Rendon Labador, ipinagtanggol si Vice Ganda: “di porket bumili kayo ng ticket sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist”

Ipinagtanggol ng motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador si Vice Ganda sa isang isyung nangyari kamakailan kung saan pinagsabihan ng komedyante ang magdyowang humablot sa suot nitong wig habang nagpe-perform sa kanyang concert.
Photo credit to the owner

“Don’t do that. Don’t do that. That’s very disrespectful. You don’t do that. You have to say sorry to me.”

“You don’t do that, that’s very rude. I’m trying to give you a wonderful time but don’t hurt me. Di ba? That’s not right, we have to be friends here. Don’t hurt me,” aniya pa.

Maraming sumang-ayon kay Vice at nagsabing bastos nga raw ang mga humablot sa wig ni Vice kaya dapat lang silang i-callout. 

Pero may ilan naman ang nagkomento na hindi tamang ipahiya ang mga ito sa harap ng audience.

Anila, dapat raw ay hindi ipinahiya ni Vice ang mag dyowa dahil fans niya ang mga ito.

Kaya naman ipinagtanggol ni Rendon si Vice sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya sa Facebook.

Aniya, dapat irespeto pa rin ang “personal space” ng mga artista.

“Kayong mga tao ‘di porket bumili kayo ng ticket sa isang concert o sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist.

“Pumunta ka doon para manood sa show hindi para manabunot ng tao. Paano kung panot ‘yun, natanggal ‘yung buhok niya, eh sira ‘yung career niya,” ani Rendon.

“Hindi n’yo ba alam yung tinatawag na personal space? Trespassing ka eh! Mayroon kasing tinatawag na personal space tayong mga tao na kapag nag-step over kayo doon magkakaroon kami ng rights na protektahan din ang aming sarili.”

Ipinagdiinan pa ni Rendon na dapat maging accountable ang mga tao sa kanilang mga ginagawa at sinasabi, lalo na kung meron nang nasasaktan at nagrereklamo.

“Dapat kayong mga tao, accountable kayo doon, alam n’yo din ang mga limits ninyo. Kasi si Vice hindi naman niya ‘yan nakuha nang basta-basta.

“Pinaghirapan niya (Vice) ‘yung pangalan niya. Nagpaganda ‘yan, nag-prepare ‘yan, para mabigyan kayo ng entertainment,” ang punto pa ni Rendon.


***
Source: Bandera

Source: News Keener

No comments

Seo Services