Babala ng isang netizen sa mga magulang: "Huwag agad maniwala sa mga anak”

Nagbigay ng paalala ang netizen na si Onesimo Corpuz Villabas Jr., sa mga kapwa niya magulang na, "huwag agad maniwala sa anak siguro kong aalis ng bahay at kunwareng may gagawing project.”
Larawan mula kay Onesimo Corpuz Villabas Jr.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Villabas ang kanyang nasaksihan patungkol sa dalawang kabataang nag-uusap kung paano sila nakagagawa ng paraan upang makahingi ng pera sa kanilang magulang.

Ayon kay Villabas, ang idinadahilan raw ng dalawang kabataan sa kanilang mga magulang upang bigyan sila ng pera ay meron silang gagawing project.

Dagdag pa ni Villabas, maya-maya raw ay naghalikan na ang dalawang kabataan at tila walang pakialam sa kanilang paligid. 

Then yan nga mayamaya yan na yung ginagawa nila na gulat lahat ng tao sa resto pinagtitingnan sila ng mga tao wala silang paki alam,Napa yuko nalang yung dalawang mag asawa sa gilid nila sa pinag gagawa nila!” kwento ni Villabas.
Larawan mula kay Onesimo Corpuz Villabas Jr.

Narito ang kanyang buong post:

“Habang kumain kami kanina sa isang resto may dalawang kabataan sa kabilang table. Maraming tao sa resto maraming mga mag asawa at matatanda,habang nag hihintay ang dalawang bata/kabataan na mag partner una nag yayakapan pa sila yung sweet na sweet, tapos rinig ko ang pinagusapan nila sabi ng babaeng bata mag kano binigay ng mama mo sayo? Sagot ng lalake: 1000 ,babae: ano sinasabi mo sa mama mo para bigyan ka ng pera? Lalake: sabi ko may project tayo sa School. Babae:ako din yan sinabi ko kaso 500 lang bigay ni mama. Lalake: basta babe mahal na mahal kita ah ikaw na ang forever ko.

Ang reaction ko sa sarili “WHAT?”

Ang babata niyo pa ang galing niyo na manloko sa magulang niyo!

Then yan nga mayamaya yan na yung ginagawa nila na gulat lahat ng tao sa resto pinagtitingnan sila ng mga tao wala silang paki alam,Napa yuko nalang yung dalawang mag asawa sa gilid nila sa pinag gagawa nila!

Malala na talaga ang mga kabataan ngayon!pero hindi ko nilalahat Pero May iilan pa namang May pangarap sa buhay at respeto sa magulang nila☺️

Akoy naaawa sa inyo at sa mga magulang niyo😭Advice ko lang sa mag parents , huwag agad maniwala sa anak siguro kong aalis ng bahay at kunwareng may gagawing project sa labas pwede naman cguro gawin ang project sa bahay mismo at huwag agad bigyan ng pera! Story of the Day☺️

Sana maka pulot ng aral sa mga kabataan ngayon na ayosin at mag sikap sila sa pag aaral dahil kayo din ang magsisi sa Huli.

Huli pero di kulong..”


***

Source: News Keener

wokes Saturday, February 25, 2023
Pinay na nag-selfie, walang kaalam-alam na ang boyband na Westlife na pala ang nasa kanyang background

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa boyband na Westlife? Dekada 90’s nang sumikat sila sa Pilipinas at sa buong mundo.
Photo credit to the owner

Ilan sa mga sikat nilang kanta ay ang “My Love, I lay my love on you, If I let you go, Queen of my heart, Swear it again,” at marami pang iba.

Marami ang naghahangad na makapanood ng kanilang concert lalong lalo na ang makapagpa-picture kasama sila.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Kaya naman marami ang nagtaka, nagulat at nanghinayang sa isang Pinay na nag-selfie habang nasa likod nito ang Westlife members.

Sa Facebook page na “DREAM Discover Explore”, ibinahagi nito ang larawan ng isang Pinay na nag-selfie at hindi napansin na Westlife members na pala ang mga lalaking nasa kanyang background.

Mabilis na nag-viral sa social media ang nasabing post at talagang umami ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.
Photo credit to the owner

Sa isa pang larawan ay makikita naman ang selfie ni Shane Filan na miyembro ng Westlife at makikita naman sa background ang nasabing Pinay.
Photo credit to the owner

Ang larawan ay kuha sa Victoria Harbour pagkatapos ng kanilang concert sa Asia World Arena sa Hong Kong.

“Parang gusto kung manakit Ate abot kamay muna naging hopia pa.. opportunity na sana masolo mo sila eh! #westlife lang nmn yang sa likod mo Whyyy!… Seyennnggg ! At di mo na kilala …” caption ng post mula sa DREAM Discover Explore Facebook page.

Narito ang komento ng mga netizens:




Ang Westlife ay nabuo noong 1998 sa Dublin , Ireland. Ang mga miyembro ay sina Shane Filan, Kian Egan, Mark Feehily, Nicky Byrne, at Brian McFadden.


***

Source: News Keener

wokes Wednesday, February 22, 2023
READ: Open letter ng isang British national kay JK Labajo patungkol sa pahayag nitong ayaw makatrabaho si Direk Darryl Yap

Sa isang interview ay ipinahayag ng singer at aktor na si Juan Karlos (JK) Labaho na ayaw umano niyang makatrabaho ang director na si Darryl Yap.
JK Labajo and Direk Darryl Yap / Photo credit to the owner

“No, I definitely don’t want to be directed by Darryl Yap. I don’t want to work with him,” sabi ni Labajo.

“We all have the freedom when it comes to making art but I am not really sure if I have a positive opinion when it comes to changing history,” dagdag pa niya.
JK Labajo / Photo credit to the owner

Samantala, viral ngayon naman ang open letter ng isang British national na si Malcolm Conlan patungkol sa naging pahayag ni Labajo.
Malcolm Conlan / Photo credit to the owner

Ayon kay Conlan, masyado raw assuming si Labajo na gusto rin siyang makatrabaho ng direktor. tanong niya, “how do you know that Direk Darryl would want to work with you?”

Dagdag pa ni Conlan, maraming artista ang gustong makatrabaho si Direk Darryl dahil napakagaling nito.

“The way I see it is that Direk Darryl is a much loved, relevant director and awesome story teller as well as genius writer.”
Darryl Yap / Photo credit to the owner

Ang ‘Maid in Malacañang’ at ‘Martyr or Murderer’ ay mga pelikula umanong magbabahagi ng ‘other side of the story.’

Basahin ang buong open letter sa ibaba:

“An Open letter to Juan Karlos ‘JK’ Labaho,

Dear Sir Juan,

I hope you don’t mind me writing to you personally sir, even though I don’t know you, nor have I even heard of you, but I understand you are in the upcoming movie ‘Ako Si Ninoy’. 

You have apparently made a statement ‘No, I definitely don’t want to be directed by Darryl Yap, I don’t want to work with him’. 

Well sir, how do you know that Direk Darryl would want to work with you? With the greatest respect dear sir, isn’t your statement and attitude a little pretentious and assuming? 
Photo credit to the owner

I am sure there are many actors in the Philippines right now who would relish the chance to be directed by such an influential and relevant director, this is clearly the case judging by the stellar cast of actors in his most recent works. 

The way I see it is that Direk Darryl is a much loved, relevant director and awesome story teller as well as genius writer. His work on these latest films, ‘Maid in Malacanang’ and ‘Martyr or Murderer’ are an attempt to tell the other side of the story. The story of the Marcos family which has been untold for close to four decades. 

Have you ever heard the phrase, ‘There are two sides to every story?’  

Well I believe that the work of Direk Darryl has just as much right to be heard as the movie which you are in too!!!! 

Well, good luck with your film sir, I hope it does well, I am sure you passionately believe in it, just as much as so many Filipinos and even foreigners like myself believe in the work of Direk Darryl Yap!!!
Maraming Salamat po sir,

Humbly yours,
Malcolm Conlan,
Concerned netizen,
London, UK. 
(Credit to the owner of the photo. No copyright intended).”


***

Source: News Keener

wokes Monday, February 20, 2023
Online seller minaliit at tinawag na "cheap" ng kaibigang matagal na palang may utang sa kanya

Dismayado ang netizen na si Joy Anne Perez sa kaibigang tinawag siyang "cheap" dahil sa kanyang pag-popost sa Facebook bilang isang online seller.
Joy Anne Perez / Photo credit to her Facebook account

Sa kanyang Facebook, ibinahagi at in-upload ni Perez ang screenshots ng usapan nila ng kanyang kaibigang nang-insulto dahil sa kanyang pagtitinda online.

Tinda pa rin Joy Ann? nakakasawa mga posts mo girl sa totoo lang” sabi ng kaibigan nito.

Sumama ang loob ni Perez sa sinabi ng kanyang kaibigan kaya tinanong niya ito kung ano ba ang problema sa kanyang mga posts.

Luh sya, May problema ka ba? Sorry pero medyo offensive lang ang message mo,” sabi ni Perez.

Sumagot ang kaibigan nito at nagsimula ng insultuhin si Perez.

Nakakatawa ka girl, ano tinda tinda ka nalang? Sana kasi nagwork ka. Naoffend ka? Haha totoo” sabi ng kaibigan ni Perez.
Joy Anne Perez / Photo credit to her Facebook account

Magwork kanalang Joy Ann sure ka pa sa income mo monthly. Nang hindi ka mag mukhang cheap kakapost mo ng paninda online,” dagdag nito.

Tinanong pa nito ang educational background at diploma ni Perez.

Ilang years nga natapos mo gurl? Musta naman diploma mo? Inaanay na ba?

Sinagot naman ito ni Perez ng kalmado.

Una sa lahat, kung nagsasawa ka sa pagmamarket ko online, you can unfollow/unfriend me naman o kahit iblock mo pa nga ako. Wala naman akong pake. Pangalawa, hindi ko hinihingi opinion mo, anyways salamat parin. At pangatlo, wag mo akong pangungunahan, ano ka desisyon?” sagot ni Perez.
Joy Anne Perez / Photo credit to her Facebook account

Wala naman ako pake kung sa paningin mo kacheapan yung ginagawa ko,” dagdag niya.

Ayon kay Perez, hindi niya kailangan maghanap ng trabaho upang may sahurin dahil kaya niya naman itong kitain. Dagdag pa niya, mas gusto niya ang self-employed dahil nagagawa niya ang kahit ano mang gusto niyang gawin.
Joy Anne Perez / Photo credit to her Facebook account

Subalit tinawag parin siyang cheap ng kanyang kaibigan. Dito na ipinasok ni Perez ang tanong kung kelan siya babayaran sa utang ng kaibigan na hindi pa pala bayad simula 2018.

Kelan mo kaya maaalala yung utang mo FRIEND? Ilang months na lockdown, hindi mo nagawang mangamusta ah?” tanong ni Perez.

"Remind ko lang, 2018 pa yung nahiram mo ha. Wag kang mag alala. Hindi naman kita sinisingil. Kinalimutan ko na nga yon eh. Kaso gumawa ka ng dahilan para maalala ko," dagdag ni Perez.
Joy Anne Perez / Photo credit to her Facebook account

Sumagot ang kaibigan nito na kailangan niya ng pera kaya ito umutang noong 2018. Dagdag pa nito, hindi raw niya kasalanan kung masaktan si Perez sa comment niya dahil sinasabi lang daw niya ang kanyang opinyon.
Joy Anne Perez / Photo credit to her Facebook account

"So sinusumbat mo yan?? Kung hindi lang ako nangailangan nun di ako lalapit sayo hahaha," sagot ng kaibigan ni Perez na tila nagmamayabang pa.
Joy Anne Perez / Photo credit to her Facebook account

Sana ikayaman mo yang pagwork mo. Wag mo ko kalimutan pag umasenso ka na ha. Hayaan mo, andito parin ako para sa’yo. See you soon mah friend. God bless you,” sabi ni Perez.
Joy Anne Perez / Photo credit to her Facebook account

Narito ang buong post ni Perez:

""TINDA TINDA KA NA LANG?"

Hindi ko ugali mag post ng ganito. Pero paisa lang. Isa lang talaga. Hahahaha. (Might delete this later)

So a friend of mine, reacted to my "My Day" and she leaves a message. See photos na lang. NiSC ko naman na eh. HAHAHAHAHA

Eto lang gusto ko sabihin sa'yo mah FRIEND, Para don nga pala sa kacheapan na sinasabe mo. Wala akong pake. Kung yan yung sa tingin mo, okay lang. Hahaha. Di naman ako nakakaano sa'yo eh. Ikaw pa nga tong me atraso sakin way back 2018 ata yon. Hahahahaha.

PS: April 2016 ako grumaduate. May 02. 2016 nag start na ko mag work sa Laguna gang Sept 2017. Anjan na ren COE ko. Tingnan mo. Hahaha. Pinicturan ko na rin yung Diploma ko na sinasabe mong inaanay na. Pati DTI ng business ko. Sinama ko na rin yung passbook ko nakakahiya kasi sa monthly income mo eh. At etong food business na to, actually trial pa lang talaga to. (I have permits too di ako ilegal na nagtitinda online) Nag susurvey pa lang ako. Kung maging okay sa public, then why not? We're planning to put this up na rin naman. Kaso lang due to this pandemic nga so mejo madedelay lang ulit. And I'm planning to study pa rin naman about cooking. Kaway kaway sa mga bessy kong may alam nyan. Hahahaha. Hindi lang talaga ako palasabe kung kanino, kase gusto ko tahimik lang buhay. Kaya nga di ako nag artista eh tamang support na lang ako. Eme lang. Hahahaha

Isa pa, oo wala naman kaming mansion. Okay na ako sa bahay na kawayan eh. Pwro meron naman na kaming mga sasakyan. Actually ilan na rin naging sasakyan namin eh. Di ako nagyayabang. Pero papatulan kita. Hahahahaha. May motor, tricycle at jeep kami before pero dahil sa ano mang dahilan binenta yon. Kasi yung para sa safety din. So far naman may Nissan Van at Toyota Revo naman kaming nagagamit. Roadtrip ba gusto mo? Sunduin pa kita jan, sabihin mo lang san mo gusto pumunta. Promise, uupo ka lang. Sagot na kita. HAHAHAHAHAHAHA. Haba na masyado, tama na nga. See you soon na lang. Yung utang mo wag mo na bayaran. Ayuda ko na sa'yo yon. LABYU MAH FRIEND. HAMISYOOO. GOD BLESS YOUUUU!!! HAHAHAHAHAHAHA"

Sa kanyang post, in-upload ni Perez ang kanyang business permit, bank account deposits, Certificate of Employments mula sa kanyang mga dating trabaho at ang kanyang college Diploma mula sa degree na business administration.
 Joy Anne Perez / Photo credit to her Facebook account
 Joy Anne Perez / Photo credit to her Facebook account
 Joy Anne Perez / Photo credit to her Facebook account
Joy Anne Perez / Photo credit to her Facebook account

***

Source: News Keener

wokes Sunday, February 19, 2023
Mamamahayag, pinuna ang mga gurong sumasayaw ng malaswa sa TikTok: “Teacher ba kayo o Entertainer sa Club?”

Hindi naitago ng isang mamamahayag ang kanyang pagkadismaya matapos mapanood ang ilang video ng mga gurong sumasayaw ng malaswa sa social media.
Photo credit to the owner

Sa kanyang vlog, pinuna ni Audrey Gorriceta ang style ng pagsasayaw ng ilang mga guro sa social media app na TikTok at Facebook.

Ipinaalala ni Gorriceta sa mga guro na hindi dapat sila gumagawa ng mga bagay kung saan mawawalan ng respeto sa kanila ang kanilang mga estudyante.



“Teacher po kayo, kailangan niyo pa ba ng atensyon?” tanong ni Gorriceta. “May palabas-labas pa ng dila, may patuwad-tuwad pa, para ano, para mal*b*gan ang mga tao sa inyo, ang mga estudyante niyo?”

“Magturo lamang kayo dahil hindi namin pinag-aaral ang mga kabataan para sa paaralan para makita kayong gumagawa ng ganyang mga videos,” dagdag nito.


Sumang-ayon naman ang ilang netizens sa pahayag ni Gorriceta.

“Agree. Ang nagpapamalisyoso sa mata at isipan ay dahil sa nakikita. Nasusulat nga na ang babae ay dapat manamit ng matimtiman at kumilos ng may hinahon manapay ang mga guro na dapat ay maging huwaran sa pagtuturo ng kabutihang asal, desente at ganap na pagkilo,” sabi ni Arthur Lupac.

“Tandaan nyo mga guro, mag pa respeto kayo, para kayo ang galangin ng inyong studyante ang ng mga magulang ng mga bata,” sabi Carl Ledesma.

Samantala, isang netizen ang ipinagtanggol ang mga guro.


Ani James Sy, “Pinagbawal na ba ng Dep Ed mgsayaw ung teacher tsaka n po ntin pg-usapan yn kapag pinagbawal n ng Dep Ed hanggat hndi pinagbabawal wag nyo sila pkielaman at my kalayaan sila n gwin ang guato nila hanggat hndi pinagbabawal ng batas.”

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang the Department of Education (DepEd) patungkol sa nasabing isyu.


***

Source: News Keener

wokes Wednesday, February 15, 2023
23-year-old na model at bride-to-b, binawian ng buhay matapos operahan ng hindi lisensyadong doctor

Nasawi ang 23-year-old na professional model mula sa Kuala Lumpur, Malaysia, habang isinasagawa ang cosmetic surgery procedure sa kanya ng isang unlicensed beautician.
Photo credit: Good Times

Sa inilabas na report ng Sin Chew Daily, pumunta ng Malaysia ang professional model na si Coco Siew Zhi Sing para magpa-liposuction ng kanyang mga braso upang paghandaan ang kasal nila ng kanyang boyfriend.

Nakatakdang magpakasal si Siew sa kanyang long-time boyfriend mula sa South Africa ngayong taon.

Nagkakahalaga umano ang cosmetic procedure ng $603 o P29,000+.
Photo credit: China Press

Sinamahan si Siew ng kanyang kaibigan sa beauty clinic para sa 2:30pm schedule nito noong October 17, 2020. Makalipas ang kalahating oras pagkatapos turukan ng anaesthesia si Siew, napansin ng kanyang kaibigan na tila nagpapanic ang surgeon. Kaya naman agad siyang tumawag ng ambulansya. 

Sa kasamaang palad ay hindi na na-revive si Siew at idineklara siyang påtay ng 5:00pm.
Photo credit: Facebook

Ayon sa report, matapos bigyan ng anaesthesia si Siew ay bumagal umano ang pagtibok ng kanyang puso hanggang sa tuluyan na itong tumigil.

Agad na nagfile ng police report ang pamilya ni Siew laban sa salon at sa unlicensed medical practitioner.

Ayon naman sa kapatid ni Siew na si Xiao Mingan, pumunta ng hospital ang ‘person-in-charge’ ng salon alas otso ng gabi at inaming walang lisensya ang salon para sa medical procedures at tanging normal beauty treatments lang ang meron sila.
Photo credit: Facebook

Under our repeated questioning, the person in charge of the beauty salon revealed that her salon did not have an aesthetic clinic license. The place was operating under an ordinary beauty salon license, and the aesthetic doctor, as she claimed she was, who performed the operation on my sister did not have a professional aesthetic medical license either,” sabi ni Xiao.

Dagdag pa ni Xiao, napag-alaman niyang nakaregister lamang ang salon “as a beauty product wholesaler”. Dito niya napatunayan na gumagawa ng illegal beauty and cosmetic surgeries ang salon.
Photo credit: Says

I hope my sister’s experience will serve as a warning to other young women so that a tragedy like this won’t happen again,” sabi ni Xiao.

Labis naman ang galit at lungkot na naramdaman ng pinakamalapit na pinsan ni Siew.

Ayon sa kanya, matagal na umanong plano nina Siew at boyfriend nito ang magpakasal. Naudlot lamang ito dahil sa pandemya.

The family is also very close to her fiancé,” aniya.

Napakabait umanong tao ni Siew at mahal na mahal ito ng kanyang mga kaibigan.

She was very free-spirited and determined, happy, and sometimes, a little too innocent. She was also very honest and wasn’t afraid to describe things as they were,” saad nito.

Kwento ni Xiao, maalaga raw sa katawan ang kanyang kapatid dahil isa itong professional model. 
Photo credit: Coco Siew

Sa edad na 16 years old ay napanalunan niya ang Asia New Star Model 2014 – Face of Malaysia (FOM) contest.
Photo credit: Citizens Journal

Samantala, nag-viral naman ang Facebook post ng bestfriend ni Siew na si Ke Xin, at ngayon ay mayroong 24k shares.

“We met each other when we were 13 years old in Zun Kong Independent High School. At that time, you were very tall and was always the talk of the whole school no matter where you went.”
Photo credit: Ke Xin

“When you decided to get married next year, I was really happy and excited for you. I told myself that this important person in my life is about to embark on a new journey and I must work hard to earn money so that I can go to South Africa to witness such an important moment.”

“In order to look perfect on the day, you decided to do this arm liposuction procedure on October 17, 2020. Suddenly the accident took your life away. You left me forever, your family and friends, your fiance.”

“I can’t accept it. How can you leave me like this? Didn’t we say that we would go to Universal Studios Japan together? Didn’t we say that it will be good to have sushi mentai together the next day? Didn't we sat that I must come when you get married? Didn't we say we were going to the island together?”

"The case of de*ths from this cause of liposcoping is still under investigation. After all, I'm sad that outsiders don't comment on their families, and I don't want to pressure them I' not an ordinary woman who knows how to write a paper, I'm just thinking, this letter is sent to my bestfriend - thank you for lightning up all My life I'm so happy to have you as the best friend of my life to come back to the next life," post ni Ke xin.

Ibinahagi rin niya ang Instragram account at website ng salon na ngayon ay deactivated na.
Photo credit: Ke Xin Facebook
Photo credit: Ke Xin Facebook
Photo credit: Ke Xin Facebook


***
Source: Good Times

Source: News Keener

wokes Saturday, February 11, 2023
Pamilyang nakikinuod sa kanilang kapitbahay ng telebisyon, pinagsarhan ng bintana at pintuan

Isa sa mga hindi malilimutang bahagi ng ating kulturang Pilipino ay ang manood ng telebisyon lalo na pagdating sa mga balita at teleserye. Napakasarap manood lalo na't kasama ang buong pamilya.
Photo credit to the owner

Kung ating babalikan ang dekada 80 o 90, tiyak na ang ilan o karamihan sa atin ay naranasan na ang makinuod ng telebisyon sa kanilang kapitbahay.

Hindi kasi lahat ay mayroong telebisyon noon kaya naman tila ang sarap alalahanin ng mga panahong ito kung saan wala pang gadgets o social media.

Samantala, nag-viral sa social media ang larawan ng mag-anak na matiyagang nakikinuod ng telebisyon sa kanilang kapitbhay dahil wala umano silang kakayahang bumili ng TV.
Photo credit to the owner

Masayang nanonood ang mag-anak ng kanilang paboritong palabas nang mapansin umano sila ng may-ari ng bahay.

Maya-maya ay unti-unti na raw ibinababa ng may-ari ng bahay ang kurtina ng bintana na tila ayaw silang panoorin ng telebisyon.
Photo credit to the owner

Sunod na isinara ay ang pintuan at bintana.

Walang nagawa ang mag-anak kundi umalis na lamang dahil hindi naman sila maaaring magreklamo o magalit.

Maraming netizens ang nakisimpatya sa mag-anak.
Photo credit to the owner

"Marami ganyan na kapitbahay sasarahan ka kahit maipit pa kamay mo pag sara nila ng pintuan,” sabi ng isang netizen.

"danas ko to ND nlang mag Sabi Kung ayaw mag panood sasaraduhan pa agad nkakabastos Lalo na my nanonood na matanda.”

"Pero nuon nagka tv naman kami pinapapasok pa ng mama at papa ko ang mga nanunuod sa labas black and white pa tv namin nuon.”

“Buti nlng de nmin naranasan yng ganyan kc kming mgkkpatid mga dahon lng at bunga ng tibig ok n kmi,msya n kmi doon samahan p ng paglalaba paliligo s sapa sbay mamamayabas.”


***
Source: We Are Pinoy

Source: News Keener

wokes Monday, February 6, 2023
Anak ng taxi driver na sinakton noon ni John Regala, naglabas ng saloobin patungkol sa pinagdaraanan ng aktor ngayon

Kamakailan ay nag-viral muli ang aktor na si John Regala matapos nitong humingi ng tulong pinansyal sa kanyang mga kaibigan at nakatrabaho sa showbiz ngunit hindi na umano nila siya pinapansin.
Photo credit to the owner

“Mga kapatid ko sa industriya ngaun ko napatunayan na wala kayong pag ibig sa akin,” saad ng aktor.
Samantala, kumakalat din ngayon sa social media ang lumang news clip kung saan mapapanood ang aktor na may kaalitang taxi driver.

Bakas na bakas pa kay Regala ang maayos na kondisyon ng kalusugan. 

Sa video ay gigil na gigil si Regala sa taxi driver na kinilalang si Rafael Sabuhala. Kahit nasa police station na sila at may camera ay hindi pa rin nagpapaawat ang aktor.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ayon sa mga saksi, nasaktan na raw umano ni Regala ang taxi driver sa gitna ng kalsada bago pa dumating ang mga otoridad.

“Sige magdemanda siya, hihingi siya ng pera sakin? Bibigyan ko siya ng pera pero bubugb0gin ko muna siya!” ani Regala.

Ang insidente ay nangyari noong 2008, ilang taon bago makuha ni Regala ang kanyang best supporting actor award sa kanyang pagganap sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.
John Regala / Photo credit to the owner
John Regala / Photo credit to the owner

Hindi naman malaman kung ano na ang nangyari sa pagitan ng dalawa dahil hindi na nagkaroon pang muli ng news update patungkol dito.

Samantala, kumakalat ngayon ang komento ng anak ng taxi driver na sinaktan noon ni Regala.

Sa Facebook post ni Aileen Dreyfus, na isa rin ngayon sa mga nakaka-alitan ni Regala, ibinahagi niya ang comment ni Znhav Smiley Orendain na nagpakilalang anak ng taxi driver.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ayon sa kanyan, nanalo ang kanyang ama sa kasong isinampa sa aktor ngunit kahit piso ay wala umano itong natanggap na pera.

Ito rin diumano ang pinakamasakit na nangyari sa kanilang pamilya dahil napakabait daw ng kanyang ama at hindi ito nararapat na saktan.

“It was the most painful feeling to see your father being treated bad which he doesn’t deserve and I can’t do anything that time because I’m working overseas,” ani Orendain

“My dad won the case and nhe never gets any single cents from Mr. Regala,” dagdag pa niya.

Ayon kay Orendain ay nasa mabuting kondisyon ang kanyang ama at wala itong sakit na iniinda.

Panoorin ang video sa ibaba:

Taong 2020 nang kumalat sa social media na mayroong malubhang sakit ang aktor at nangangailangan rin ito ng tulong pinansyal.

Matapos mag-viral ang kanyang larawan, maraming artista ang nagpa-abot ng tulong sa aktor.
Photo credit to the owner

Sina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus, at Aster Amoyo ang personal na bumisita at tumulong kay John.

Subalit hindi natuloy ang pagtulong nila kay John dahil anila, gusto lamang daw gamitin ng aktor ang perang ibinibigay sa kaniya para sa sariling bisyo.


***
Source: Pinoy Trend

Source: News Keener

wokes Sunday, February 5, 2023
Seo Services