Nakakaiyak na reaksyon ng isang kasambahay matapos pumasa sa 2023 LET: Thank you Lord"

Hindi napigilan ng isang kasambahay ang kanyang emosyon dahil sa wakas ay matutupad na ang kanyang pangarap na maging isang guro.


Sa 102,272 examinees, isa si Joan Managuelod Ramirez sa 48,005 na pumasa sa nakaraang 2023 Licensure Examination for Teachers (LET) Secondary Level.

Isa sa mga naging proud sa achievement ni Joan ay ang kanyang amo na si Yanyan De Vera-Alandy na nagbahagi ng kanyang nakaka-touch na reaksyon matapos malaman ang resulta ng exam.

Makikita si Joan na umiiyak at sinasabing,"Oh my God, pasado ako!"

Ayon kay Yanyan, si Joan ay napakasipag kaya naman deserve nito ang makapasa.

"Congratulations to our dear kasambahay for passing the LET exam. You are now a licensed teacher."

"Walang imposible sa taong may pangarap," dagdag ni Yanyan.

Pinagsasabay ni Joan ang pagiging kasambahay at pag-aaral. Nagtapos siya sa Isabela State University – Angadanan Campus.

Isa isang interview ng The Summit Express kay Joan, ikinuwento nito kung ang dahilan ng kanyang pagiging guro. Aniya, gustong gusto raw niya ang magturo sa mga kabataan.

"I really wanted to be a teacher noon pa. Gusto ko 'yung nagtuturo sa mga student. For me masaya ako kapag may natutulungan akong student na matuto."

Pero ang totoong naging motivation ni Joan sa pagiging masipag at makamit ang pangarap na maging guro ay dahil sa kahirapan.

Naniniwala siya na ang edukasyon ang tanging daan upang makaalis sila sa kahirapan. Kaya naman kahit gipit ay nagtitiis ito upang matapos ang kanyang pag-aaral.

"Isa sa mga naging motivation ko para mag-aral ng mabuti ay kahirapan. Ayaw ko na hindi ako magkapagtapos ng pag-aaral. Sapagkat heto lang ang magiging daan upang makaalis sa buhay na sobrang hirap. Kahit sobrang kapos kami sa pera noong nag-aaral ako, hindi ito naging hadlang upang hindi ako makapagtapos."

Dagdag pa ni Joan, ang kanyang pamilya ang kanyang inspirasyon dahil gusto niyang bigyan ang mga ito ng magandang buhay.

Ibinahagi rin nito ang mga pinagdaanang paghihirap habang nag-aaral at nagre-review. Aniya, kailangan niyang magtipid dahil hindi sapat ang kanyang allowance.

"Kailangan kong maglakad ng malayo kung saan may sasakyan papunta sa review center."

Dahil sa kanyang pagsisikap ay nagamit ni Joan ang pangarap na maging guro. 

Sa ngayon ay itutuloy muna ni Joan ang pagiging kasambahay. Plano rin niyang kumuha ng master’s degree.

"For the meantime mag work muna ako na kasambahay habang nag hahanap ng full time job sa mga schools. I also want to take my master's degree sa tulong ng Diyos," ani Joan.

Panoorin ang video sa link na ito: https://www.facebook.com/reel/185123687862381


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services