Amerikanong Na-Stranded Sa Pinas, Pinatayuan Ng Bahay Ang Pamilyang Kumupkop Sa Kanya

Isang taon na ang nakalipas matapos mangyari ang lockdown dahil sa pandemya na dulot ng Covid-19. Kung saan sa pangyayaring ito ay marami ang mga nagsarang establishimento at marami din ang naipit sa lock down na naging dahilan upang hindi agad nakauwi sakani-kanilang mga lugar.

Kabilang sa mga naipit sa lockdown noon March 16, 2020, ang isang Amerikano na si Dustin Borglin na  36 taong gulang, mula Michigan, na isang vlogger.

Si Dustin ay unang bumisita sa Cebu City at sa pagbisita niya sa lugar na ito ay talagang napamahal at nagustuhan niya ang lugar. Gayun din ang mabubuting katangian at ugali na pinakita ng mga Pilipino sakanyang pagbisita.

Kaya naman ng maistranded ito ay hindi niya inisip na mamroblema sa sistaswyon. Bagkus ay mas minabuti nito na tumulong sa mga kababayan nating Pilipino.


Sa mag-asawang Raymund at Reche Doptante ito nakituloy ng tahanan, na naging kaibigan nito noong una itong bumista sa lugar. 

At dahil sa pamamalagi nito sa lugar ay mabilis na natutuo si Dustin sa kultura ng mga Pilipino at dagdag pa dito ay natuto din ito magluto ng iba’t-ibang Pilipinong potaheng ulam.

Dahil sa buti na pinakita ng mag-asawa kay Dustin, ay naisipan nito na regaluhan ang mag-asawa. Kung saan ay pinatayuan niya ito ng bahay.


“They’re like my family. I’ve known them for almost three years now, and they’ve just been so kind to me,”

Dagdag pa ni Dustin, ay alam niya ang hirap na pinagdadaanan ng mga tao sa bansa sa panahon ng pandemya kaya gumawa ito ng paraan upang makatulong at makapag pasalamat.

Isa ding pamilya ang kanyang pinagawan ng palikuran matapos malaman nito na sa kakahuyan lamang dumudumi ang mga ito.

Ang perang ginamit ni Dustin ay mula sa kita niya sa pagvvlog. Tuna’y ngang nakakainspired at kahanga-hanga ang busilak na puso ng amerikanong ito na handang tumulong sa kabila ng pandemyang nararanasan sa buong mundo.

Ang kanyang istorya ay nafeature din sa program Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan ay umabot na sa mahigit isang milyon ang nanood dito.


Kommento ng maraming netizen, ay nawa’y marami pa ang katulad ni Dustin na sakabila ng pagiging ibang lahi ay handang tumulong sa kapwa.


Source: The Relatable

wokes Friday, April 2, 2021
Ellen Adarna, Inamin Na Kung Ano Ang Naging Problema At Nag-Hiwalay Sila Ni John Lloyd

Matapos ang biglang pananahimik at pansamantalang paglayo sa showbiz industry sa loob ng tatlong taon ni Ellen Adarna. Nagbalik na ito, kung saan siya ang naging bagong cover ng preview.ph para sa buwan ng January. 

Sa interview niya sa preview.ph ay ibinagi din ng aktres ang kanyang pinagdaanan ng mga nakaraang taon. Dito din ay kanyang inamin ang totoong dahilan ng hiwalayan nilani John Lloyd Cruz.

Dagdag pa ng aktres ay nakaranas din ito ng depression. Kung saan matapos itong magkaroon ng post-partrum sa panganganak, ay sumunod naman na nagdalamhati ito sa pagkawala ng kanyang ama.

At sinundan pa ng paghihiwalay nila ng actor na si John Lloyd dahilan upang maghalo-halo ang mga emosyon ng aktres.


“It took two years for me to heal. I really went on a downward spiral. I really lost it. I didn’t know what I was supposed to feel… I’m the only girl and I lost an anchor. Me and my dad, we had a weird but good relationship—tough love, but father pa rin,” pagbabahagi pa ni Ellen.

“You know, we weren’t compatible, obviously, that’s why we broke up. Of course, any normal breakup hurts. You want things to work,” pag-amin ng comebacking actress. “Because I had so many issues na hindi pa na-resolve, I was projecting it on him,”

“Now I’m in a very good place. I can say I’m 100% okay. I feel my environment changed. Like his approach to me, my relationship [with him has] changed without asking him to change. So I was just really the problem. How I viewed it, my thinking pattern was the problem,” ani pa nito.


Matapos ang mga pinagdaanan sa buhay ay masasabi ni Ellen na sa ngayon siya ay nasa mabuting sitwasyon at mas maaayos ang tinatakbo ng kanyang buhay. Dagdag pa nito ay mabuting ama si John Lloyd at maayos din ang kanilang pag-cocoparent sa anak.

“My son needs him as much as he needs me. I see their relationship, and I see how happy my son is when he is around. So that’s why I also have to work on myself…

“Because when I had my issues with JL, ‘Okay, if I don’t allow my son to see his father, how will I tell him [it’s] because I had animosity towards [his] father?’ Damay pa yung bata sa mga issues ko,” pagbabahagi ng aktres.

Ayon sa aktres, maayos na din ang pagdadala nito sa kanyang emosyon. Isa din sa dahilan kung bakit mas magaan ang buhay nito.


Source: The Relatable

wokes
Derek Ramsay, binalak ligawan si Sophie Albert?
Sa Youtube vlog nina Vin Abrenica at Sophie Albert, inamin ni Vin na pinagselosan niya ang aktor na si Derek Ramsay dahil sa balak nitong pormahan umano ang kanyang fiancee ngayon na si Sophie.
Derek Ramsay, Sophie Albert and Vin Abrenica / Photo credit: Yahoo and PEP

Ikinuwento ni Vin na tinanong raw noon ni Derek si Sophie kung mayroon itong boyfriend. Sinagot raw ito ni Sophie ng: “I’m seeing somedoy.”

“I have my reasons why. Boys would understand me on this, even girls. Derek is in the same network. Magkakasama tayong lahat. I was there. He knows me too,” sabi ni Vin na nagtataka kung bakit hindi sinabi ni Sophie kay Derek na may relasyon sila.
Photo credit: PEP
Photo credit: ABS-CBN

Sagot ni Sophie, hindi pa raw nila inaamin noon ni Vin na magkarelasyon sila kaya naging safe lamang ang kanyang sagot sa tanong ni Derek.

“I wasn’t close to Derek. It was like the first time I had a conversation with him or I met him. So I said “I’m seeing someone.” That was my way of being loyal instead of saying, ‘no, I’m single.’ Na hindi niya na-appreciate.” sabi ni Sophie.

Ayon naman kay Vin, hindi siya galit at wala siyang sama ng loob kay Derek. Wala na raw siyang rason na magselos dahil engaged na sila ni Sophie at may baby girl na sila.

Panooring ang kanilang vlog sa ibaba:


***
Source: Youtube

Source: News Keener

wokes
Lolang Tindera Ng Kakanin, Labis Na Nanlumo Matapos Lokohin Ng Isang Customer

Sa panahon ngayon wala na talagang pinipiling oras o tao ang mga manloloko. Kung minsan ay kahit sino ka pa o kahit ano pa ang estado mo sa buhay ay maaari kang mabiktima ng mga manloloko. Madalas pa nga ay kung sino pa ang may edad ay sila pa ang pinupuntirya ng mga ito.

Katulad na lamang nangyari sa matandang tindera ng kakanin na kung saan ay nagawang isahan at lokohin ng bumili sakanya.

Sa paghahanap buhay ng matanda na nag ngangalang “Nanay Liza”, sa Cainta,Rizal. Hindi sukat akalain nito na peke ang 500 Pesos na ipinangbayad sakanya na pera.


Pagsasalaysay ng matanda sa pangyayari, natatandaan niya na halagang 80 Pesos ang binili sakanya ng isang babae. Kaya sa madaling sabi ay nagkaroon pa ito ng 420 Pesos matapos lamangan si Nanay Liza.

Narito ang malungkot na pahayag ng matanda sa pangyayari:

"Hindi ka na naawa sa matanda! Binayaran mo ng pekeng Php500. Halos nanlumo yung matanda dahil nakuha mo ang puhunan niya. Nakakuha ka na ng halagang 80 pesos na kakanin, nasuklian ka pa ng 420 pesos sa peke mong pera!"

Dahil sa pangyayaring ito ay maraming netizens ang nahabag at nalungkot para sa matandang patas na naghahanap buhay at kumakayod. Mabuti na lamang at naisipan ni Mylyn, isang concern citizen na ibahagi ang post tungkol kay lola na tindera ng kakanin.

Sa post ay kanya ding nilagay ang address at contact number ng matanda, n amabilis naman nag viral sa socmed.

Matapos maging viral ang storya ni Nanay Liza sa socmed ay bumuhos ang tulong sakanya. Na naging dahil upang mabilis nitong nabawi ang naibayad na pekeng pera sakanya. Bukod pa dito ay labis pa ang natanggap nito sa halagang nawala sakanya.

Kung minsan talaga may mga bagay na nawawala sa atin at sa pagkawala nito ay meron namang magandang kapalit o di kaya naman ay mas higit pa na papalit.

Tunay na kahanga-hanga ang istorya ni nanay Liza at talagang kahanga-hanga din na sakabila ng maraming manloloko sa mundo ay hindi naman papadaig ang bilang ng mga may mabubuting loob kagaya ng mga tumulong kay nanay liza.


Source: The Relatable

wokes
Jinkee Pacquaio, Pinasilip Ang Kanilang Private Resort Na Talaga Namang Sobrang Gara

Dahil sa kahilingan ng kaniyang mga avid fans, ipinasilip ng Youtube Vlogger at maybahay ni Senator Manny na si Jinkee Pacquiao ang kanilang private beach resort na matagal nang gustong masilip ng kaniyang mga fans.

Sa kaniyang vlog, ipinakita ni Jinkee ang ilang bahagi ng kanilang private beach resort sa Saranggani. 

Gayunpaman, agad namang ipinaliwanag ni Jinkee na ang pagpapakita niya ng kanilang private beach resort ay hindi pagyayabang kundi bilang sagot sa request ng kaniyang mga avid fans na gustong masilip ang naturang lugar.

Unang ipinakita ni Jinkee sa kaniyang tour vlog ang labas ng kanilang compound. Matapos nito, pumasok naman sila sa loob ng resort at ipinakita din ang mga villas na nasa loob ng resort.


Ayon kay Jinkee, ang mga villas na ito ay lugar kung saan gustong-gusto ng kanilang buong pamilya na magrelaks.

Ang dalawang villas na naroon ay para rin sa pamilya Jamora at Pacquiao. Aniya, nais ng pamilya ni Senator Manny na magkaroon ng separate o personal space sa tuwing bumibisita sila sa private beach resort na ito.


Ipinakita din naman ni Jinkee sa kaniyang tour ang mga kuwarto, ang hall, ang gazebo at ang mismong pool area kung saan gustong gusto ng bawat miyembro ng pamilya na magbabad. Ilan sa mga larawan ay ibinahagi din naman ni Jinkee sa kaniyang Instagram.

Sinabi din naman ni Jinkee sa kaniyang vlog na nakumpleto na ang private beach resort na ito halos pitong taon na ang nakalipas. Ilang oras lang naman matapos ang pag-upload ng video na ito sa YouTube, umani na agad ito ng sangkatutak na views at comments na nagsasabing sobra sila na-amaze sa magarbong private beach resort na ito ng mga Pacquiao.


Marami din naman ang na-inspire ng video na ito na magsikap upang maabot din ang kanilang pangarap na magkaroon ng mariwasang buhay para sa kanilang pamilya.


Source: The Relatable

wokes
DepEd humingi ng paumanhin dahil sa tila ‘pang-iinsulto’ kay Mar Roxas sa isang learning module
Humingi ng paumanhin ang Department of Education (DepEd) matapos mag-viral sa social media ang isang learning module kung saan tila ‘ininsulto’ nito si dating Interior Secretary at 2016 presidential candidate Manuel “Mar” Roxas.
Mar Roxas / Photo credit: The Straits Times and DepEd Tayo - Division of Las Piñas

Sa Facebook post ng netizen na si JC Punongbayan, isang Rappler columnist, ibinahagi nito ang larawan kung saan makikita at mababasa ang pang-iinuslto sa dating kalihim.

Ang nasabing module ay para sa mga Grade 6 students sa isang pampublikong paaralan sa Las Piñas.

Mababasa rito ang pangungusap na “Pakitang-tao ang ginawa ni Mar Roxas” at “Mistulang basang-sisiw si Mar Roxas sa bidyo.”
Photo credit: JC Punongbayan

Samantala, naglabas ng kanilang pahayag ang ‘DepEd Tayo - Division of Las Piñas’ at inaming “inaappropriate” ang nasabing larawan mula 2nd Quarter Self Learning Module (SLM) para sa subject na Filipino. 

Inabisuhan na rin umano nila ang division office na baguhin ito sapagkat ang na-print na version ay hindi nila aprubado.

Dahil dito ay humihingi ng paumanhin ang ahensiya sa mga na-offend ng laman ng module at tiniyak na inaayos na nila ito.

Narito ang kanilang buong pahayag:

"OFFICIAL STATEMENT 

On the Grade 6 - 2nd Quarter SLM for Filipino Incident

March 29, 2021 - This has reference with the post circulating on social media relative to an inappropriate content on one of the activities included in the Grade 6 - 2nd Quarter Self Learning Module (SLM) for Filipino. 

Based on the results of our investigation, we confirm that such content was indeed part of the said module. All SLMs of the Schools Division Office of Las Piñas are being validated for quality assurance. The particular content was identified and was advised to be corrected. Unfortunately, the one that was printed was not the approved and final version of the SLM and with this, we take full responsibility and accountability toward these lapses.

We would like to express our sincerest apology to the concerned individuals which may have been offended or harmed in any way by this incident. This Office is taking appropriate remedial and preventive measures to rectify the same. 

To this end, this Office is committed in enhancing and ensuring the quality of learning resources in compliance with DepEd Order No. 12, s.2020 or the Adoption of the Basic Education Learning Continuity Plan for School Year 2020-2021 in the Light of the COVID-19 Public Health Emergency."
Photo credit: DepEd Tayo - Division of Las Piñas


***

Source: News Keener

wokes Thursday, April 1, 2021
Babae sa likod ng " Lugaw is not essential" Nawalan ng trabaho ; Humingi ng Tawad
Trending ngayon ang "lugaw"  na umano ay hindi essential ayon kay Phez Raymundo isang brgy. official sa Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan, matapos mag post ang rider sa pangyayaring ito.

Inulan ng mga na kung saan ay hinarang nila ang isang delivery rider at hindi pinayagan na ideliver ang lugaw sa nag order nito dahil sa curfew hour.

Ngunit sinunod naman ng Grab ang mga guidelines ng gobyerno at kasama sa pinatupad na maaring mag deliver ng pagkain, ngunit sa kabila nito ay hindi parin sya pinayagan ng mga opisyal.

Sa video ay maririnig ang sinabi ni Phez " Mabubuhay tayo ng walang lugaw,"

At ipinaliwanag din naman na pagkain, gamot at mga pangunahing pangangailangan lamang ang kanilang papayagan.

Umani ng batikos sa mga Netizens ang opisyal na si Phez Rodriguez at naging trending ang lugaw na naging laman ng social media.
 

Sa post ni Rodriguez, sa kabila ng mga pambabatikos, ay paninindigan nya raw ang pagharang sa lugaw sa curfew hour.

"Una sa lahat ako ay may taong meron paninindigan kahit na si Harry Roque pa ang magsabi na essential ang lugaw haharangin ko parin ang mga may dalang lugaw during Curfew Hours" 

-OVER MY DEAD BODY-
#WalangLugawAngMakalulusot
#lugawnotessential #LugawNgInaNyo

"Kahit anu pa sabihin nyo walang makakapagbago ng isip ko hinding hindi makakatawid ang lugaw dito hangga't buhay ako "WALANG LUGAW ANG MAKAKADAAN"


Ngunit sa eto lang huli ay pinahayag ni Phez Rodriguez na siya ay nawalan ng trabaho. Ayon sa kanyang post siya ay humihingi ng paumanhin sa nangyari at tinanggap na ang pagkakamali.

"Nais ko pong humingi ng paumanhin sa nagawa at nasabi ko sa video, ginampanan ko lng po ang aking tungkulin na mabantay at manita sa oras ng curfew. Pls po tama napo ang pambabash pati pamilya ko po ay tuluyan ng napektuhan. 😓"

***


















Source: News Keener

wokes
Seo Services