Ang nakakaantig na mensahe ng ‘black sheep’ na anak sa kanyang namayapang ina

Nakakaantig ng puso ang madamdaming mensahe ng netizen na si Ma. Criszelda “Crizete” Baclay, sa kanyang ina na si Norma Backlay na namayapa noong 2007.
Photo credit: Ma. Criszelda “Crizete” Baclay

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Crizette ang mga larawan ng dalawin niya ang puntod ng ina upang i-alay ang diploma na katunayang siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

“Eto na ang isa sa mga ipinangako ko sa inyo at kay Papa buntis pa lang ako sa bunso. Aayusin ko ang buhay ko dahil sa hirap na dinanas ko. Hindi nga kayo naniwala sa akin ‘di ba noong sumulat ako sa inyo sabi ko darating ang araw gaganda ang buhay ko, yayaman ako. Kasi matigas ang ulo ko kasi ang aga ko nagkaanak, apat pa at walang sustento.”

“Hanggang sa mawala ka. Si Papa naman nagagalit kasi gusto ko mag-aral. Pahirapan pa sarili wala naman akong pera. Pero mas mahirap maliitin ka ng mga tao. Napakatigas daw ng ulo ko Mama pinapalayas kami ni Papa. Pinagpipilitan ko raw ang gusto ko. Hindi ko pinagsisihan yun Ma kahit nahirapan ako kasi alam ko malayo mararating ko.”

“Yan na Ma, pinagsikapan ko ‘yan. Puyat, pagod, luha, hirap at nagkasakit pa ako. Nakatapos na ako Mama. Disappointed man kayo at bata ang naging diploma ko noon. Ako na ngayon ang kauna-unahan mong anak na nakapagtapos ng college. Alam ko masaya ka. Si Papa tinanong ko s’ya kanina. ‘Masaya ka na ba Papa, proud ka na ba sa akin?’ ‘Oo, masaya,’ sagot niya na umiiyak din.”

“Masaya ako Mama. Masaya ako na sa wakas proud na kayo sa akin. Ang pangarap ninyo na makatapos ako, natupad na sa awa at tulong ng Panginoon. Salamat sa Kaniya dininig ang panalangin ko.”

“Ang black sheep na anak, naka-black toga na. Glory to Jesus,” aniya.

Ibinahagi rin ni Crizette ang ilan sa kanyang mga pinagdaanang pagsubok sa panahon ng kanyang pag-aaral. Bukod sa single parent ay dalawa ang trabaho ni Crizette: tagalinis sa araw at masahista naman sa gabi.

Pinasalamatan ni Crizette ang mga taong nasa likod ng kaniyang tagumpay, mula sa kaniyang pamilya, boyfriend, mga kaibigan, kliyente, boss, at mga guro.

Si Crizette ay nagtapos ng BS Entrepreneurship sa Cavite State University.


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services