Hindi ikinatuwa at tila ikinaasar ng batikang ABS-CBN news anchor na si Tony Velasquez ang naging biro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang press briefing.
Tony Velasquez at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr / Photo credit to the owner
Kamakailan kasi ay nagkaroon ng tsismis na nagpunta sa bansang Japan ang pangulo habang sinasalanta ng bagyo ang ilang lugar sa Pilipinas.
Noong Oktubre 31, pagkatapos ng press briefing ay pabirong nagsabi si Marcos ng “Welcome to Hokkaido.”
Dahil dito ay nainis ang mga kakampink at anti-Marcos. Isa sa mga bumatikos sa naging biro ng pangulo ay ang batikang news anchor ng ABS-CBN na si Tony Velasquez.
Aniya, hindi raw tama na magbiro si Marcos dahil may mga pilipinong naapektuhan at namatayan dahil sa bagyo.
“Nakuha pa ni Pang. Marcos Jr. na magbiro, bilang sagot sa mga haka haka na nasa Japan siya habang meron nang nagaganap na malawak na kalamidad sa Pinas dulot ni Paeng. “Welcome to Hokkaido” ika niya. Natawa kaya yung mga namatayan sa bahay at guho?” banat ni Velasquez.
Photo credit to the owner
Nagbahagi rin si Velasquez ng isang mini comic kung saan binabatikos ang pagbibiro ni Marcos sa gitna ng kalamidad.
Photo credit to the owner
Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang komento sa naging tweet ni Velasquez.
“I guess wala naman ding impact sknila yang joke. most of them sanay na neglected ng govt, instead of calling out the ineptness of this govt, mabigyan lang sila ng konting ayuda, ipagpapasalamat pa nila at tatanawing utang na loob na akala nila galing sa own pocket ng pulitiko.” sabi ni @momnicash.
“Nagbiro pero hindi naman sinagot. How hard is it to tell the truth? And these people na pinagtatanggol siya at sinasabing ayaw nya lang patulan yung mga chismis, hello? Hindi na sya candidate, he is the president and he needs to answer truthfully.” wika ni @maldita29.
***
Source: Daily BNC News
Source: News Keener
No comments