Jennica Garcia, emosyonal matapos makabili ng aircon at water heater

Idinaan ng aktres na si Jennica Garcia sa social media ang kanyang emosyonal na mensahe sa anak na si Mori dahil sa wakas ay makakabili na siya ng kanilang aircon at water heater.
Photo credit to the owner

Kwento ni Jennica, umabot rin ng sampung buwan na gumigising sila ng pawis na pawis dahil sa sobrang init.

"Nanay is getting emotional because I'm heading to the mall tonight to buy aircon and a water heater for our bathroom. Pagpahingain na natin yung electric fan, 10 months na tayong lapot gumigising. Wag na natin paubitin ng isang taon."

"Hindi na rin ako ulit mag iinit ng tubig para isalin sa balde panligo niyo pag malamig ang panahon.Anytime gusto niyo maligo, GO! Wala ng antayan. Nanay got this kids! Buhat ko kayo lagi."


***



Source: News Keener

wokes Sunday, April 30, 2023
Top 7 Different Kind of Sheep Breeds 2023 Overview

 Top-7-Different-Kind-of-Sheep-Breeds

Sheep have been domesticated by humans for thousands of years, and there are now hundreds of different breeds of sheep around the world. Each breed has its own unique characteristics, including their size, coat type, and even their personalities. In this article, we will explore some of the most popular breeds of sheep and what makes them special.

1. Merino Sheep

Merino-breed-of-sheep

Merino sheep are one of the most famous breeds of sheep in the world. Originally from Spain, these sheep are now bred in many countries, including Australia, New Zealand, and South Africa. Merino sheep are prized for their soft, fine wool, which is used to make high-quality clothing and textiles.

Merino sheep are medium-sized with white or cream-colored wool. They are well-suited to living in hot, dry climates and can survive in areas with little rainfall. Merino sheep are also known for their hardiness and resistance to disease, making them a popular choice for farmers.

2. Dorset Sheep

Doorset-breed-of-sheep

Dorset sheep are a breed of domestic sheep that originated in England. They are medium-sized with white wool and are known for their friendly and docile personalities. Dorset sheep are often raised for their meat and are popular among farmers because they are easy to handle and care for.


Dorset sheep are also known for their reproductive abilities. They are able to breed out of season, which means they can produce lambs year-round. This makes them a popular choice for farmers who want to maximize their profits.

3. Hampshire Sheep

hampshire-breed-of-sheep

Hampshire sheep are a breed of sheep that originated in Hampshire, England. They are a large, muscular breed with black faces and legs and white wool. Hampshire sheep are primarily raised for their meat, which is flavorful and tender.

Hampshire sheep are known for their hardiness and adaptability. They can thrive in a wide range of climates and are able to tolerate both hot and cold temperatures. Hampshire sheep are also known for their strong maternal instincts and are often used to raise orphaned lambs.

4. Border Leicester Sheep

Border-Leicester-breed-of-sheep

Border Leicester sheep are a breed of sheep that originated in the border region between England and Scotland. They are a medium to large-sized breed with white wool and are known for their high-quality fleece.

Border Leicester sheep are also known for their good mothering abilities. They are able to produce plenty of milk to feed their lambs and are often used to raise orphaned lambs. Border Leicester sheep are also a popular choice for crossbreeding because they produce strong, healthy lambs.

5. Suffolk Sheep

Suffolk-breed-of-sheep

Suffolk sheep are a breed of sheep that originated in England. They are a medium to large-sized breed with black faces and legs and white wool. Suffolk sheep are primarily raised for their meat, which is lean and flavorful.

Suffolk sheep are known for their hardiness and adaptability. They can thrive in a wide range of climates and are able to tolerate both hot and cold temperatures. Suffolk sheep are also known for their fast growth rates, which makes them a popular choice for farmers who want to raise lambs quickly.

6. Jacob Sheep

Jacob-breed-of-sheep

Jacob sheep are a breed of sheep that originated in England. They are a medium-sized breed with distinctive black and white wool. Jacob sheep are primarily raised for their wool, which is used to make high-quality textiles.

Jacob sheep are known for their hardiness and resistance to disease. They are able to thrive in harsh environments and are often used for conservation grazing. Jacob sheep are also known for their unique personalities and are often kept as pets.

7. Icelandic Sheep

Icelandic-breed-of-sheep

Icelandic sheep are a breed of sheep that originated in Iceland. They are a small to medium-sized breed with wool that comes in a variety of colors, including black

Source: The Relatable

wokes Saturday, April 29, 2023
Rendon Labador, ipinagtanggol si Vice Ganda: “di porket bumili kayo ng ticket sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist”

Ipinagtanggol ng motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador si Vice Ganda sa isang isyung nangyari kamakailan kung saan pinagsabihan ng komedyante ang magdyowang humablot sa suot nitong wig habang nagpe-perform sa kanyang concert.
Photo credit to the owner

“Don’t do that. Don’t do that. That’s very disrespectful. You don’t do that. You have to say sorry to me.”

“You don’t do that, that’s very rude. I’m trying to give you a wonderful time but don’t hurt me. Di ba? That’s not right, we have to be friends here. Don’t hurt me,” aniya pa.

Maraming sumang-ayon kay Vice at nagsabing bastos nga raw ang mga humablot sa wig ni Vice kaya dapat lang silang i-callout. 

Pero may ilan naman ang nagkomento na hindi tamang ipahiya ang mga ito sa harap ng audience.

Anila, dapat raw ay hindi ipinahiya ni Vice ang mag dyowa dahil fans niya ang mga ito.

Kaya naman ipinagtanggol ni Rendon si Vice sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya sa Facebook.

Aniya, dapat irespeto pa rin ang “personal space” ng mga artista.

“Kayong mga tao ‘di porket bumili kayo ng ticket sa isang concert o sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist.

“Pumunta ka doon para manood sa show hindi para manabunot ng tao. Paano kung panot ‘yun, natanggal ‘yung buhok niya, eh sira ‘yung career niya,” ani Rendon.

“Hindi n’yo ba alam yung tinatawag na personal space? Trespassing ka eh! Mayroon kasing tinatawag na personal space tayong mga tao na kapag nag-step over kayo doon magkakaroon kami ng rights na protektahan din ang aming sarili.”

Ipinagdiinan pa ni Rendon na dapat maging accountable ang mga tao sa kanilang mga ginagawa at sinasabi, lalo na kung meron nang nasasaktan at nagrereklamo.

“Dapat kayong mga tao, accountable kayo doon, alam n’yo din ang mga limits ninyo. Kasi si Vice hindi naman niya ‘yan nakuha nang basta-basta.

“Pinaghirapan niya (Vice) ‘yung pangalan niya. Nagpaganda ‘yan, nag-prepare ‘yan, para mabigyan kayo ng entertainment,” ang punto pa ni Rendon.


***
Source: Bandera

Source: News Keener

wokes Monday, April 24, 2023
Working student, inulan ng papuri at paghanga matapos isauli ang perang nakita sa ATM machine

Anong gagawin mo kapag may biglang pitong libong piso na lumabas sa isang ATM machine kahit na hindi mo pa ito ginagamit?
Jeanette Cortez Real / Photo credit from her Facebook account

Umani ng papuri at patuloy na hinahangaan ng mga netizens ang katapatan ng isang working student mula sa Bacoor, Cavite matapos niyang isauli sa bangko ang perang nakita niya sa ATM machine.

Kwento ni Jeanette Cortez Real, isang estudyante at call center agent, magwiwithraw sana siya ng pera noon sa ATM machine, ngunit hindi pa niya naipapasok ang kanyang card ay bigla raw may lumabas na pera.

Noong una raw ay hindi alam ni Jeanette kung magkano ang lumabas na pera sa ATM. Maya-maya ay lumabas na rin ang resibo at doon niya nalaman na nasa P7900 ito.
Photo credit from Jeanette Cortez Real Facebook account
Photo credit from Jeanette Cortez Real Facebook account

Nung una hindi ko alam kung magkano siya kasi hindi ko siya agad binilang, parang napalingon muna ako sa paligid ko sabi ko hala kaninong pera to,” sabi ng honest working student.

“May lumabas na resibo, tapos pagtingin ko sa resibo nakita ko yung amount po, tapos sabi ko hala medyo malaki ‘to,” dagdag niya.
Photo credit from Jeanette Cortez Real Facebook account
Photo credit from Jeanette Cortez Real Facebook account

Dahil hindi niya alam kung ano ang dapat gawin sa pera, minabuti niyang i-turn over ito sa pinakamalapit na branch ng Bangko.

Inasikaso po agad ako tapos sabi po nila sa akin, sila na daw po bahala,” sabi ng matapat na netizen.

Ipinost rin niya sa social media ang nangyari at nagbabakasakaling mabasa ito ng mag-ari ng pera. 

Mabilis na nag-viral ang post ni Jeanette at dito na siya dinumog ng mga mensahe ng papuri at paghanga.

Kung tutuusin ay pwedeng itago o kunin na lamang ni Jeanette ang perang nakita dahil makakatulong ito sa kanyang pag-aaral. Ngunit aniya, 
Photo credit from Jeanette Cortez Real Facebook account

“‘Yung may ari po noon, alam ko pong marami rin siyang pinagdaanan para makuha ‘yung pera na ‘yun so parang kung aangkinin ko siya, parang ang laking konsensya po yun.” 

Basahin ang buong post sa ibaba:

“PA SHARE PO NG POST PLEASE!!! 

Kaninang umaga sa SM BACOOR around 9:00 AM, mag wiwithdraw sana ako ng pera sa ATM sa labas ng SM BACOOR . Bago ako mag withdraw, may lumabas na pera sa machine (security bank) na nasa 7,900 pesos at my resibo din. Nagulat ako hindi ko alam kung kanino dahil hindi namin napansin ng ate ko yung unang taong gumamit ng machine bago ako mag withdraw. Lumapit ako sa guard para sabihin yung nangyare at ibigay yung details ko para kung sakaling may mag hanap ng pera, Sinabi ko na din sa guard na sa Banko ko nalang ituturn over yung pera since my resibo din na kasama kasi para matrace nila. Pumunta agad ako ng Security Bank Imus malapit sa LTO para iturn over ang pera dahil alam ko na matatrace nila kung sino ang may ari ng account at para maibalik ng maayos sa kanila. Sabi naman sa bangko na nakausap ko sila na daw bahala mag adjust for sure kasi my magrereklamo na na debit sila. at para na din secured at sure na maibabalik ito sa totoong may ari dahil hindi natin alam ang pinagdadaanan ng bawat tao, at kung para saan gagamitin ang pera. base sa resibo na lumabas sa machine, 96 pesos na lang ang balance ng bangko ng may ari at maaaring huling pera na niya ito. Please pa share po ng post baka sakaling makita to ng kung sino man yung nag withdraw kanina sa labas ng sm baka akala niya walang laman yung machine kaya umalis agad siya. 

 MARAMING SALAMAT PO.”


***

Source: News Keener

wokes
Isang security guard, kasama ang anak sa duty para maalagaan

Ang pagmamahal ng isang magulang sa kanilang mga anak ay walang kapantay. Kahit hirap na sila sa kanilang pagtatrabaho ay hindi nila maaaring pabayaan ang mga ito.
Photo credit: Jeff Magno

Kung tutuusin ay napakahirap magtrabaho habang may batang inaalagaan dahil nahahati ang iyong atensyon.

Subalit marami pa rin ang gumagawa nito. Hindi dahil sa gusto nila, kundi dahil wala naman silang magawa dahil sa sitwasyon. Katulad na lamang ng isang security guard sa isang pawnshop na ibinahagi ng netizen na si Jeff Magno.

Kwento ni Jeff, nakapila siya sa loob ng pawnshop kasama ang pamangkin ng mapansin niya ang security guard at isang bata.

Dahil na-curious siya, tinanong ni Jeff ang security guard at mas lalong naantig ang kanyang puso sa nalaman. 
Photo credit: Jeff Magno
Photo credit: Jeff Magno

Nalaman ni Jeff na may sakit pala ang bata at ipinanganak pala itong pre-matured.

Wala raw talagang mag-aalaga sa bata kaya naman ang naging solusyon ng ama ay dalhin na lamang ang kanyang anak sa trabaho upang mabantayan ito at maalagaan.

Mabilis namang kumalat na parang apoy sa social media ang kwento ng mag-ama. Maraming netizens ang humanga sa security sa pagiging huwarang ama nito. 
Photo credit: Jeff Magno

Marami rin ang pumuri sa may-ari ng nasabing pawnshop dahil naiintindihan niya ang kalagayan ng security guard. 

Narito ang buong post ni Jeff:

“Share ko lang po.

Kaninang tanghali sa Cebuana Lhuillier sa Pacita branch habang kami ay nakapila ng aking pamangkin naantig ang puso ko sa isang security guard na may bitbit na bata habang sya'y naka duty. Tinanong ko si manong guard kung may sakit ba yung anak nya, ang sabi nya saakin pinanganak kasing pre-matured ang anak nya kaya matamlay ito. Nabilib lang ako sa kanya dahil sinisikap nyang pagsabayin ang kanyang trabaho at pag-aalaga sa kanyang anak. Saludo ako sayo manong guard napakabuti mong ama!”

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:

"Kudos din po dun sa employer ni manong guard kc naiintindihan ang sitwasyon nya at pumayag na magduty si manong kasama ang anak nya..," sabi ni Angela Villanueva Bañaga.

"Saludo aq sau isa kang dakilang ama sa totoo lang d aq mahilig mag comment sa ganitong post kaso sau manong napabilib mo q.. Ramdam kita kung nasa ganyan din ang kalagayan ng anak q...," sabi ni Benedict Sungalon.

"Sana may mga ama pang kagaya mo manong guard saludo aq sau godbless u po sa pagiging mabuting ama sa anak mo..," sabi ni Ariana Cassandra.

"Wow ang galing ni kuya talaga napakabuti at dakilang tatay sana marami pa ang katulad mo sana ingatan kau ng ating PAPA JESUS sa araw2 u na pag ttrabaho. May God bless u always," sabi ni Melinda Garcia.

"Ang hirap nyan..paano kung may mga masasamang loob na sumasalakay..eh imbes na dinala sa work para maalagaan..tuloy mapahamak pa kayo nyan..kuha ka nalang ng yaya I suggest," sabi naman ni Kieshameomy Grapes.

"2 thumbs din aq sa may ari ng Cebuan Lhuillier dahil ok lang sa kanila na kasama ni manong guard sa kanyang duty ang kanyang anak. At kay manong guard at sa kanyang pamilya wag kaung mawalan ng pag asa lagi lang manalangin sa DIYOS, at mag tiwala sa kanya. God bless po.!" sabi ni MJohnny De Leon.


***

Source: News Keener

wokes Sunday, April 23, 2023
Kilalanin ang bilyonaryong nobyo ng aktres na si Sue Ramirez

Mula sa pamilya ng mga negosyante at politiko ang nobyo ng aktres na si Sue Ramirez. Siya ay si Javi Benitez, anak ni Alfredo “Albee” Benitez na consultant ng provincial government ng Negros Occidental.
Photo credit to the owner

Si Javier Lopez Benitez or mas kilala bilang si Javi Benitez ay ipinanganal noong ika-8 ng Oktubre 1994 sa Quezon City.

Nakilala si Javi sa mundo ng showbiz at napasama sa isang sports-themed show sa Studio 23 na ‘Sports Kid.”

Panandaliang nagpahinga sa showbiz si Javi upang ipagpatuloy ang kanyang pagaaral. Bumalik ito taong 2016 sa TV segment na ANC’ Game Changer.
Javi Benitez / Photo credit to the owner
Javi Benitez and Sue Ramirez / Photo credit: Sue Ramirez IG

Di nagtagal ay napabilang rin ito sa mga talents ng Kapamilya Network. Isa si Javi sa cast ng teleseryeng pinagbidahan ni “Angel Locsin” na ‘The General’s Daughter’.

Isang businessman ang role ni Javi sa nasabing teleserye.  Bukod pa rito ay nabigyan ng pagkakataon si Javi na bumida sa sarili nitong pelikula na “Kid Alpha One”.

Ang ama ni Javi ay chairman ng Leisure & Resorts World Corp., at ang nagmamay-ari ng Brightlight Productions na tinatayang may multi-million dollar deal sa GMA
Javi Benitez and Sue Ramirez / Photo credit: Sue Ramirez IG

Nagkakilala sina Sue at Javi noong naghahanap ang aktor na kanyang leading lady para sa pelikulang ginagawa ng Brightside productions.

Isang kaibigan naman ni Javi ang nagrefer kay Sue ngunit hindi ito tinanggap ng aktres dahil busy ang kanyang schedule. Gumawa naman ng paraan si Javi at nagpasyang pumunta sa concert Sue.

Di nagtagal ay nauwi sa pagiibigan ang dalawa, na inamin nila sa publiko noong August 2020. Ayon sa dalawa, hindi naman nito dineny ito.

Ayon kay Javi, “Hindi kami nag-deny. Kasi ‘pag totoo, tsaka mahal mo yung tao, kailangan sabihin mo sa mundo.”


***
Source: Viral Splash

Source: News Keener

wokes
32-year-old na construction worker, pasok sa Top 10 Certified Public Accountant Licensure Exam (CPALE)

Marami ang humanga at bumilib sa isang construction worker matapos nitong mag top 10 sa nakaraang 2022 Certified Public Accountant Licensure Exam (CPALE) ay may average na rating na 87.50 percent.

Tunay nga namang ang kasipagan ay susi sa tagumpay.
Photo credit to the owner

Si Butch Warren Hojas, 32-year-old, ay pitong taong construction worker at 4 na taong OFW. Aminado siya na nagdalawang isip siyang matapos ang kolehiyo dahil sa kanyang edad.

Ngunit dahil sa kanyang pangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan, sinubukan niyang ipagpatuloy ang pag-aaral.

At first I was hesitant to continue studying because I was out-of-school for 11 years already. Baka kinakalawang na yung utak ko, baka hindi ko kayang sumabay sa mga k-12 graduates. Pero nagpasya ako na pa gandahin yung buhay ko pati na sa pamilya ko kaya itinuloy ko yung pag-enroll sa kolehiyo.”

Kwento niya, talagang nagpursige siya sa pag-aaral. Wala siyang ibang inintindi kundi ang mag-aral at magtrabaho.

Kahit sa kanyang birthday at mga holidays o special occasions ay nanatili siyang consistent sa pag-aaral.

Pinangarap ko talagang maging CPA kung kaya yung pagsisikap ko ganun na lang.”

Muntik na rin daw siyang matigil sa pag-aaral nang magkaroon ng anak. Naisip niyang tumigil upang makapag focus sa pagtulong sa kanyang pamilya. Ngunit ang kanyang determinasyon na makatapos ang nagtulak upang mas lalong magsumikap.

Pero talagang hindi ko sinuko yung pangarap kong maging isang ganap na CPA lalo't malapit ko na itong maabot. Kaya nagpasya kami ng asawa ko na iwan muna yung aming anak sa mother niya. Dahil sa pagkakataon na binigay sa akin ng asawa ko na makapag-focus sa paghahanda para sa board exam ay sinigurado ko na magiging kontento ako sa preparasyon ko para sa board exam,” ani Butch.

“Literal na binigay ko lahat simula umpisa nong mag-accountancy ako. I did it so that I can honestly say to myself na ginawa ko lahat at wala akong pagsisihan no matter the result of CPALE,” dagdag niya.

Sa huli ay nakamit ni Butch ang matapos na tagumpay. Nagtapos siya sa University of the Visayas-Cebu City.

Isa siya sa topnotcher mula sa 1,722 na pumasa sa 6,665 na examiness noong October 2022 CPALE.


***

Source: News Keener

wokes Saturday, April 22, 2023
Batang basurera noon, CEO na ngayon ng sarili niyang business.

Ang batang nangangalakal o namumulot ng mga basura noon sa Payatas, Quezon City, para kumita at may makain ay isa ng successful business woman ngayon.
Photo credit: Google and Joy Binuya

Si Joy Binuya, 30, ay isa ng distributor ng beauty essentials at mayroon siyang labing-apat na staff members, kabilang na ang kanyang mga kapatid.

Dahil sa pagsisikap ay marami ng natupad at unti-unting ng naabot ni Joy ang kanyang bawat pangarap. Nag-focused siya sa pag-iipon at hindi naging maluho dahil alam niyang ang halaga ng bawat pisong kinikita.

Sa ngayon ay nakabili na siya ng isang condominium unit. Naipagawa at naging two stories na rin ang kanilang bahay na dati ay halos magiba na at tumutulo tuwing umuulan.
Photo credit: Joy Binuya
Photo credit: Joy Binuya

Noong 2019 ay napag-aral niya ang kanyang sarili sa kolehiyo at nagtapos na magna cum laude.

Ngunit bago niya nakamit ang lahat ng ito ay hindi biro ang hirap at sakripisyong pinagdaanan niya at ng kanyang pamilya.

Sa isang article ng PEP.ph, inilahad nila ang success story ni Joy gamit ang Facebook post nito na may pamagat na “BASURERA TURNED CEO" at ang kanilang naging interview noong Oktubre 07, 2021.

Kwento ni Joy, salat sial sa buhay noon at noon at nakatira malapit sa Payatas, Quezon City. Panlima siya sa anim na magkakapatid.

Aniya, bata pa lamang siya ay marami na siyang pinagdaanang pagsubok at mulat na siya sa kahirapan.
Joy Binuya / Photo credit: PEP

“I was 5 years old when my father died from heart attack... Wala kahit pisong naiwan sa amin. Yung nanay ko naman, walang trabaho that time and buntis pa sa bunso namin."

Kahit anong trabago raw ay pinapasok ng kanyang ina ina para matustusan silang magkakapatid.

She thought of many ways to earn like gumawa ng basahan, mag-manikurista, mananahi, and yung pinaka naging work niya is pamamasura,” sabi ni Joy.

Mula 1996 hanggang sa ipasara ang dumpsite, ang main source of income daw nila ay pangangalakal ng basura.

Yes, sa pamamasura kami nabuhay at nakapag-aral,” saad niya.

Sa panahong iyon, bagamat hangad niyang makatapos ng college, hindi siya sigurado kung mangyayari ito.

Malungkot kapag nakikita mo yung mga kasabayan mo nagtapos ng high school, nakakasakay mo, naka-uniform na pang-college…Tapos ikaw nakapang-saleslady.”

Hindi naman daw niya minamaliit ang trabahong saleslady dahil ito ang kanyang naging trabaho sa maraming taon.
Photo credit: Joy Binuya

Nang makatapos raw ng high school ang kanyang ate at kuya, mas pinili ng mga ito ang magtrabaho para tulungan ang kanilang ina sa pamamagitan ng pangangalakal.

Ako naman din tumutulong sa kanila pagkagaling ko from school. Naghahatid ako ng pagkain. Umaakyat ako sa bundok ng basura kahit ang init-init. Hehe. Tumutulong din ako magpili ng kalakal, bakal, sibak, panta, etc. Puwede nga ako mag-work [sa] junk shops, eh, haha, charot,” natatawang kwento ni Joy.

Grade 4 nagsimulang tumulong sa kanilang ina si Joy sa pangangalakal. Hanggang sa pagtungtong niya ng high school ay tumutulong pa rin siya kasama ang mga kapatid.

Taong 2008 nagtapos ng high school si Joy, gaya ng kanyang mga kapatid, nagtrabaho siya upang makatulong sa kanilang pamilya.

After high school, habang bakasyon pa at wala pa mahanap na trabaho, pumasok akong tindera sa mga tiyangge. 
Yung may ‘WANTED TINDIRA’ ganun."

Pinapatungan niya ang ibinebentang timba, walis, at tabo para sa kanya raw mapunta ang tig-PHP20.

Biro ni Joy, “Hahaha. Sorry po. Nakatulong naman kayo sa akin po. Hehe.
Photo credit: Joy Binuya
Photo credit: Joy Binuya
Photo credit: Joy Binuya

Kapag kayang sumama sa kanila, umaakyat pa din ako sa dumpsite,” sabi niya.

Pagsapit ng high school, suwerte siyang naging scholar sa programa noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ngunit kailangan pa rin magtipid dahil gipit na gipit sila.

Aniya, “Elementary and high school, isa lang uniform ko. Wash and wear pa. ’Tapos wala pa kaming plantsa haha.

Tuwing recess ay humihiwalay si Joy sa kanyang mga kaklase.

Kunwari bababa sa canteen, pero wala namang pambili. Magpapatagal lang kasi nakakahiya naman mag-stay sa room na sila kumakain, ‘tapos ako wala."

Kapag tinatanong siya ng mga kaklase pagbalik sa classroom, sasabihin raw ni Joy na kumain siya ng biscuit “kahit wala naman talaga.

Limang piso raw ang baon niya, pero dahil gustong makaipon para makabili ng work books, maglalakad na lang siya pauwi.

Lagi ko inuuna bilhin [ang] MATH work book. Kahit wala na ako ng iba basta may Math ako.”

Pagdating naman sa ibang work books, sinusulat niya ang mga ito sa yellow pad paper dahil wala siyang pang-xerox.

Tiyaga lang kahit laki na ng kalyo ko sa kamay.”

Isang Chinese ang kanyang boss noon at PHP100 kada araw ang sahod niya. Makalipas ang tatlong buwan ay nagpaalam na siya dahil mag-aapply siya bilang saleslady sa isang kilalang mall.

Hindi raw makakalimutan ni Joy ang pang-iinsulto at pangmamaliit na sinabi sa kanya ng kanyang amo nang magpaalam siya.

“Sabi niya, ‘Akala mo matatanggap ka dun, high-school grad ka lang. Sige, mag-apply ka dun sa inaasam-asam mong SM!’

Dugtong ni Joy, “At natanggap na nga ako sa SM, dito na ako nabulok. Hehe charot.”
Photo credit: Joy Binuya

Mula 2009 hanggang 2013, nagpaikot-ikot si Joy bilang saleslady at clerk.

“Lahat na ata ng branch ng SM na-assign na ako. Andiyan yung mumurahin ka ng customer, mamaliitin ka, duduruin ka. Akala niyo okay kami, no? Kasi kuntodo makeup ‘tapos nakatakong pa. Deep inside wala nang pera iyan. Nakasangla pa ATM. May 5-6 pa,” kwento niya.

“Every night pag uuwi, umiiyak ako bago matulog kasi paulit-ulit na lang, walang nagbabago hindi ka masaya. So, dun lang umikot yung ilang taon ko. Endo [end of contract], apply. Endo, apply,” dagdag niya.

Dumating rin daw yung pagkakaraon na “feeling down na down” na siya at “parang wala nang patutunguhan yung life ko.”

Dumaan siya sa St. Peter Parish: Shrine of Leaders sa Commonwealth, Quezon City, at doon ibinuhos ang lahat ng kanyang luha.

I’m telling Him that, ‘Lord, I'm tired. Ang dami ko pa pong pangarap. Kayo na po bahala sa akin if ano mang plano Niyo po para sa akin.’ Alam mo, true enough na ibibigay ni Lord yung pinagdadasal mo. Just learn to wait. Hindi mo alam kasi bigla na lang at di mo inaasahan,” saad niya.

Taong 2014, nagdesisyon si Joy na pasukin ang “drop-shipping” ng beauty products kahit na wala siyang puhunan.

"Kumbaga, nagbebenta lang ako para doon sa iba, pero parang ako yung parang middle man nila. Reseller ka, pero wala kang onhand [money]. Taga-post ka lang, pero tumatanggap ka ng payment, ganoon. Doon ako nakaipon.”
Photo credit: Joy Binuya

Kuwento niya, “I bought phone, ‘tapos napansin ko yung opportunity ng social media kasi sobrang daming nag-o-order online. So I tried maging reseller. Wala akong puhunan except may cp [cellphone], load for internet, and sipag. May mga times na utang pa, but it’s okay, nagsisimula pa lang, e.”
 
Kumikita ako ng 20 pesos, masaya na ako. Iipunin ko then pag lumaki, magdadagdag ako ng ibebenta. Until nakaipon ako. Kasi ang bilis nakaipon. Ang lakas kasi. Nung 2014, wala pa masyadong nagbebenta ganoon, so, ang bilis kong nakaipon,” dagdag niya.

Taong 2015 nang magdesisyon si Joy na ipagpatuloy ang pag-aaral kasabay ang pagtatrabaho. Nag-enroll siya sa National College of Business and Arts sa Fairview, Quezon City.

Una, nagdadalawang-isip pa ako talaga kasi feeling ko nabobo na ako. Feeling ko mangungulelat na ako.”

Anim hanggang pitong taon kasi nang mahinto siya sa pag-aaral.

Pero siyempre, DREAM ko talaga ito. So, grab ko na."

Kumuha siya ng Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management.

Aniya, “First choice kong course was Accountancy, pero dahil feeling ko nga nabobo na ako, pinili ko mag-BSBA dahil magagamit ko din naman sa business."

Naging qualified din siya para sa scholarship kaya sinunggaban din niya ito.

Nagpursige ako kasi makakabawas din yun sa gastos kasi less sa tuition."

Hindi rin naging madali ito dahil dala-dala niya ang mga products papuntang Cubao na siyang drop-off point, bago siya papasok sa school.

Study and doing business at the same time. Mahirap pero dahil gusto mo yung ginagawa mo, hindi mo iniinda yung hirap. I was so blessed kasi di ako pinabayaan ni Lord.”

Sa paglago ng kanyang negosyo, nag-on-hand na si Joy at binitawan na ang drop-shipping.

Maliit lang nung 2015. Habang nag-aaral ako, lumalago na siya. Meron na akong [pera], bumibili na ako ng products na bulk. May discount na ako, kaya ako na mismo nagsi-ship ng items. Galing na mismo sa akin. Hindi na siya galing sa supplier,“ sabi niya.

Taong 2019, nakapagtapos na si Joy bilang magna cum laude.
Photo credit: Joy Binuya

Ani Joy sa kanyang post, “Ngayon, graduate na ako. Lahat ito pinaghirapan ko. Kaya alam niyo na bakit ganun na lang ako kasipag, bakit nagagalit ako sa ibang taong walang pagpapahalaga sa pag-aaral nila.”

Hindi lang naman pera ng magulang ninyo ang sinasayang niyo, kundi nasasayang din yung tinuturo ng guro ninyo sa inyo.”

Sana raw ay bigyang halaga ng mga estudyante ang pagkakataon nilang makapag-aral.

“Mas maraming deserving na sana nasa posisyon ninyo, pero kayo ang inilagay diyan, kaya you should be thankful,” aniya.

Ang sarap sa feeling na napagtapos mo yung sarili mo. Sobrang laking achievement.”

Pagkagraduate ay nakapasok si Joy bilang fiscal clerk sa Supreme Court. Isinabay rin niya ang kanyang negosyo.

Hanggang sa tumama ang pand3mya, pero patuloy ang paglago ng kanyang negosyo.

Pagkatapos ng anim na buwan, nagbitiw na siya bilang clerk at nagfocus sa pagbebenta ng kanyang beauty products.

Anim na taon na ang kanyang negosyong Clarity Essentials at patuloy ang paglago nito sa gitna ng pand3mya.
Photo credit: Joy Binuya

Nakagpatayo rin siya ng office sa kanilang bahay, “Dito lang din sa house namin, nagpagawa ako ng sariling office, ‘tapos work place."

Labing apat ang kanyang empleyado, kabilang dito ang kanyang mga kapatid.

Ang kanilang mga produkto ay idini-deliver sa pamamagitan ng dalawang kilalang online shopping and selling services sa bansa at pati na rin via Facebook.

Online po kasi siya, e. Araw-araw may order. May manufacture po kami [ng products]. Sila po talaga kuhaan namin.

Payo ni Joy sa mga katulad niyang may pangarap sa buhay, “’Wag ka lang mag-quit. May goal ako kahit di ko alam paano makakamit siya noon. ‘Tapos pray lang ako nang pray. Tapos biglang 360, biglang ikot mo ganito na siya. Kasi kailangan may goal ka, kahit di mo alam kung paano mo siya maa-achieve. Tsaka ayun, pray, pray, pray. Masipag lang ako magdasal.


***
Source: PEP

Source: News Keener

wokes
Seo Services