Lalaking nasangkot sa rambulan ng grupo ni Awra Briguela nagsalita na

Sa ulat ng News5, nagsalita ang isa sa mga nasangkot sa rambulan sa Poblacion, Makati kung saan naaresto ang Kapamilya star na si Awra Briguela.
Photo credit to the owner

Ayon sa lalaking tinawag na “Mark”, baka nakursunadahan daw siya at sinabing sinundan ni Awra.

Aniya, mga kasamahan umano ni Awra ang unang nanakit kaya naman napilitan siyang lumaban.

Nauna na ng nagsalita ang mga kaibigan ni Awra patungkol sa isyu. Isa sa mga kaibigang babae ni Awra ang nagsabing mayroon daw nangbastos sa kanila at pinagtanggol lang sila ni Awra. 

Dagdag pa nila, ang kabilang kampo din daw ang naunang manuntok at gumanti lang din si Awra. 

Samantala, sa ulat naman ng Inquirer, ayon sa police report ay pinaghuhubad umano ng grupo ni Awra ang lalaking nakaaway niya at tumanggi umano ito. 


***

Source: News Keener

wokes Thursday, June 29, 2023
Pasahero at driver ng Joyride nagpalit-puwesto sa motorsiklo

Kinaaliwan ng mga netizens ang Facebook post ng netizen na si Keith De Guzman kung saan siya ang naging driver ng ride-hailing service na Joyride at ang driver ang naging pasahero.
Photo credit to the owner

In-upload ni Keith ang selfie nila Joyride rider kung saan tinakpan nito ang mukha upang sa gayon ay hindi maapektuhan ang kanyang trabaho kung sakaling magkaproblema ang kanilang ginawang pagpapalit.

“Ang stress level mo today ay: inangkas yung joyride para mas mabilis andar.” mababasang caption sa Facebook post ni Keith.

Ayon sa ulat ng website na Balita, mahuhuli na umano sa pupuntahan niya noong araw na iyon si Keith at sa malayong lugar pa sila idinaan ng navigation app.

“Bali ang nangyari po do’n ay malalate na po ako sa pupuntahan ko tapos yung navigation app pinapadaan kami sa mas malayo” aniya.

“E nakuwento rin naman ni kuya na pagod na siya dahil pang-ilang pasahero na niya ako kaya inalok ko siya na ako na magmamaneho para di maligaw,”  dagdag pa nito.

Dagdag pang tanong ng Balita kay Keith kung nagbayad pa rin ba ito kahit siya na ang nag-drive.

“Nagbayad pa rin walang labis walang kulang. Parañaque hanggang Cubao haha,” isinagot ni Keith.

Umabot naman raw si Keith sa kanyang pupuntahan dahil pumayag ang driver na magpalit sila.

Samot-saring komento naman ang natanggap ni Keith mula sa netizens sa kaniyang viral post online.

“Baka mawalan ng trabaho si boss ”

“ikaw dapat bayaran nya”

“Discounted kasi ikaw nag drive. Eyyy”

“hahaha mahuli ka dyan bes bawal yan wahahaha”

“Sino nagbayad sa inyong dalawa paps? HAHAHAH”

Sa ngayon ay umabot na sa 10k reactions ang post ni Keith.


***

Source: News Keener

wokes Wednesday, June 28, 2023
Nag live-in nga ba sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes?

Sa kanyang naging interview sa Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, inamin ng basketball player na si Ricci Rivero na nag-live in sila ng aktres na si Andrea Brillantes bago sila maghiwalay.
Ricci Rivero and Andrea Brillantes / Photo credit to the owner

"Pero ang gusto kasi ni Tita is for her to go home and 'yun din naman 'yung sinasabi ko," sabi ni Ricci.

"Gusto ko mag-focus ka rin sa industry mo, sa work mo, sa goals mo. Ako kailangan ko rin mag-focus dun sa akin. Pero there were times that we do sleep together," dagdag nito.

Tinanong ni tito Boy si Ricci kung ang ibig ba niyang sabihin ay paminsan-minsan ay umuuwi sila sa kani-kanilang mga bahay, oo naman ang sagot ng basketball player.

Ayon kay Ricci, hindi umano madali ang paghihiwalay nila ni Andrea dahil naging close na ito sa kanyang pamilya.

“Naging close din po talaga siya sa mga little brothers and sa parents ko na din," saad ni Ricci.

"Sobrang na-appreciate ko 'yung side niya na 'yun,” dagdag nito.


***
Source: GMA News 



Source: News Keener

wokes Tuesday, June 27, 2023
Netizen hindi naitago ang pagkadismaya matapos madiskubreng gawa sa napkins at diapers ang biniling mattress

Ang buong akala ng isang netizen ay nakamura siya at nakatipid sa biniling bagong mattress mula sa isang naglalako na dumayo sa kanilang barangay.
Photo credit: Michelle Abuzo Oliveros

Sa Facebook post ni Michelle Abuzo Oliveros, ikinuwento nito ang nakakadismayang pangyayari sa biniling mattress.

Ayon kay Michelle, matapos mabili ang foam ay tila may napansing kakaiba.

Agad niyang tinanggal ang sapin ng foam at laging gulat niya ng madiskubreng puno ng napkins at diaper ang mattress.

“Shout out sa nagbenta ng kama namin, sana ma-karma ka,” sabi ng netizen sa post. 

“Eto ang laman ng foam na binili namin, puro pampers at napkins para lumambot. Akala namin gawa ‘yung mattress sa foam. Wala ka bang konsensya na madami kang napagbentahan nito? Next time mag-ingat na tayo sa mga nagbebenta ng kama,” dagdag pa niya.
Photo credit: Michelle Abuzo Oliveros
Photo credit: Michelle Abuzo Oliveros

Dahil dito ay hindi na magagamit si Michelle ang bagong biling mattress dahil baka raw makakakuha pa siya ng sakit.

May ilan pang mga netizens ang nakabili umano ng kaparehong mattress at agad na ini-report sa pulisya.

May mga nagsasabi rin na matagal na ang ganitong modus ng mga naglalako kaya sana raw ay mag-ingat sa pagbili.

Samantala, nagpaalaala na ang owtoridad na mag-ingat sa mga naglalako o nagbebenta ng gamit lalo na kung ibinebenta ito sa murang halaga.

Sa ngayon ay umabot na sa 8k shares ang nasabing post.


***

Source: News Keener

wokes Monday, June 26, 2023
Nakakaiyak na reaksyon ng isang kasambahay matapos pumasa sa 2023 LET: Thank you Lord"

Hindi napigilan ng isang kasambahay ang kanyang emosyon dahil sa wakas ay matutupad na ang kanyang pangarap na maging isang guro.


Sa 102,272 examinees, isa si Joan Managuelod Ramirez sa 48,005 na pumasa sa nakaraang 2023 Licensure Examination for Teachers (LET) Secondary Level.

Isa sa mga naging proud sa achievement ni Joan ay ang kanyang amo na si Yanyan De Vera-Alandy na nagbahagi ng kanyang nakaka-touch na reaksyon matapos malaman ang resulta ng exam.

Makikita si Joan na umiiyak at sinasabing,"Oh my God, pasado ako!"

Ayon kay Yanyan, si Joan ay napakasipag kaya naman deserve nito ang makapasa.

"Congratulations to our dear kasambahay for passing the LET exam. You are now a licensed teacher."

"Walang imposible sa taong may pangarap," dagdag ni Yanyan.

Pinagsasabay ni Joan ang pagiging kasambahay at pag-aaral. Nagtapos siya sa Isabela State University – Angadanan Campus.

Isa isang interview ng The Summit Express kay Joan, ikinuwento nito kung ang dahilan ng kanyang pagiging guro. Aniya, gustong gusto raw niya ang magturo sa mga kabataan.

"I really wanted to be a teacher noon pa. Gusto ko 'yung nagtuturo sa mga student. For me masaya ako kapag may natutulungan akong student na matuto."

Pero ang totoong naging motivation ni Joan sa pagiging masipag at makamit ang pangarap na maging guro ay dahil sa kahirapan.

Naniniwala siya na ang edukasyon ang tanging daan upang makaalis sila sa kahirapan. Kaya naman kahit gipit ay nagtitiis ito upang matapos ang kanyang pag-aaral.

"Isa sa mga naging motivation ko para mag-aral ng mabuti ay kahirapan. Ayaw ko na hindi ako magkapagtapos ng pag-aaral. Sapagkat heto lang ang magiging daan upang makaalis sa buhay na sobrang hirap. Kahit sobrang kapos kami sa pera noong nag-aaral ako, hindi ito naging hadlang upang hindi ako makapagtapos."

Dagdag pa ni Joan, ang kanyang pamilya ang kanyang inspirasyon dahil gusto niyang bigyan ang mga ito ng magandang buhay.

Ibinahagi rin nito ang mga pinagdaanang paghihirap habang nag-aaral at nagre-review. Aniya, kailangan niyang magtipid dahil hindi sapat ang kanyang allowance.

"Kailangan kong maglakad ng malayo kung saan may sasakyan papunta sa review center."

Dahil sa kanyang pagsisikap ay nagamit ni Joan ang pangarap na maging guro. 

Sa ngayon ay itutuloy muna ni Joan ang pagiging kasambahay. Plano rin niyang kumuha ng master’s degree.

"For the meantime mag work muna ako na kasambahay habang nag hahanap ng full time job sa mga schools. I also want to take my master's degree sa tulong ng Diyos," ani Joan.

Panoorin ang video sa link na ito: https://www.facebook.com/reel/185123687862381


***

Source: News Keener

wokes Saturday, June 24, 2023
Manager ng Jollibe, sinabuyan ng softdrinks dahil sa policy na “Straw less”

Mabilis na nag-viral sa social media ang post ng isang manager ng isang kilalang fastfood chain matapos umano itong buhusan ng softdrinks ng customer.
Photo credit: Imee Joy Urgelles

Ayon sa post ng manager na si Imee Joy Urgelles, naghihingi umano ng straw ang isang customer ngunit dahil sa polisiyang “straw less” ng Jollibee, hindi nabigyan ang nasabing customer.

Dito na umano ito nagalit ay isinaboy ang softdrinks kay Imee.

Narito ang buong post:

“Straw Less”

Sa customer na nagbuhos sakin ng softdrinks dahil sa “straw less” kami ingat po kayo Mam. Thank you dahil sa inyo napatunayan ko na effective manager ako hindi ko man nabigay ang straw na kailangan mo at least naexplain ko ng maayos kung bakit wala kaming straw. Sa muling pagkikita and God bless you po.

Sa lahat ng fastfood customer na nakakaintindi at nakakaunawa ng “STRAW LESS” kudos sa inyo.

PS. Nanay ko pa naman nag plantsa ng uniform ko. Tuloy ang duty hehe."

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“Nag jollibee lang akala mo nabili na lahat ng crew and manager. Gigil ako imee.”

“Dapat di ka pumayag. Magkano lang binayad nila sa kinain nila pra bastusin ka.”

“Congrats to your patience. Kung ako yan, nasampal ko na yan ng monitor. Hahaha.”

Isang netizen ang nag komento kung saan nasaksihan nito ang pangyayari.


***

Source: News Keener

wokes Tuesday, June 6, 2023
Seo Services