Isa sa mga hindi malilimutang bahagi ng ating kulturang Pilipino ay ang manood ng telebisyon lalo na pagdating sa mga balita at teleserye. Napakasarap manood lalo na't kasama ang buong pamilya.
Photo credit to the owner
Kung ating babalikan ang dekada 80 o 90, tiyak na ang ilan o karamihan sa atin ay naranasan na ang makinuod ng telebisyon sa kanilang kapitbahay.
Hindi kasi lahat ay mayroong telebisyon noon kaya naman tila ang sarap alalahanin ng mga panahong ito kung saan wala pang gadgets o social media.
Samantala, nag-viral sa social media ang larawan ng mag-anak na matiyagang nakikinuod ng telebisyon sa kanilang kapitbhay dahil wala umano silang kakayahang bumili ng TV.
Photo credit to the owner
Masayang nanonood ang mag-anak ng kanilang paboritong palabas nang mapansin umano sila ng may-ari ng bahay.
Maya-maya ay unti-unti na raw ibinababa ng may-ari ng bahay ang kurtina ng bintana na tila ayaw silang panoorin ng telebisyon.
Walang nagawa ang mag-anak kundi umalis na lamang dahil hindi naman sila maaaring magreklamo o magalit.
Maraming netizens ang nakisimpatya sa mag-anak.
Photo credit to the owner
"Marami ganyan na kapitbahay sasarahan ka kahit maipit pa kamay mo pag sara nila ng pintuan,” sabi ng isang netizen.
"danas ko to ND nlang mag Sabi Kung ayaw mag panood sasaraduhan pa agad nkakabastos Lalo na my nanonood na matanda.”
"Pero nuon nagka tv naman kami pinapapasok pa ng mama at papa ko ang mga nanunuod sa labas black and white pa tv namin nuon.”
“Buti nlng de nmin naranasan yng ganyan kc kming mgkkpatid mga dahon lng at bunga ng tibig ok n kmi,msya n kmi doon samahan p ng paglalaba paliligo s sapa sbay mamamayabas.”
***
Source: We Are Pinoy
Source: News Keener
No comments