Umani ng atensyon at katatawanan sa mga netizens sa social media ang usapan sa pagitan ng isang architect at customer na nagtatanong kung magkano ang blue print para sa disenyo ng kanyang bahay na ipapatayo.
Photo credit to the owner
Sa Facebook page na “Palacio Architectural Services”, ibinahagi nito ang screenshot ng naturang usapan.
Mababasa sa kanilang usapan ang pagtatanong ng customer kung magkano ang presyo ng architectural design para sa 150 square meters na lote.
Sagot naman ng arkitekto, ₱105k ang singil nila para sa 150 sqm floor area kasama na ang printing at revisions.
Tila namahalan ang customer sa presyong ibinigay ng architect. Sagot nito, ipapadrawing na lamang ito sa inaanak niyang Architecture student na libre pa.
“kamahal mo nmn pala maningil. ipa drowing ko na nga lang sa inaanak kong arcitec student libre pa. haha,” sabi ng customer.
“Ok ma’am I understand po. Just let me know if magbago po isip n’yo,” sagot naman ng arkitekto.
Ngunit tila humirit pa ng tawad ang customer, “Kaya ₱1500? hehe.”
Komento naman sa FB page sa pamamagitan ng caption.
“Architectural design is no easy task. The structural integrity of any building lies in thorough planning and proper execution.”
“Trusting a licensed professional to design and build your house is just as important as getting the right doctor to perform surgery,” ayon sa caption.
Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
“Akala yata ng mga tao, drawing-drawing lang ang archi design hahaha.”
“Samin dito ₱35k design pa lang.. wala pa structural, plumbing, and electrical design na ‘yan.. mahal po talaga kasi hindi easy… I tried using online apps halos mabaliw ako hahahaha di ko keri.”
“She doesn’t have any true idea of the profession. We just have to manage when we have clients like this and maybe time for us to share what architect and architecture is.”
“Imagine you worked hard to pass every semester, years and years of studying, passed the board exam at magiging salary mo is 1500.”
***
Source: News Keener
No comments