Sharon, parang kapatid at tatay ang turing kina Sara at PRRD noon, pero nagbago ang lahat dahil sa…..
Sa kanyang talumpati sa rally nina Vice President Leni Robredo at senator Kiko Pangilinan na ginanap sa Sta. Rosa, Laguna noong Abril 30, inamin ni Megastar Sharon Cuneta na matagal na silang magkaibigan at tila kapatid na babae na ang turing niya kay vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.
Sharon Cuneta, President Rodrigo Duterte and Davao City Mayor Sara Duterte / Photo credit to the owner

“I met Sara when she was nine years old. Ever since she was nine years old, she has been a Sharonian. And Sara has been like my sister…” pahayag ni Shawie.

Parang tatay naman raw ang turing ni Sharon kay Pangulong Rodrigo Duterte. ‘The singer of his life’ pa nga raw ang tawag sa kaniya ni Digong.

“I will treasure those precious moments with him,” sey ni Mega.
Davao City Mayor Sara Duterte and Sharon Cuneta / Photo credit to the owner
Davao City Mayor Sara Duterte and Sharon Cuneta / Photo credit to the owner

Ani Sharon, sa politika ay wala raw permanenteng kaibigan at walang permanenteng kaaway o kalaban.
Subalit may isang pahayag umano ang pangulo na ikinawindang niya, at hanggang ngayon ay hinding-hindi niya malilimutan.

“But when Tatay (PRRD)… once I saw on Youtube … he said who is this stupid God? Para akong binuhusan ng kumukulong tubig at de-yelong tubig nang sabay. Kasi kapag Diyos na ang kinalaban mo, sino pa ang Diyos mo?”
Davao City Mayor Sara Duterte and Sharon Cuneta / Photo credit to the owner
Davao City Mayor Sara Duterte former Senator Bongbong Marcos / Photo credit to the owner

Sara is my friend. She was like my sister. I hope after elections… wala mang permanent friends, walang permanent enemies, I hope we can still be friends,” saad ni Shawie.

Sinabi rin ni Sharon na kilala niya ang pamilyang Marcos. Ngunit hindi naman daw sila masyadong close sa isa’t isa. Ang pinakamalapit raw sa kanya ay si BBM.

Among the Marcos children, I would consider Bongbong the closest I had become to. Si BBM hindi ko iniwan. Hindi ko siya iniwan that whole time,” ani Sharon.
Imelda Marcos and Sharon Cuneta / Photo credit to the owner
Bongbong Marcos / Photo credit to the owner

“Hindi nangangahulugang agree ako sa mga nalaman ko na unti-unti namulat ang mata ko dahil kilala ko ang pamilya personally. Hindi naman ganoong ka-close.”

“Pero kilala ko sila… I did not leave Bongbong during all those years after People Power. He was my friend,” saad ng Megastar.

Ngunit nanindigan si Sharon na ang nararapat at karapat dapat na iboto ng sambayanan ay ang LeniKiko tandem.
Vice President Leni Robredo and senator Kiko Pangilinan / Photo credit to the owner
Vice President Leni Robredo and senator Kiko Pangilinan / Photo credit to the owner

“Do you want your children, your grandchildren and your grandchildren’s children and so on and so forth – all the generations to come, to say, ‘My lola or my mother or my father or my lolo voted for the right leaders when they could?'”

“You’re young, you’re smart, you’re woke, you know fake news, you know what’s real. You know how to find out the truth. It is so easy in this day and age. Do your research. Convince those na hindi pa namumulat ang mata na ito dapat ang gobyerno natin. Ipaglaban natin ito,” aniya.


***
Source: Balita

Source: News Keener

wokes Tuesday, May 3, 2022
Jinggoy, napikon matapos sabihin ng HS classmate na hindi siya iboboto
Viral ngayon sa social media ang pagkapikon ni dating senador Jinggoy Estrada sa naging batchmate niya sa Ateno de Manila High School (AHS) matapos sabihin sa kanya na hindi siya susuportahan sa darating na halalan.
Photo credit to the owner

Sa Facebook post na kumakalat, makikita ang mga screenshot kung saan nangampanya si Jinggoy sa mga miyembro ng Viber group na AHS Batch 1980 ngunit isang miyembro nito ang tumabla sa kanya.

My numbers in all the reputable survey firms are quite encouraging except in Pulse Asia where I was ranked #11. Kaya kailangan pa ng konting ‘push.’ Having said that, once elected again in the Senate, rest assured that I will enact bills that will benefit the greater majority of our people. Thanks so much and I hope to solicit your valuable votes on May 9,” pahayag ni Jinggoy.

Photo credit to the owner
Jinggoy Estrada / Photo credit to the owner

Nag-comment dito ang football enthusiast na si Jose Prats at sinabing hindi siya naniniwala sa mga pangako ni Jinggoy.

“I do not believe in your promises nor the false promises being given by your party of jr-sira. And that is an understatement,” ani Prats. 

“I believe in the moral values instilled in me by the Ateneo. Values that formed me as a Catholic/Christian,” dagdag nito.
Jinggoy Estrada / Photo credit to the owner

Aniya, suportado niya ang LeniKiko tandem at ang senatorial slate nito.

Dito na nanggalaiti sa galit si Jinggoy at nag-message umano kay Prats.

Bastos ka pala hayop ka! Yan pala ang itinuro sa iyo ng Ateneo! Shame on you! Sana pala ginulpi na kita nung nasa HS pa tayo eh!
Photo credit to the owner

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung totoo o fake news ba ang kumakalat na mga screenshots sa social media.


***
Source: Abante

Source: News Keener

wokes Monday, May 2, 2022
Lalaki, hindi nakapagpigil matapos makita ang kasintahang nakilala online na mukhang Diyosa sa mga larawan
 Ang tunay na kagandahan ay makikita sa ganda ng kalooban.” 

Ito ang isa sa mga kasabihan na nagpapaala-ala sa atin na hindi importante ang itsura ng tao basta maganda ang ugali nito.
Photo credit: AsiaOne

Ngunit aminin man natin o hindi, napakalaking basehan ang panlabas na anyo o itsura upang mapansin o magustuhan tayo ng ibang tao. Minsan ito pa ang dahilan kung bakit madaling manghusga ng kapwa.

Samantala, binugb0g ng isang lalaki ang kanyang kasintahan na nakilala online nang magkita sila ng personal.

Ang buong akala ng lalaki ay mala-Diyosa ang kanyang girlfriend dahil sa mga larawan nito sa social media.

Parehas chinese national sina Huang at Xiaojin, hindi nila tunay na mga pangalan. Xiaojin ay may bilugang mata at flawless na balat. Sexy rin umano ito at maganda ang buhok.
Photo credit: Rachfeed

Kaya naman agad na na-inlove ang lalaki sa babae nang makita ang mga larawan nito sa “WeChat,” isang chinese social media application.

Agad na plinano ni Huang ang personal na pagkikita nila ni Xiaojin. Bumyahe siya ng malayo at gumastos ng malaking halaga ng pera upang makita, makasama at mahalikan na ang kanyang kasintahan.

Ngunit nagbago ang lahat nang magkita na sila. Hindi makapaniwala si Huang sa kanyang nakita. Tingin niya ay isang poser ang nagpakilalang Xiaojin sa kanya.

Ibang iba raw ang itsura ni Xiaojin sa personal kumpara sa mga larawan nito. 

Ayon kay Huang, sa mga larawan umano ni Xiaojin ay makikita ang flawless at magandang balat, ngunit sa personal ay may mga butas ang mukha nito.

Mas mataba rin daw ang babae at singkit ang mga mata. Samatalang ang kanyang girlfriend ay sexy at bilugan ang mga mata.

Ipinaliwanag ni Xiaojin kay Huang na siya ang kasintahan nito at inamin rin niyang may filter at edited ang kanyang mga larawan.

Ani Xiaojin, dapat ay mahalin pa rin siya ni Huang dahil siya at ang babaeng nakilala niya online ay iisa. Aniya, hindi siya gumamit ng make-up upang ipakita ang totoong “siya.”
Photo credit: Rachfeed

Ngunit ayaw makinig ni Huang sa paliwanag ng babae. Sa kanyang galit ay binugb0g nito si Xiaojin sa publiko. 

Kinailangan siyang dalhin sa ospital upang magamot ang mga sugat nito. 

Hindi naman nagsisisi si Huang sa kanyang ginawa. Aniya, pakiramdam niya ay niloko siya. 

Nagkaroon ng settlement ang dalawa nang dalhin sila sa police station at agad na umuwi si Huang.

Bago umalis ng presinto ay sinabi ni Huang na hinding hindi na siya makikipag relasyon sa kahit na anomang social media sites.



***
Source: Rachfeed

Source: News Keener

wokes Wednesday, April 13, 2022
Netizen dinepensahan ang lalaking nagpakulong kay lolo Narding: "Mabait siyang tao"
Matapos mag-viral ang pagpapakulong kay lolo Narding, umani ng maraming batikos mula sa mga netizens ang lalaking nagsampa ng kaso na kinilalang si Robert Hong.
Lolo Narding at Robert Hong / Photo credit to the owner

Si lolo Narding ay nakalabas na nag presinto matapos itong ma-detained ng isang linggo dahil sa pagnanakaw umano ng sampung kilong mangga.

Si Robert ay ang caretaker at driver umano ng may-ari ng lupa kung saan nakatanim ang puno ng mangga.

Samantala, isang kakilala ni Robert ang naglabas ng kanyang opinyon at sinabing mabait na tao ang caretaker.
Lolo Narding / Photo credit to the owner
Lolo Narding at / Photo credit to the owner

Ayon sa Facebook post ni Endrani Sam, personal niyang kakilala si Robert, aniya, wala itong tinatapakan na tao at patas ito kung lumaban.

Bash me if you want… Kakilala ko personal si kuya Robert Hong.. mabait na tao yan.. walang tinatapakan.. lumalaban ng parehas sa buhay.. Pero gayun pa man mapagbiro ang tadhana.. hindi man lang sya bngyan ng pagkakataong marinig ang side nya,” pahayag nito sa Facebook.

Isa-isa pa nitong dinetalye ang totoong nangyari kung bakit nauwi sa kasuhan ang dalawa.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Kwento ni Sam, hindi lang daw sampung kilo ang ninakaw ni lolo Narding kung hindi ay higit pa. Sinadya rin umano ng matanda na kuhanin ang mangga noong walang tao sa bahay.

Dagdag pa nito, ilang beses din umanong kinausap ni Hong si Lolo Narding upang magkaayos na lang ngunit tumanggi ang matanda at sinabing ipakulong na lang siya.
lolo Narding / Photo credit to the owner
Lolo Narding / Photo credit to the owner

Sa ngayon, takot umanong lumabas ng bahay si Robert dahil marami ang nagalit na tao sa kanya. Giit ni Sam, hindi lang mangga ang nanakaw sa caretaker kung hindi pati ng karapatang nitong mapakinggan.

Basahin ang buong post ni Sam sa ibaba:

“Bash me if you want... Kakilala ko personal si kuya Robert Hong.. mabait na tao yan.. walang tinatapakan.. lumalaban ng parehas sa buhay.. Pero gayun pa man mapagbiro ang tadhana.. hindi man lang sya bngyan ng pagkakataong marinig ang side nya... 
Lolo Narding / Photo credit to the owner

Unang una hindi lang sampung kilo ang mangga na nakuha.. pangalawa hindi lang basta pinitas.. sinamantala nilang pina ani ung buong puno nong walang tao sa bahay.. ? Pangalawa pwede mabakuran na yon meaning hindi mo na sakop yon.Last thing nagusap sila sa brgy at gusto ni kuya Robert byaran na lang kasi wala sya pambayad sa mayari ng lupa kasi caretaker lang sya...pero ayaw ni lolo at ikukulungan na lang daw nya kesa magbayad... Ilang beses silang pinatawag pero hindi na sumipot si lolo.. kaya tinaas na sa korte.. ngayon sino ang tunay ma biktima? Ang ninakawan ba? O yong edad 80 na nagnakaw...

Mas biktima dito si kuya Robert... BIKTIMA NG MGA MAPANGHUSGANG PUSO AT MATA... NI HINDI MAN LANG PINAKINGGAN ANG PANIG NYA... Do your own Research.. bago nyo isara ang inyong mga puso.. kung Biktima si lolo ng kahirapan.. ISIPIN NYO MAS BIKITIMA SI KUYA ROBERT  NG MGA MAPANGHUSGANG TAO... MABUTI PA YONG NAGNAKAW MAY KAKAMPI, PINAKINGGAN... SI KUYA ROBERT LAHAT ANG SINISI...NI HINDI MAKAPAGPALIWANAG NI HINDI MAKALABAS NG BAHAY.. NI HINDI MAKAPAGTRABAHO... NGAYON NINAKAWAN NA NGA SILA NG MANGGA NINAKAWAN PA SILANG KARAPATANG PAKINGGAN AT MAKAPAGBIGAY NG PANIG... ASAN ANG PUSO NYO? ASAN ANG HUSTISYA ?”

Sa comment section ay nagpaabot rin ng kanilang mga opinyon ang ilang netizens.

sa dami kong nakitang posts about kay lolo na naawa sakanya dahil nakulong kahit may edad na. at sinasabi nilang dahil sa mababaw na dahilan. pero ngayon nabasa ko side ng kabila. naintindihan ko na ang istorya,” sabi ni Arthur Basco Aguilar.


Salamat sa statement mo Sir... sana malayo ang marating netong post mo para marami ang maliwanagan,” sabi ni Alma Laforteza Ganigan.


Bago gumawa ng action,alamin muna ang puno't dulo para hindi lang iisa ang pinaninindigan at wag basta basta mang husga sa sitwasyong hindi natin alam ang simula,” sabi naman ni Rene Boy Badua.



Source: News Keener

wokes Friday, January 21, 2022
Isang ama, nahilo at nahimatay sa paglalako habang karga ang anak
Kailangan natin ng doble kayod sa paghahanap-buhay dahil mas humirap ang buhay ngayong pand*mya. Sa panahon ngayon, mas marami ang nawalan ng trabaho dahil sa kumakalat na sakit sa buong mundo.
Photo credit: Hanep TV

Ang mga simpleng mamamayan ay kailangang magtiis sa hirap ng trabaho upang mayroong maipakain sa kanilang pamilya.

Tulad na lamang ng isang amang nahilo at nahimatay habang naglalako ng kanyang paninda at karga karga ang anak.

Ayon sa post ng Facebook page na “Hanep TV”, marahil ay sobrang pagod at gutom ang naramdaman ng ama kaya ito nahilo at nahimatay.

Mabuti na lamang at may mga concerned citizens na nakakita kay tatay kaya agad itong natulungan.
Photo credit: Hanep TV
Photo credit: Hanep TV

habang naglalako sya ng paninda nya nahilo sya at nahimatay kaya binigyan sya ng gamot sa hilo ng mga concern citizen para mahimasmasan,” ayon sa post.

Dagdag pa sa post, may sakit umano ang asawa nito kaya siya na lamang ang nakakapagtrabaho at nag-aalaga sa kanilang anak.
Photo credit: Hanep TV

Sa ngayon ay umabot na sa 56k reactions at 43k shares ang nasabing post.

Narito ang buong post:

“Naiyak ako dito kay kuya, habang naglalako sya ng paninda nya nahilo sya at nahimatay kaya binigyan sya ng gamot sa hilo ng mga concern citizen para mahimasmasan, kasa-kasama nya anak nya, sya lang nagtataguyod sa anak nya, may sakit daw po asawa kaya todo kayod sya.. kahit anong hirap daw ng buhay hindi nya pababayaan asawa't anak nya, itataguyod nya sa marangal na paraan.. Saludo kami sa'yo kuya, pagpalain ka ng Poong may kapal dahilsa ginagawa mong sakripisyo sa pamilya mo..”

Basahin ang ilang komento ng mga netizens sa ibaba:








***

Source: News Keener

wokes Wednesday, January 12, 2022
Isang ama, nahilo at nahimatay sa paglalako habang karga ang anak
Sa hirap ng buhay ay kailangan natin ng doble kayod na paghahanap-buhay. Lalo na sa panahon ngayon na mas marami ang nawalan ng trabaho dahil sa kumakalat na sakit sa buong mundo.
Photo credit: Hanep TV

Ang mga simpleng mamamayan ay kailangang magtiis sa hirap ng trabaho upang mayroong maipakain sa kanilang pamilya.

Tulad na lamang ng isang amang nahilo at nahimatay habang naglalako ng kanyang paninda at karga karga ang anak.

Ayon sa post ng Facebook page na “Hanep TV”, marahil ay sobrang pagod at gutom ang naramdaman ng ama kaya ito nahilo at nahimatay.

Mabuti na lamang at may mga concerned citizens na nakakita sa lalaki kaya agad itong natulungan.
Photo credit: Hanep TV
Photo credit: Hanep TV

habang naglalako sya ng paninda nya nahilo sya at nahimatay kaya binigyan sya ng gamot sa hilo ng mga concern citizen para mahimasmasan,” ayon sa post.

Dagdag pa sa post, may sakit umano ang asawa nito kaya siya na lamang ang nakakapagtrabaho at nag-aalaga sa kanilang anak.
Photo credit: Hanep TV

Sa ngayon ay umabot na sa 56k reactions at 43k shares ang nasabing post.

Narito ang buong post:

“Naiyak ako dito kay kuya, habang naglalako sya ng paninda nya nahilo sya at nahimatay kaya binigyan sya ng gamot sa hilo ng mga concern citizen para mahimasmasan, kasa-kasama nya anak nya, sya lang nagtataguyod sa anak nya, may sakit daw po asawa kaya todo kayod sya.. kahit anong hirap daw ng buhay hindi nya pababayaan asawa't anak nya, itataguyod nya sa marangal na paraan.. Saludo kami sa'yo kuya, pagpalain ka ng Poong may kapal dahilsa ginagawa mong sakripisyo sa pamilya mo..”

Basahin ang ilang komento ng mga netizens sa ibaba:








***

Source: News Keener

wokes
"The most fertile woman on Earth." Kilalanin ang babaeng may 44 na anak
Ang pagkakaroon ng anak ay hindi madaling trabaho. Simula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak  ay samu’t saring paghihirap na ang daranasin ng isang ina.
Photo credit: Brightside

Ayon pa sa kasabihan, kapag nanganganak ang babae ay parang nasa hukay na rin ang kanilang isang paa.

Kaya naman inirerekomenda ng mga doktor sa mga babae na magkaroon ng malayong agwat sa panganganak. Ito ay makabubuti sa kanilang pamilya lalong lalo na sa kalusugan ng mga babae.

Samantala, isang babae mula sa Uganda ang nakakamangha at nakakagulat matapos nitong magkaroon ng 44 na anak.

Ayon sa mga reports, 12 years old lamang si Mariam Nabatanzi noong siya ay magpakasal sa mas matandang lalaki. Ngayon ay nasa edad 36 na siya at may anak na 44 mula sa 15 na panganganak.
Photo credit: Brightside
Photo credit: Brightside

Normal na sa kanilang lugar ang pag-aasawa ng maaga. Isang 40 years old ang pinakasalan noon ni Mariam. Matapos ang isang taon ay ipinanganak niya ang kanyang unang anak.

Mayroon umanong ‘rare health condition’ si Mariam na naging sanhi ng kanyang sunod sunod na panganganak. Na-diagnosed rin siya ng ‘unusually large ovaries.’

Karaniwan, ang fertile na babae ay naglalabas lamang ng ‘one egg’ kada buwan. Ngunit si Mariam ay kayang maglabas ng maraming egg ‘per cycle.’

Ito ang naging dahilan kung bakit napakadali umano niyang mabuntis.
Photo credit: Brightside
Photo credit: Brightside

Nasa lahi rin daw nila Mariam ang pagkakaroon ng mga kambal. Siya ay nanganak ng anim na pares ng kambal, 4 na pares ng triplets at 5 na pares ng quadruplets. 

Sa kasamaang palad, tanging 38 lamang ang nabuhay sa 44 na anak ni Mariam. Ang anim sa kanila ay namatay.

Dahil sa kanyang kondisyon, sinabi ng mga doktor kay Mariam na huwag ng magbuntis dahil delikado na ito at makakaapekto na sa kanyang kalusugan.

Hindi rin umano maaaring gumamit ng pills si Mariam dahil baka makaapekto ito sa kanyang katawan lalo na’t kakaiba ang kanyang mga hormones.


***
Source: TrendzShares

Source: News Keener

wokes Sunday, January 9, 2022
Seo Services