Nagbigay ng kanyang opinyon si Ogie Diaz sa kontrobersyal na pagsasabi ni Joey De Leon ng salitang lubid sa E.A.T.
Ogie Diaz, Joey de Leon, Ion Perez and Vice Ganda / Photo credit to the owner
Sa bagong episode ng kanyang Showbiz Update channel, sinabi ni Ogie na kahit hindi malinaw ang dahilan ng pagsasabi ni Joey sa salitang lubid ay alam ng nakararami na ang pinatutungkulan nito ay maselang usapin.
Nangyari ito nang matanong ang isang contestant ng kanilang segment kung ano ang mga bagay na isinasabit umano sa leeg.
Doon nabanggit ni Joey ang salitang lubid na inalmahan ng marami. Dahil dito, hindi maiiwasang maikumpara ito sa naging reklamo umano kina Vice Ganda at Ion Perez sa icing incident naman na nangyari sa It's Showtime.
"Ako ah kung tatanungin niyo, mas mabigat 'yung lubid sa icing," ani Ogie Diaz.
Samantala, wala pa umanong pormal na reklamo na nakarating sa departamento ukol sa nasabing insidente sa E.A.T.
Panoorin sa ibaba ang kabuuan ng talakayan nina Ogie D, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa YouTube channel nilang Ogie Diaz Showbiz UPdate:
Naaalala nyo pa ba ang Mara Clara child star na si Agatha Tapan? ito na pala ang nangyari sa kanyang buhay ngayon matapos magdesisyong iwan ang kanyang karera sa mundo ng showbiz.
Photo credit to the owner
Si Agatha ay isa sa mga naging child star noon na sumikat sa mga manunuod noong dekada nobenta dahil sa kanyang angkin na galing pagdating sa pag-arte sa harap ng kamera.
Matatandaan na si Agatha ay unang nakilala nang napabilang ito sa isang TV series ng ABS-CBN na Mara Clara na talaga namang kinagiliwan ng mga manunuod.
Dito ay ginampanan niya ang ang role ng batang si Denise at nakasama niya sa palabas na ito ang mga pangunahing beteranang aktres na sina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Maraming manunuod ang napahanga ni Agatha dahil sa natural at husay nitong umarte sa harap ng kamera at dito na nga nagumpisang umangat ang kanyang karera sa pag-aartista.
Dahil nagustuhan ng mga manunuod si Agatha ay dito na nga nagsimula ang pagbuhos ng proyekto sa kanyang karera at nabilang sa ilang pelikula at palabas katulad ng Trudis Liit, Sineskwela, Once Upon a Time, Kahit Minsan Lang at marami pang iba.
Ngunit sa paglipas ng panahon ay matagal na hindi nagpakita sa harap ng kamera si Agatha at marami sa kanyang mga taga-hanga ang nagtatanong kung nasaan na nga ba siya at kung ano na ang nangyari sa kanyang buhay ngayon.
Biglang huminto ang dating child star sa kanyang karera at maging ang kanyang mga kakilala sa showbiz ay wala rin ideya kung saan na nga napunta si Agatha ngunit lingid sa ating kaalaman ay ipinagpatuloy pala nito ang kanyang pag-aaral dahilan ng kanyang pagkawala sa mundo ng showbiz.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ayon sa pananaliksik ay nakapagtapos si Agatha ng kolehiyo na kumuha ng kursong AB Communication at sa katunayan nga ay isa na siya ngayong Business Development Analyst sa ANC at nagtatrabaho bilang FWD Financial Wealth Planner.
Napag-alaman din na ang batang aktres na cute na cute noon na si Agatha ay mayroon na rin sariling pamilya ngayon dahil ikinasal na ito at nabiyayaan ng isang anak na babae.
Iniwan man ni Agatha ang kanyang buhay sa pagiging artista ay masaya naman niyang natagpuan ang kaligayahan sa piling ng kanyang asawa at anak.
Photo credit to the owner
Talaga nga namang hindi lang galing sa pag-arte sa harap ng kamera ang ipinamalas ni Agatha dahil pinatunayan din nito na kahit na anong karera ang kanyang tahakin ay kanya pa rin ipapakita ang kanyang talino at galing na nasa kanya nang pagkatao.
Ang exam o test ay isinasagawa upang malaman kung mayroon bang natututunan ang bawat estudyante sa mga Itinuro ng kanilang mga guro.
Photo credit: Joci Mia
Isa ito sa pinakamahalagang paraan para mabigyan ng oras at panahon ang mga estudyante na ipakita ang kanilang natutunan.
Subalit minsan ay hindi maiiwasang mahirap talaga ang mga exams o test na ibinibigay ng mga guro dahil to ay upang mas lalong mag-aral ang mga estudyante.
Samantala, isang estudyante naman ang gumawa ng paraan upang makabawi sa kanyang guro na nagbigay umano ng mahirap na exam.
Sa Facebook post ng estudyanteng si Jocil Mia, ibinahagi nito ang larawan ng kanyang answer sheet kung saan makikitang hindi magkakasunod o hiwa-hiwalay ang kanyang mga sagot.
Ayon kay Mia, ginawa niya ito upang makaganti umano sa mahirap na exam na ginawa ng kanyang guro.
“Maam ang hirap ng exam, kaya pahihirapan ko din kayu mag check,” pabirong caption ng estudyante.
Photo credit: Jocil Mia
Mayroong mga netizens na natuwa sa goodvibes na ginawa ng estudyante ngunit mayroon din namang nainis at sinabing kabastusan ang kanyang ginawa.
"Funny and witty yeah, pero respect pa din sa teachers huwag kakalimutan. Kung papadaliin yung exams, then, hindi nyo na eefortang pag-aralan, just like in life and in present times," sabi ni Pinker Belle.
"Ang mga bata ngayon ginawa ng barkada ang turing sa mga teachers. Dapat dito zero ang makuha sa exam. Hindi nakakatuwa," sabi ni Deanne Dumo Cabalfin.
"Ako literal nagawa ko to pinasa ko sa teacher. Kaso pinatawag ako. Sakin pinacheck habang sinasabi sakin sagot. Hahaha!" sabi naman ni Pong Lezada.
Isang Filipino mula sa New York ang talagang napakaswerte dahil kumikita ito ng P800k kada buwan sa pagtitinda ng isaw, betamax, adidas at iba pang street food.
Photo credit: Boy Isaw | IG
Dinala ni Robin John Calalo sa Amerika ang mga sikat street food natin dito sa Pilipinas.
Binansagan si Robin na “Boy Isaw” sa New York dahil sa dami ng kanyang customer na talagang pumipila matikman lamang ang kanyang street food.
Sa isang interview ng GMA, sinimulan raw ni Robin ang pagtitinda sa halagang $50 o P2,500 na puhunan. Ito raw ang naisip niyang gawin matapos siyang matakam at ma-miss ang street food sa ating bansa.
Photo credit: Boy Isaw | IG
Photo credit: Boy Isaw | IG
Ang maliit na puhunan ay kumikita na ngayon ng P200,000 kada linggo o P800,000 kada buwan.
“I decided to buy from market with $50 then I cooked. I prepared a lot then I sold it. The first one who bought from me are friends and family,” pahayag ni Robin.
Hindi lamang mga kapwa Pinoy ang customers ni Robin, maging mga foreigners ay bumibili rin ng kanyang paninda.
Nagsimulang magtinda si Robin noong 2019.
Photo credit: Boy Isaw | IG
Ayon sa isang Instagram post, “Robin sells his Pinoy street food faves on food fairs and online. He makes ready-to-grill street food products on sticks for his customers who prefer to grill at home. Based on his Instagram post, Robin sells adidas, betamax, isaw, hotdog, chicken and others for $3.50 or appropriate P175 per stick. To complete the Filipino experience, he also offers a cup of rice for $2 or P100. He has a promo of $14 or P700 for 3 sticks with drinks. According to his posts, his chicharon bulaklak is also a bestseller.”
Aside from being a street foods seller, Robin is also a fitness instructor in the U.S.
Bukod sa pagiging street food vendor, isa ring fitness instructor sa U.S si Robin.
Aniya, ang kanyang tagumpay ay dahil sa kanyang pagsisikap at pagiging masipag.
“Isaw-Ihaw sa New York! Sabi nga ni Kuya Kim, pagdating sa negosyo mapa-Pilipinas man o ibang bansa, HARDWORK is the KEY!”
Marami ang bumilib at naantig ang puso sa post ni Ross Forbes Mercurio na nakapagtapos bilang cùm laude sa kursong Bachelor of Science in Agri Business Management and Entrepreneur sa Polytechnic University of the Philippines sa Lopez, Quezon kamakailan.
Photo credit: Ross Forbes Mercurio
Sa kanyang Facebook post, inalay ni Ross ang kanyang tagumpay sa amang si Rosauro Mercurio o mas kilala bilang “Totoy.”
Ang ama ni Ross ay isang PWD, ngunit kahit ganun ay naitaguyod pa rin niya ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pangangalakal.
"Katas ng Kalakal... Una sa lahat maraming salamat sa aking mga magulang sa walang sawang paggabay at pagsuporta sakin para ako ay makatapos sa pag-aaral. Lalong lalo na sa aking huwarang ama na laging andyan para sa aming pamilya na ginagawa ang lahat para maitaguyod kaming magkakapatid para makatapos sa pag-aaral na sa kabila ng kanyang pagiging senior citizen at kapansanan ay hindi ito naging hadlang para sumuko, hindi nagpapahinga para maibigay ang pangangailangan ng aming pamilya kahit araw ng linggo andyan sa lansangan naghahanap buhay, minsan inaabot ng init at ulan sa lansangan pero hindi kailanman naisip na sumuko," ang bahagi ng post ni Ross.
Photo credit: Ross Forbes Mercurio
Ngayon nakapagtapos na si Ross, handa na siyang suklian ang mga paghihirap at sakripisyo ng kanyang ama.
"Pa, this is it! Sobrang proud ako kasi naitaguyod mo kaming magkakapatid sa kabila ng iyong edad at kapansanan hindi ito naging hadlang para matustusan ang pag-aaral naming magkakapatid. Sa loob ng 17 years ko na pag-aaral, nasaksihan ko lahat ng pagod at hirap na pinagdaanan natin kaya sobrang proud ako sa'yo pa," ani Ross para sa ama na tanging edukasyon ang maipamamana sa kanila.
Photo credit: Ross Forbes Mercurio
Photo credit: Ross Forbes Mercurio
Sabi mo nga ito lang yung maipapamana mo samin magkakapatid ang edukasyon ang makapagtapos sa pag aaral kaya sobrang proud ako kasenakaya natin lahat. Pa , hayaan mo na ako naman ang bumawi sayo alam ko minsan may nararamdaman kana din . Kunting tiis nalang. Mahal na mahal ka po namin. Ang lahat ng ito ay hindi tagumpay ko kundi tagumpay nyo ni Mama. Mahal na mahal ko po kayo di ko man ito masabo sa inyo ng personal pero sobrang proud akosa inyo.
Isang anak ng pedicab driver sa Bicol ang nakapagtapos sa kolehiyo bilang isang Magna Cum Laude.
Sandra Estefani Ramos / Photo from Facebook
Si Sandra Estefani Ramos ay nakapagtapos bilang isang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor in Secondary Education sa mataas na paaralan ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology.
Marami ang humanga at talagang naantig sa kwento ng buhay ni Sandra.
Ayon kay Sandra, napakaraming estudyante na talagang mas magagaling at matatalino kaysa sa kanya. Ngunit nang dahil sa kasipagan at pagtitiyaga ng kanyang ama maitaguyod lamang ang kanyang pag-aaral, ito ang kanyang naging inspirasyon upang magsikap sa kanyang pag-aaral.
Sandra Estefani Ramos / Photo from Facebook
Sandra Estefani Ramos / Photo from Facebook
“Until now, I didn’t know how I was able to achieve this award. Even if I know that there are other students more intelligent than me, I still do my best. Even if I didn’t know how, I do know the people who are the reason why I became Magna Cum Laude,” ito ang sinabi ng dalaga sa isang interview.
Ayon sa kanyang Ina na si Cyril Ramos, nabanggit nito na ang kanyang asawa na si Renato ay laging inuuna na prayoridad ang mga gastusin ng kanyang anak sa paaralan tulad ng mga proyekto at pamasahe; at ang natira namang pera ay nakalaan na para sa pagkain.
Sandra Estefani Ramos / Photo from Facebook
Photo credit: Sandra Estefani Ramos
Ayon naman sa isang School Associate Professor na nakakakilala kay Sandra, si Professor Ronnie Rubi, inilarawan niya si Sandra bilang isang mapagkumbaba, simpleng tao, at natatangi na nakaranas ng napakaraming pagsubok sa buhay.
Gaano man kahirap ang buhay, makakamit pa rin natin ang tagumpay basta’t may pagtitiyaga at pagpupursige.
Photo credit: Arlene Alex
Ito ang ipinamalas ng isang babaeng Badjao na nakaahon sa hirap mula sa panlilimos sa kalsada at paninisid ng barya sa pier upang may pangkain.
Ito ang kwento ni Arlene E. Alex, 29, na nakapagtapos ng kolehiyo at ngayon ay isa ng guro.
Sa kasalukuyan ay nagtuturo siya sa mga batang kanyang katribo.
Noon lamang February, 2021, isa si Arlene sa tatlong babaeng pinarangalan bilang Natatanging Batangueño RotAwardees ng Rotary Club of Batangas.
Photo credit: Rotary Club Batangas
Ayon sa post, “A 28year old Badjao teacher who started as a beggar and ‘maninisid ng barya sa pier’ but changed her life by finishing her education and even having Master's Degree.
“She now teaches IPED [Indigenous people education] learners, also Badjao children, and aims to help her own people and educate them the same way she was educated.”
Si Arlene ay kasalukuyang teacher sa Wawa Elementary School sa Batangas City.
Hindi naging madali ang buhay para kay Arlene habang lumalaki.
Pero hindi ikinakahiya ni Arlene ang kanyang nakaraan at ang kanyang lahing pinagmulan. Taga-Batangas ang kanyang ama at isang Badjao ang kanyang ina.
Noong Marso 31, inilahad ni Arlene sa programang PIA Ngayon Calabarzon sa J101.5FM Radio ang kanyang kwento.
Photo credit: Arlene Alex
“Ako po ay half-Badjao half-Tagalog. Mula pagkabata ko po, hindi po ako pinapayagan ng tatay ko na manlimos, manisid ng barya.”
“Yung pride po na Tagalog siya, ‘tapos baka makita ako ng mga kamag-anak ko. So yun po ay hindi ko gawain sadya.”
Ngunit dahil kapos ang kanilang pamilya, kinailangan ni Arlene ang manlimos upang makatulong sa gastusin.
“Dumating lang po sa point na kailangan ko po siyang gawin para po makatulong ako sa pamilya ko.
“Lalo po nang magkasakit yung tatay ko, hanggang sa mamatay po siya nung ako po ay 12 years old.”
Sa murang edad, nagsimulang manisid ng baryang inihahagis sa pier ng mga pasaherong naaawa sa mga Badjao.
“Eight years old po nag-start na akong manisid sa pier para lang po maka-survive sa araw-araw at may panustos sa pag-aaral.
Mga batang Badjao / Photo credit to the owner
“’Tapos po yung panlilimos, nag-start po siya nung mamatay si Tatay, kasi wala nang pipigil sa akin na pumunta ako sa lansangan.
“Kasi po na-amaze po ako sa mga pinsan ko na meron po silang dala-dalang barya, mga pinalimusan nila, na naitutulong nila sa mga pamilya nila.
“Kaya ako naging nanlilimos at naninisid sa pier.
“Hindi ko naman po pinagsisihan kasi natuto po ako sa buhay na hindi ganoon kadali ang kumayod sa araw-araw sa murang kaisipan.
Mga batang Badjao / Photo credit to the owner
“Kailangan mong mabuhay, pero kailangan mong paghirapan.”
Si Arlene ang panganay sa kanilang dalawang magkapatid. Ang kanilang ina naman ay isang labandera.
Matagal ding nanlilimos sa lansangan si Arlene. Napapadpad siya sa malalayong lugar para lamang manlimos.
“Hanggang 14 years old ako na nanlilimos sa lansangan dine po sa Batangas City.
“’Tapos minsan po dumadayo kami sa Maynila pag panahon ng Pasko at mga summer po, gano’n.
“Kami po ay dumadayo sa malalayong lugar.”
Sa tulong daw ng kanyang mga tiyahin at tiyuhin, nakapagtapos siya sa elementarya sa Batangas.
Mga batang Badjao / Photo credit to the owner
“After po maka-graduate, umalis po kami sa pinakalugar ng tatay ko dahil po yung nanay ko ay dumaranas po ng depression. Nakikita niya ang memories ng tatay ko.
“Kailangan po naming pumunta ng isla. Isla po ng mga Badjao.”
Sa kanilang isla, may mag-asawang misyonaryo na tumutulong sa kanyang mga ka-tribo.
“So ako po ay nakita nila ng potensiyal na gustong mag-aral. So ako po ay tinulungan nila.”
Ipinadala si Arlene ng mag-asawang misyonaryo sa isang youth camp sa Laguna na naghahanap ng out-of-school youths na maaaring mag-aral.
“So ako po ay dinala nila sa Cabuyao, Laguna. Isa po siyang orphanage o puwede kang mag-aral do’n, pero hindi ka po uuwi.”
“So tiniis ko po yung dalawang taon para lang po makapag-aral dahil po nakakasawa yung nasa lansangan, ‘tapos hindi ka po makakain kapag walang magbibigay sa amin.”
Buo ang determinasyon ni Arlene na makapagtapos ng pag-aaral upang makaahon sa kahirapan.
“Sabi ko po sa sarili ko, ‘Parang ang hirap mabuhay na nakadepende ako sa tao.’
“Kaya sabi ko kailangan kong mag-aral kahit hindi na ako makauwi, basta makatapos ako.”
Ayaw raw niyang sayangin ang pagkakataon.
“Sabi ko sa sarili ko, ‘Hindi pupuwede na hanggang dito na lang ako. Babalik na naman ako sa lansangan.’”
Nagkataon daw na may mga tao sa paligid ni Arlene na nag-alok na tulungan siya.
“Sabi po ng pastor namin, papag-aralin niya ako sa University of Batangas [UB], panggabi po iyon.”
Si Arlene daw ang nag-iisang nag-aaral sa high school habang ang iba pang tinutulungan ng pastor ay nasa elementarya.
“So meron pong dalawang empleyado do’n na pinag-aral din ako. Nagpa-tuition po sa akin.
“Talagang yung pagsusumikap po para maabot yung pangarap, talagang kailangan kong kayanin.”
Subalit nang makatapos si Arlene ng second year high school, sinabihan raw siya ng pastor na hindi na kayang tustusan ang kanyang pag-aaral.
Marami pang Badjao na pinag-aaral sa elementarya ang pastor.
Pero may bagong biyayang dumating sa buhay ni Arlene.
“Nung ako po ay tumigil, sakto po yung will ni Lord, na yung mga tao… yung mga programa...
“Dumating po yung program po ng ALS [alternative learning system] ng out-of-school youths na gustong magpa-diploma.”
Sa payo raw ng kanilang pastor ay nag-review si Arlene at nakapasa sa pagsusulit upang makapagtapos ng high school.
Hindi na raw umaasa si Arlene na makatuntong pa ng kolehiyo. Tagumpay na para sa kanya ang nakapagtapos ng secondary education.
Pero pinaboran ng tadhana si Arlene dahil nagkaroon ng programa ang Batangas State University College of Teacher Education.
“Nakita po nila yung potential ko kasi po gumawa ako ng talambuhay ko.”
Photo credit: Arlene Alex
“So nabasa po ng isang professor, sabi po niya, puwede daw po ako maging scholar nila.”
Kumuha ng entrance examination si Arlene at nakapasa siya.
“Kinuha po nila akong scholar.”
Aniya, “Sabi ko nga po ayoko habang buhay nasa lansangan. Ayoko habang buhay humihingi ng awa ng tao, kasi wala kang magawa kasi wala kang natapos.”
Naging emosyunal si Arlene sa mga sumunod niyang pahayag, dahil sa mga pangmamaliit at diskrimînasy0ng nararanasan ng kanyang lahing Badjao.
“Naisip ko rin yung mga katribo ko na yung binu-bu1ly, kasi wala kaming natapos.
“Yung masakit po, yung sakit ng ulo kami ng lipunan.
“Sabi ko sa sarili ko, hindi habang buhay ganito niyo makikita sa amin.
“Kasi meron kaming magagawa at merong mababago sa sarili namin.
“So, salamat naman po sa Lord kasi nakatapos [ako].
“Nagkaroon po ng isang professional na gurong Badjao dito po sa Batangas City, at parang ang alam ko po sa buong Calabarzon [Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon], ako po yung unang nakatapos sa kolehiyo.”
Nang maka-graduate sa kolehiyo si Arlene, ikinasal ito sa isang katribo.
Nabuntis siya, pero sa tulong na rin ng kanyang mga kaklase ay naglakas loob siyang mag-review ng anim na buwan.
Pumasa si Arlene sa board exam at isa na siyang ganap na guro.
“Sobrang napaiyak [ako] dahil ito na yung bunga ng paghihirap. Ito na yung tagumpay na sinasabi."
“After po ng LET [Licensure Examination for Teachers] di po ako agad nagtrabaho dahil kailangan kong alagaan muna yung baby ko.”
Nagtrabaho muna siya sa Batangas State University bilang isang substitute teacher sa loob ng dalawang buwan.
Photo credit: Arlene Alex
Pagkatapos nito ay isang taon siyang nagturo sa University of Batangas sa Elementary Department.
Napagod daw si Arlene at nagbitiw para makapagpahinga muna. Isa na namang biyaya ang kumatok kay Arlene.
“Hinahanap po ako ng DepED dahil po may program ang DepEd ng indigenous people education, kung saan po yung tuturuan ay tribong Badjao."
“So tama po na pag-resign ko. Tinawagan po nila agad ako napa-in po ako ng DepEd ng 2017 hanggang ngayon po."
Nakatapos na rin ng kanyang Master's Degree si Arlene.
Kwento niya, hindi sana kursong Education kundi Computer Science ang nais niyang kunin, pero limitado ang kanyang choices.
Marahil ay itinadhana raw ng Diyos na siya ay naging teacher.
“Ngayon ko lang po napagtanto, ngayong nandito na ako sa program ng DepED, na yun talaga ang plano ng Lord.”
Naniniwala si Arlene na may “dakilang plano” ang Diyos kaya siya naging guro upang tulungan ang kanyang mga katribo.
Nang tanungin si Arlene tungkol sa kanyang mga pinagdaanan, binigyang-diin niya ang hirap na dinanas dahil sa pagiging Badjao.
Matinding pambu-bu1ly raw ang sinapit niya noong nasa elementarya siya.
Inaasar daw siyang “Badjao,” “mabaho,” “nanlilimos.”
“Nasa isang tabi ka na lang kasi wala kang ibang kaibigan. Sobra pong hirap ng elementary ko,” himutok ni Arlene.
“Kaya po nung high school parang ayoko nang pumasok. Iniisip ko na lang gusto kong makatapos ako.”
Pagsapit ng kolehiyo ay naging mabuti naman daw ang pagtrato sa kanya ng kanyang mga kaklase.
“Na-build up ko yung sarili ko. Kailangan kong magkaroon ng tiwala sa sarili ko.
“Wala po akong naramdaman ng kahit anong diskriminasyon, na kahit anong pambu-bu1ly.”
Patuloy pa rin ang pagtuturo ni Arlene kahit sa panahon ngayon ng pand3mya.
Nagbabahay-bahay siya para puntahan ang mga estudyanteng Badjao at tulungan ang mga ito sa kanilang modules.
Tanging pasasalamat lang daw ang nasa puso ni Arlene kapag binabalikan niya ang kanyang pinagdaanan.
Malaking biyaya na ibinigay ng Diyos ang makarating siya sa kanyang kinatatayuan ngayon.
May mensahe naman si Arlene sa mga “nagdi-discrîminat3, nambu-bu1ly, nangmamata sa mga ka-tribo namin.”
“Hindi po habang buhay yung mga minamata niyo hanggang doon na lang.”
Pangarap daw niyang mabago ang mababang pagtingin ng mga tao sa katulad niyang Badjao.
Gusto niyang patunayan ang kaisipang wala silang nararating sa buhay.
“Meron po,” saad ni Arlene.
Sa mga katulad naman niyang may pangarap, ani Arlene, “Patuloy na magtiwala, umasa at merong mababago. Isa po akong totoong patunay sa inyo. Merong pag-asa.
“Patuloy kumapit sa Lord at pagkapit sa Lord lagyan ng tiyaga, sikap, at tiwala sa sarili.”