Ang kailangan ng mag-asawa upang magkaroon ng magandang pagsasama ay ang pagmamahalan, pagdadamayan at tiwala sa isa't isa. Ito ang magiging pundasyon upang magkaroon sila ng masaya at kumpletong pamilya.
Ngunit papaano kung ang isa sa mga pundasyong ito ay mawala? Papaano kung mawala ang pagmamahal ng isa sa kanyang asawa at maghanap ito ng iba? Kailangan bang masira at mawasak ang isang pamilya dahil sa pagtataksil?
Mainit na talakayan sa social media kapag ang isyu ay tungkol sa mga babaeng pumapatol pa sa may asawa o sa madaling salita ay kabit.
Sa isang post ng Facebook page na ‘Seaman’s Wife Ako’, ibinahagi ng isang netizen ang kanyang karanasan bilang isang third party o kabit ng isang seaman.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ayon sa babae, siya umano ay proud na kabit, ngunit huwag umano siyang husgahan dahil wala raw nakakaalam ng kanyang nararamdaman.
"wag nio po ako husgahan dahil hindi nio po alam ang nararamdaman ko😐. Tsaka nio lng po ako ma iintindihan kapag naramdaman nio na po ang dinadanas ko," sabi ng babae.
Kwento pa niya, hindi raw niya ginusto ang maging kabit pero wala na siyang magagawa dahil hirap na siyang umalis sa ganung sitwasyon. Dagdag pa niya, ipinaglalaban raw siya ng kanyang kinakasamang lalaki.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ang lalaki raw ang nagdesisyon dahil siya raw ang pinili at hindi ang asawa at anak nito.
Ayon pa sa kabit, hindi rin daw niya pineperahan ang kanyang kinakasamang seaman dahil malaki rin ang kanyang sinasahod. Hind rin naman daw pinapabayaan ng lalaki ang sustento sa anak nito.
Sa huli ay nakiusap ang kabit na huwag siyang husgahan dahil wala raw taong perperkto.
"At ano nmn magagawa nio kung ayaw na nga ng bf ko sa asawa nia? Kaya plss lng po wag nio po ako i judge hindi nmn tayo lahat perpekto😐"
Narito ang kanyang buong post:
"Ako po ung proud na kabit ng isang seaman wag pahabol na lng po. wag nio po ako husgahan dahil hindi nio po alam ang nararamdaman ko😐. Tsaka nio lng po ako ma iintindihan kapag naramdaman nio na po ang dinadanas ko. Hindi ko po ginusto ang maging kabit pero ano magagawa ko mahirap na po umalis sa gantong klaseng sitwasyon lalo nat alam ko na ipinaglalaban nmn ako ng aking bf. At hindi po ako ang mag dedesisyon kundi ang bf ko, pinapili ko nmn sia kung ako o asawa at anak nia at ako nmn pinipili nia. May trabaho nmn ako at dko kailangan ng pera ng bf ko. Mataas po sahod ko at sia nag susustento nmn sia sa anak nia. Paano nmn po kami makakarma dun?At ano nmn magagawa nio kung ayaw na nga ng bf ko sa asawa nia? Kaya plss lng po wag nio po ako i judge hindi nmn tayo lahat perpekto😐"
Source: News Keener
No comments