibay buto ng consumers nyo - mag lead sa diarrhea at kung ano ano pang sakit!!!! 

Pls help me share pra maging aware din ang iba lalo na tulad ko mommy na nagpapainom nito sa mga anak nila . Naturingan kayong TRUSTED BRAND?? PWE!!! 

I've been your customer for 30yrs, pero nakakatakot ipagkatiwala ang health sa inyo, kahit known brand kayo, look at your product - kawawa consumers nyo na mostly kids;

Ps. IF YOU HAVE TIME, CHECK NYO MUNA SCREENSHOTS BAGO MAG COMMENT  KC AKO - NAG ISIP MUNA AQ BAGO AQ MAG DECIDE NA IPOST TO. 

HINDI KO INTENTION MAKAKUHA NG ATTENTION - MY PRIVATE SUCCESSFUL LIFE AQNG INIINTINDI PERO SINCE MGA ANAK KO ANG NAKA ENCOUNTER - HINDI AQ MAGDADALAWANG ISIP KUMILOS. 

Malinis ang baso, kutsara at tubig - diretso from pack nung tinimpla ng anak ko. 

**EDITED TO INCLUDE SCREENSHOTS SENT TO ME FROM OTHER CONSUMERS WHO ENCOUNTER THE SAME THING**

Ps. My 12yr old daughter might be confuse between bulate & uod - but the pictures wont lie!"

In-upload din ni Mylene ang ilang mensahe sa kanya ng mga netizens na nakakita rin ng uod/bulate sa gatas na kanilang binili.

Narito ang kanilang mga mensahe:




















Source: News Keener

No comments

Seo Services