Rendon Labador, humingi ng sorry kina Michael V at Coco Martin

Nag-sorry ang social media personality na si Rendon Labador sa mga celebrities na kanyang napagsalitaan ng masakit kabilang na sina Michael V at Coco Martin.
Rendon Labador, Coco Martin at Michael V / Photo credit to the owner

Nangyari ito matapos makipagkita ni Rendon sa broadcast journalist na si Ben Tulfo, sa mismong tanggapan ng Bitag Live.

Mapapanood sa mismong Facebook account ni Rendon ang kaniyang paghingi ng paumanhin sa mga personalidad na nasali dahil sa kanyang pagiging prangka o straightforward.

Gusto ko pong humingi ng apology, gusto ko pong humingi ng pasensya sa lahat po ng Pilipinong nasaktan at naging emotional sa mga nangyayari sa social media,” ani Rendon.

Ngunit hindi raw maipapangako ni Rendon na  hindi na siya makapagsasalita ng mga masasakit kapag may celebrity na gumawa ng pagkakamali.

“Hindi ko po maa-assure kay Michael V, kay Coco Martin at sa lahat ng mga celebrity or atletang nadadamay sa lahat ng mga isyu na sinisita ko sa internet…”

“Pasensya na for being too straightforward. Ganoon talaga ako pinalaki ng aking mga magulang,” aniya pa.

Ganoon lamang daw siya magsalita dahil alam daw niyang sa ganoong paraan, ma-momotivate niya ang mga tao na baguhin ang hindi maganda sa kanila.

Hiling din ni Rendon na matigil na ang paggawa ng fake news.

“Sana matigil na ang fake news. Sana mag-level up tayo, sana huwag na tayo madamdamin, sana lumaban tayo….”

Sa mga hindi raw nakakaintindi sa kaniya, huwag daw silang mag-alala dahil hinding-hindi raw siya titigil hangga’t hindi sila nag-iimprove.



***

Source: News Keener

wokes Sunday, May 28, 2023
Sino nga ba si Betty Go-Belmonte?

Billie Mary "Betty" Go-Belmonte was the eldest child of Go Puan Seng, founder of the Filipino-Chinese newspaper The Fookien Times, When she was eight years old, her family moved to the foothills of the Sierra Madre, near Ipo Dam, to escape persecution from Japanese forces during World War II where they lived in poverty.
Photo credit to the owner

After the war, Belmonte and her siblings took their elementary studies at Kamuning Public School and Hope Christian High School, and their high school studies at the Philippine Christian Colleges and UP High School. She was often teased at school for having a boy's name, so her father started calling her Betty. 

When she was 19, she wanted to become a Protestant missionary and stay single. This upset her grandmother, who wanted her to marry. In college, she wanted to be a painter and pursue a course in Fine Arts but her father thought she would not be able to make a living as a painter and enrolled her in an English degree at the University of the Philippines Diliman instead.

In UP, Belmonte experienced prejudice for being a Filipino of Chinese ancestry. Despite being born in the Philippines and having a Filipina mother, because of her father's dual citizenship, she was treated a dual citizen as well by Filipino students. She decided to join student organizations and activities, as well as, ran and won in the student elections to prove that a person of Filipino of Chinese ancestry can run and hold office.

After Marcos' declaration of Martial Law in 1972, Betty's family newspaper company was one of several newspapers forced to close by the government. Betty was already married to Feliciano Belmonte, Jr., and remained in the Philippines. She continued writing through her weekly Dear Billie advice column in the Daily Express newspaper.

1986, Betty Go-Belmonte established her own Filipino tabloid newspaper, Ang Pilipino Ngayon. It would grow in circulation to become the leading Filipino tabloid in the Philippines. 

A few months later, Belmonte, Soliven, and Art Borjal established the national broadsheet The Philippine STAR that would compete against Inquirer and Manila Bulletin. Under Belmonte's chairmanship, STAR would later on surpass the two broadsheets to become the most widely circulated newspaper in the Philippines, distinguished for its balanced, objective, and fair reporting.

Betty and Feliciano " Sonny" Belmonte, Jr. had four children: Isaac, Kevin, Miguel and Joy Belmonte, Her daughter Joy serves as the incumbent mayor of Quezon City.

Betty died in Quezon City on 28th of January 1994 due to cancer. 

Belmontes of Quezon City named not just the streets but also the LRTA Station ( Betty Go-Belmonte Station ) also during Feliciano " Sonny" Belmonte's terms as Mayor, all the new building (SB Building) in every Public School named after him.


***

Source: News Keener

wokes
Kilala niyo ba ang dating aktres na nabuntis umano ng aktor na si Coco Martin?

 Isa sa pinakabigatin at tinitingalang artista ngayon ay ang aktor na si Coco Martin. Nakilala siya dahil sa kanyang husay sa pag-arte, mapa-teleserye man o pelikula.
Coco Martin, Julia Montes and Katherine Luna / Photo credit to the owner

Nagsimula si Coco sa mga indie films at dito siya unang nakilala bilang isang actor at tinaguriang Prince of Indie films hanggang sa makapag-cross-over siya sa telebisyon at ngayon, kilala na bilang ABS-CBN’s Teleserye King.

Mas lalo pang nakilala si Coco at kalaunan ay naging palayaw na ang pangalang “Cardo” matapos ang matagumpay na teleseryeng “FPJ’s: Ang Probinsyano” kung saan siya rin ang director.

Ang “FPJ’s: Ang Probinsyano”, ay naging daan para sa mga dating artista na makabalik sa mundo ng showbiz. Binigyan sila ni Coco ng pagkakataong muling ipakita ang kanilang talento sa pag-arte.
Photo credit to the owner

Samantala, hindi lamang sa pag-arte nakilala si Coco dahil hindi maitatanggi ang angkin nitong kakisigan. Kaya naman maraming babae ang nahumaling sa kanya.

Isa na ito ay ang dating aktres na si Katherine Luna na nakasama ni Coco sa Indie Film na “Masahista” noong 2005.

Naging malapit ang dalawa at sinasabing nagkaroon umano sila ng relasyon. Noong mga panahon na yon rin nabuntis ang aktres.
Coco Martin and Katherine Luna / Photo credit to the owner
Katherine Luna / Photo credit to the owner

Sa isang interview ni Titoy Boy Abunda kay Coco, inamin niya na may nangyari sa kanila ni Katherine ngunit hindi sila nagkaroon ng relasyon.

“Nagsimula 'yon, nagkamali ako, bata. Mapusok, ito pala ang showbiz. Masaya, puno ng temptasyon. May nangyaring isang bagay na hindi maganda, tapos, nag-start na lahat dun.”

“Magkasama lang kami sa movie. Hindi ko siya girlfriend. Labas-labas, dala ng kabataan. May nangyari na hindi namin inaasahan pareho,” dagdag ni Coco.
Katherine Luna / Photo credit to the owner

Ikinuwento rin ng aktor kung papaano sinabi sa kanya ni Katherine na buntis siya.

“Noong time na sinabi niya sa akin na nagdadalang-tao siya, hindi ako nagtanong na parang akin ba ‘to? Ang sabi ko sa kanya, 'Ano ang gagawin natin? Ano ang maitutulong ko sa ‘yo?' Kasi, wala kaming relasyon."

“Ano pa ko non, college. Ang sabi ko pa, ano unang maitutulong ko, vitamins? Anong vitamins sa buntis? Kasi, 'yon ang unang naisip ko, pagkain.

“Na kailangan niya ng pagkain. Wala pa kong trabaho nun, paraket-raket lang ako sa mga pelikula, pa-indie-indie. Tapos 'yon, tutulungan ko siya sa abot ng makakaya ko.

“Noong akala ko, ganoon ang set-up namin, tutulungan ko siya sa abot ng makakaya ko kahit wala kaming relasyon. Pero kailangan kong panindigan kasi, sabi ko nga, ayokong maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko na walang nagga-guide sa akin kung hindi ang lola ko dahil separated ang parents ko.”

Aniya, sa lahat ng interview kay Katherine ay sinasabi nitong si Coco ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Kaya naman umani ng batikos at masasakit na salita ang aktor mula sa mga netizens.

“Sinabi niya sa lahat ng interview niya na 'Ang ama ng anak ko, si Coco Martin. That time, hindi pa ko kilala. Lahat ng panlalait, lahat ng masasakit na salita, inabot ko.”

“Sabi ko nga, nagsisimula pa lang ako, ang dumi-dumi na ng pangalan ko. Hindi pa ko nakikita ng mga tao kung sino talaga ko, sira na ko. Siyempre, kapag lalabas ako sa bahay, nakabuntis ka raw? Hindi mo pinapanindigan?”

“Hindi alam ng mga tao, kaakibat nun, inakusahan ako ng ganun, ginagawan ako ng responsibilidad ko.”

Dagdag pa ni Coco, hindi niya pinabayaan si Katherine. Kahit nang manganak ito ay nandoon pa rin ang aktor. Ngunit iba umano ang sinasabi ng aktres sa mga interview.
Coco Martin / Photo credit to the owner

“Ilang beses akong nag-try mula ng pagka-buntis niya. Hanggang ilang buwan yung dinadala niya sa tiyan. Hanggang sa nanganak siya, nandoon ako. Pero sa interview niya sa TV, wala ako,” sabi ni Coco.

“Ako naman, bilang lalaki, ayokong patulan. Ayokong i-defend ang sarili ko. Kasi, para sa akin, hindi ako ganoon, e. Hindi ko dapat i-defend ang sarili ko kasi, alam ko ang totoo.

“Hanggang sa dumating ang time na nanganak na siya. Nag-try ako, every time na ginagawa ko ang part ko, masasakit na salita ang sinasabi niya sa TV.”
Katherine Luna / Photo credit to the owner

“Hanggang sa dumating ang time na nagsu-shooting ako ng Born To Love You sa Luneta, dinala niya yung bata at saka yung lola.”

“Ang ginawa ko, kinausap ko sila. Ang gusto kong mangyari, kumbaga, ibigay ko ang pinaka-best ko sa magiging anak ko. Hanggang sa kinausap ko na ang lola na parang kung maaari, kung ibibigay nila sa akin para kahit paano, mabigay ko ang tamang guidance, mabigay ko ang pangangailangan niya.

“And then, sa sobrang excited ko, tinawagan ko ang manager ko, si Maderbibs (Biboy Arboleda) na Mader, sabi ko, kausap ko ang bata, puwede ko nang makuha ang bata.

“Sabi ni Maderbibs, parang teka lang, hindi ganoon kadali ‘yan. Kailangang idaan natin sa legal na situwasyon. Kung talagang gusto mo, kausapin natin. Ipa-DNA natin.”

Pumayag naman daw ang lola na ipa-DNA ang bata.

“Ang result, negative. Hindi ko anak ang bata,” sabi ni Coco.

Aniya, nasaktan rin daw siya sa naging resulta ng DNA test. 

 “Honestly, nasaktan ako dahil bumalik sa akin ang lahat ng nakaraan. Sabi ko nga, lahat ng salita na nakuha ko sa iba’t-ibang tao.”

“Pati lola ko, nahihiyang lumabas dahil napaka-iresponsable kong tao. 'Yon ang tingin sa akin ng mga tao.”

“At sana, naisip din niya ang bata. I’m sure, lahat ng kalaro niya, kapag napapanood niya ko sa TV, ‘yan ang Daddy ko. Parang hindi lang ako. Kumpara, ang laking damage ng nangyari.”

“On my part, gusto kong akuin ang bata. Siyempre, wala siyang kasalanan. Hindi ko rin alam kung ano ang puwedeng puntahan. Paano na ngayon, yung pinaka-inaasahan niyang hope, wala pala.”

Matagal ng nawala sa mundo ng showbiz si Katherine. Ang huling balita sa aktres ay nahuli ito kasama ang kanyang live-in partner dahil sa ipinagbabawal na gamot.


***
Source: PEP

Source: News Keener

wokes
Vice President ng Cornerstone Entertainment pinagtanggol Moira dela Torre

Ipinagtanggol ng isang executive sa Cornerstone Entertainment ang singer na si Moira dela Torre patungkol sa aniya’y paninira sa kanya.
Moira dela Torre, Jeff Vadilla at Lolito Go / Photo credit to the owner

Ayon kay Jeff Vadillo, hindi siya papayag na masira ang imahe at integridad ni Moira na dalawang dekada na umano niyang kilala.

Pinasinungalingan ni Jeff ang sinabi ng isang composer na si Lolito Go na 95% sa mga kanta ni Moira ay si Jason Hernandez ang nag-compose.

Inalmahan din niya na tinawag si Moira na manggagamit. 

“That statement is grossly inaccurate. Paubaya and Edsa were both composed by Jason (this is public knowledge. Actually Moira also helped In Paubaya), the other songs Ikaw at Ako, Pabilin, Patawad, Kumpas, Babalik Sayo, Patawad, Kumpas were composed by both by Moira and Jason (Moira even gave a bigger contribution to some of those songs). So as far as these songs are concerned, walang gamitan. Tawag diyan collaboration.”


***

Source: News Keener

wokes
PCOS: Sanhi, Sintomas, Paggamot 2023

PCOS-sanhi-Sintomas-Paggamot

Polycystic ovary syndrome (PCOS) ay isang hormonal na kondisyon na kung saan ang mga babaeng mayroon nito ay nagkakaroon ng mga hindi regular na menstruation, labis na produksyon ng androgen (hormonal na sangkap na kadalasang matatagpuan sa mga lalaki ngunit mayroon din sa mga kababaihan), at mga cyst o malalaking bato sa mga obaryo.

Ang eksaktong sanhi ng PCOS ay hindi pa lubos na nauunawaan, ngunit mayroong mga pangunahing mga kadahilanan na kadalasang kaugnay nito.

 Ang mga kadahilanan na ito ay maaaring magkakaugnay o nagkakasama:

  • Imbalance ng Hormon: Ang pagkakaroon ng hindi wastong pag-andar ng mga hormones tulad ng insulin, estrogen, progesterone, at androgen ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng PCOS.
  • Resistensya sa Insulin: Ang resistensya sa insulin ay isang kondisyon kung saan ang katawan ay hindi epektibo sa paggamit ng insulin. Ito ay maaaring maging isang salik sa pag-unlad ng PCOS.
  • Mga Factor sa Genetics: Mayroong genetikong komponente sa pagkakaroon ng PCOS. Kung may kasaysayan ng PCOS sa pamilya, maaaring mas mataas ang iyong panganib na magkaroon din nito.

Ang paggamot sa PCOS ay karaniwang nakasalalay sa mga sintomas at pangunahing mga layunin ng pasyente. 

Ang ilang mga pangunahing hakbang na karaniwang ginagawa ay ang sumusunod:

  • Pagbabago sa Estilo ng Buhay: Kasama dito ang pagpapayat kung may sobrang timbang, regular na ehersisyo, at malusog na pagkain. Ang pagkakaroon ng malusog na pamumuhay ay maaaring makatulong sa pagkontrol ng mga sintomas ng PCOS.
  • Gamot: Ang mga gamot na maaaring iprescribe ng doktor ay depende sa mga sintomas at pangunahing mga layunin ng pasyente. Ito ay maaaring kinabibilangan ng mga gamot na nag-aayos sa mga antas ng hormones tulad ng contraceptives, metformin para sa resistensya sa insulin, at anti-androgen medications para sa labis na produksyon ng androgen
  • Fertility Treatment: Kung ang pasyente ay nagpaplano ng pagbubuntis, maaaring kinakailangan ang mga pagsasailalim sa mga paggamot para sa pagpapabuti ng ovulation at pagpapababa ng antas ng androgen.
Mahalaga ring kumunsulta sa isang doktor o endocrinologist upang masuri at masuri ang iyong mga sintomas nang eksakto. Angkop na pagsubaybay at pangangasiwa ang kadalasang kailangan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga pasyenteng may PCOS 

Source: The Relatable

wokes Wednesday, May 17, 2023
Kumare, ginamit na palusot ang G-Cash upang hindi makapagbayad ng utang

Tila ginamit pang palusot ng isang babae ang pagkakaroon ng aberya ng G-cash noong nakaraang linggo upang hindi mabayaran ang utang nito.
Photo credit to the owner

Aniya, hindi raw niya mabuksan ang kanyang G-Cash account upang mabayaran ang halos isang taon na niyang utang sa kanyang kumare.

Sa Facebook post ng netizen na si Chung Dela Cruz Ubas, in-upload nito ang screenshot ng mensahe ng kanyang kumare.

Ayon sa mensahe, “Be di maopen GCash. Andun sana pambabayad ko sayo. Kinakabahan ako.”

Ayon naman kay Chung, mukhang nakahanap ng palusot ang kanyang kumare.

“Last year pa Yung utang mo mare . 🤣 Nakahanap pa ng palusot 🤣.”

Ayon sa mga netizens, dapat raw ay cash basis only ang pagbabayad ng utang.


***



Source: News Keener

wokes Sunday, May 14, 2023
Lee O’Brian, nagsalita na sa mga patutsada ni Pokwang

Photo credit to the owner

Sa wakas ay nagsalita na o nagbigay na ng reaksyon ang dating karelasyon ng komedyanteng si Pokwang na si Lee O’Brian.

Ilang buwan din itong nanahimik sa walang tigil na patutsada ni Pokwang sa isyu ng kanilang hiwalayan.

Hindi kagaya ng masasakit at maaanghang na pahayag mula kay Pokwang ang naging pahayag ng Amerikano sa isang panayam ng PEP sa kanya. Maayos at maikli lamang ito.

Aniya, hindi mawawala at mananatili sa kaniyang puso ang pagmamahal niya sa kanilang anak, gayundin sa nanay nito.

“All I can say is, I love my daughter more than anything in this world. And you know what, I always have love for the mother of my child because she brought my child into this world. And that’s my story. That’s all I can say. I hope for the best for everyone involved, the most for my daughter,” ani Lee ayon sa PEP.


***

Source: News Keener

wokes
Usapan ng isang architect at barat na customer, umani ng katatawanan sa mga netizens

Umani ng atensyon at katatawanan sa mga netizens sa social media ang usapan sa pagitan ng isang architect at customer na nagtatanong kung magkano ang blue print para sa disenyo ng kanyang bahay na ipapatayo.
Photo credit to the owner

Sa Facebook page na “Palacio Architectural Services”, ibinahagi nito ang screenshot ng naturang usapan.

Mababasa sa kanilang usapan ang pagtatanong ng customer kung magkano ang presyo ng architectural design para sa 150 square meters na lote.

Sagot naman ng arkitekto, ₱105k ang singil nila para sa 150 sqm floor area kasama na ang printing at revisions.

Tila namahalan ang customer sa presyong ibinigay ng architect. Sagot nito, ipapadrawing na lamang ito sa inaanak niyang Architecture student na libre pa.

“kamahal mo nmn pala maningil. ipa drowing ko na nga lang sa inaanak kong arcitec student libre pa. haha,” sabi ng customer.

“Ok ma’am I understand po. Just let me know if magbago po isip n’yo,” sagot naman ng arkitekto.

Ngunit tila humirit pa ng tawad ang customer, “Kaya ₱1500? hehe.

Komento naman sa FB page sa pamamagitan ng caption.

“Architectural design is no easy task. The structural integrity of any building lies in thorough planning and proper execution.”

“Trusting a licensed professional to design and build your house is just as important as getting the right doctor to perform surgery,” ayon sa caption.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

“Akala yata ng mga tao, drawing-drawing lang ang archi design hahaha.”

“Samin dito ₱35k design pa lang.. wala pa structural, plumbing, and electrical design na ‘yan.. mahal po talaga kasi hindi easy… I tried using online apps halos mabaliw ako hahahaha di ko keri.”

“She doesn’t have any true idea of the profession. We just have to manage when we have clients like this and maybe time for us to share what architect and architecture is.”

“Imagine you worked hard to pass every semester, years and years of studying, passed the board exam at magiging salary mo is 1500.”


***

Source: News Keener

wokes Sunday, May 7, 2023
Hindi pakikiramay ni Liza Soberano kay Ogie Diaz, kawalan ng utang na loob - Cristy Fermin

Para kay Cristy Fermin, kawalan ng utang na loob ang hindi pakikiramay ni Liza Soberano sa kanyang dating manager na si Ogie Diaz.
Photo credit to the owner

Kamakailan kasi ay pumanaw ang ina Ogie.

Limang araw na ibinurol ang ina ni Ogie ngunit hanggang sa mailibing ito ay walang natanggap na condolences mula kay Liza.

Hindi umano katanggap-tanggap ang ginawa na ito ni Liza lalo na at may pinagsamahan sila ni Ogie.

“Hindi ko alam kung bakit ni maiksi na condolences, isang salita ay hindi nakapagpadala itong si Liza Soberano kay Tito Ogie niya.

“Alam naman niya na isang dekada mahigit ang kanilang pinagsamahan. Alam naman niya na nabago ang estado ng kanyang buhay dahil sa tulong sa kanya ni Ogie Diaz,” lahad ni Cristy.

“Itong ginawa ni Liza Soberano, para sa akin, opinyon ko lamang po ito mga ka-chika. Hindi ko po kayo inaamuki na sumang-ayon sa akin. Hindi ko po kayo sinasabihan at pinapakiusapan na kampihan n’yo po ako.

“Para po sa akin ang ginawa ni Liza Soberano kay Ogie Diaz nung mamayapa ang kanyang ina ay kawalan ng utang na loob. Ito po ay para sa akin. Kawalan ng utang na loob sa mga tao o sa isang tao na tumulong at nagpabago ng kanyang buhay habang sila ay magkasama… Hindi ko matatanggap ‘yun Romel, hindi ko matatanggap talaga,” patuloy ni Cristy.

Maging ang boyfriend ni Liza na si Enrique Gil ay hindi rin nakiramay kay Ogie.


***

Source: News Keener

wokes Friday, May 5, 2023
Lolang na-stroke, pinapaampon ang alagang aso sa pamamagitan ng isang sulat

Masakit man sa kalooban ni lola Ignacia, mula sa Tondo, Maynila, na ipaampon ang kanyang pinakamamahal na alagang aso ay wala siyang magagawa dahil hindi na niya ito kayang alagaan pa matapos niyang ma-stroke.
Photo credit: AKF

“Na-stroke po ako at ito na lamang ang naisip kong paraan para isurrender siya. Sa sino man po ang makakakuha sa kaniya, sana ay mahalin at alagaan ninyo nang mabuti ang aso ko…”

Ayon sa Animal Kingdom Foundation (AKF), isang non-government organization, natanggap nila ang sulat ni Lola Ignacia kasama ang aso nito na nakasilid sa isang kahon.

“The letter was in the box, with the dog when found,” saad ng AKF.

Sa kanilang Facebook post ay ibinahagi ng AKF ang nakakaantig na sulat ni lola Ignacia.
Photo credit: AKF

“Humihingi po ako ng pasensya dahil ako ay may karamdaman at di ko na maalagaan ang aso ko na ‘di makatayo,” saad ni Lola sa kaniyang sulat.

Kwento ni lola, nag-utos lamang siya sa tricycle driver kung saan pwedeng ibigay ang kaniyang aso, at ibinilin dito na sana’y maipagpatuloy ng mag-aampon ang pagpapainom ng gamot ng kaniyang alaga.
Photo credit: AKF

Mababasa naman sa post ang sagot ng AKF sa sulat ni lola at sinabing nasa kanila na ang aso at nangakong, tulad ng kaniyang bilin, ay aalagaan nila ito nang maayos.

“Nakalulungkot na kailangan po ninyong gawin ito pero naiintindihan po namin ang iyong sitwasyon,” saad ng AKF.

“Ipagdadasal rin po namin kayo, na lumakas at gumaling. at kung sakali man, bukas po ang aming tanggapan upang inyong makasamang muli ang inyong mahal na alaga,” dagdag nito.
Photo credit: AKF

Dahil hindi raw nailagay ni Lola Ignacia ang pangalan ng kaniyang mahal na aso, tatawagin na muna raw ng AKF ito na “Tonton”. 

Nanawagan rin ang AKF na sana’y mahanap nila si lola Ignacia upang ma-update nila ito sa kalagayan ni Tonton.

Si Tonton ay dadalhin sa isang shelter sa Capas, Tarlac. 

Nangako rin ang AKF kay Lola na ipatitingin nila si Tonton sa doktor upang malaman ang dahilan ng kaniyang pagkaparalisa. 

Sa ngayon ay uambot na sa mahigit 17k reactions at 3k shares ang post ng AKF.


***

Source: News Keener

wokes Thursday, May 4, 2023
Delivery rider, isang oras naghintay sa kanyang customer habang tirik na tirik ang araw

Sa panahon ngayon ay usong-uso na ang online shopping at idedeliver pa mismo sa inyong bahay ang mga ordered items.
Photo credit: Bea Aspiras

Napakadali ng gawin ang lahat dahil halos lahat ay mayroon ng access sa internet. Ngunit mayroon talagang mga ilang insidenteng hindi natin inaasahan.

Samantala, naawa at nahabag ang isang netizen sa delivery rider na halos isang oras umanong naghihintay sa kanyang customer.

Sa Facebook post ni Bea Aspiras, sinabi nitong halos isang oras na niyang nakikitang naghihintay ang rider sa kanyang customer habang tirik na tirik ang araw.
Photo credit: Bea Aspiras
Photo credit: Bea Aspiras

Aniya, makikita mo raw sa mukha nito ang pagod ngunit paglabas ng customer ay nakangiti pa rin itong bumati.

Dagdag pa niya, may edad na rin daw ang delivery rider pero maayos pa rin nitong ginagawa ang kanyang trabaho.

Pakiusap ni Bea sana raw ay huwag sasaktan at mumurahin ang mga katulad nila. 

“respeto na lang sa trabaho nila," sabi ni Bea.

Sa ngayon ay umabot na sa 55k reactions at 21k shares ang post ni Bea.

Narito ang buong post ni Bea:

"Nakita ko si Manong rider sa labas ng ganito, almost 1hr din syang naghintay dun sa customer. Honestly, nakaka-awa talaga sila makitang ganito lalo na't pag nakita mo yung itsura nila na halatang pagod na. Nung lumabas yung Customer, Binati sya ni Manong nang nakangiti. And he's old na guys but still manage to do his job. Kudos to you Manong," saad ni Bea.

"Kaya guys, di nila deserve saktan at murahin. They're patiently waiting for us to get our order's, yung ibang customer lang talaga walang patience minsan. di po natin alam kung ano lagay nila sa kalsada, respeto na lang sa trabaho nila," dagdag niya.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:






***

Source: News Keener

wokes Wednesday, May 3, 2023
Seo Services