Limang taong gulang na batang babae, araw-araw hinahatid sundo ang amang bulag papasok sa trabaho

Mabilis na nag-viral sa social media ang makabagbag-damdaming video ng isang 5-year-old na batang babae kasama ang kanyang ama.
Photo credit to the owner

Sa video ay mapapanood kung papaano inaalalayan ni Jenny sa paglalakad ang kanyang bulag na ama gamit ang stick papasok at pauwi sa trabaho nito.

Kinilala ang tatay ni Jenny na si Nelson “Dodong” Pepe.

Sa isang niyugan nagtatrabaho si tatay Nelson at kinakailangan umano nitong makaakyat ng 60 na puno ng niyog upang kumita ng P300 sa isang araw.
Jenny at tatay Nelson / Photo credit to the owner
Jenny at tatay Nelson / Photo credit to the owner

Sa larawan ay makikita rin na walang suot na tsinelas ang mag-ama habang binabaybay ang mabato at matarik na daan.

Marami ang naantig sa video ng mag-ama at maraming netizens at pribadong organisasyon ang nagnanais na tulungan sila.

Isa sa mga nagpaabot ng tulong ay ang ABS-CBN Foundation. Pinaluwas nila si tatay Nelson sa Maynila at doon na natuklasan ng mga doktor na mayroon siyang “retinal detachment” at “retinitis”.
 Photo credit to the owner
Jenny at tatay Nelson / Photo credit to the owner

Ipinahayag din naman ng ABS-CBN na tutulungan nila ang pamilya na magkaroon ng “livelihood training” at makalipat sa mas ligtas na tirahan.

Sa ngayon ay marami nang natanggap na tulong ang pamilya. Labis labis ang pasasalamat nila dahil hindi na sila sobrang mahihirapan pa.
Jenny / Photo credit to the owner
Jenny at tatay Nelson / Photo credit to the owner
Pamilya ni tatay Nelson / Photo credit to the owner

Ito ay dahil sa tulong ng mga mabubuting tao at mga organisasyon na walang ibang nais kundi ang makatulong sa mga taong nangangailangan.

Panoorin ang video sa ibaba:


***
Source: Daily Mail

Source: News Keener

No comments

Seo Services