Wency Cornejo sa “Hadouken/Kamehameha” campaign gimmicks ni Robredo: “Papansin. Pinagmumukhang ewan.”

Naglabas ng kanyang opinyon ang vocalist ng isa sa mga sikat na banda noong 1990s na After Image patungkol sa viral campaign video ni Vice President Leni Robredo.
Photo credit to the owner

Kamakailan ay nag-viral ang TikTok video ni Robredo kung saan makikita itong nag-hahadouken o Kamehameha na naging katatawanan sa ilang mga netizens lalo na ng kanyang mga kritiko.

Ang ‘Hadouken’ ay special attack na ginagamit ng Street Fighter character na si Ryu at ang ‘Kamehameha’ naman ay kay Son Goku ng Anime na Dragon Ball Z.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ayon sa post ni Cornejo, wala namang problema kay Robredo ngunit ang ikinakatakot niya ay ang mga taong nasa likod nito.

Aniya, sinong presidential candidate raw ang papayag sa ganitong gimmick? Patunay lang daw na hindi iniisip ni Robredo ang kanyang ginagawa.

“What presidential candidate in their right mind would agree to do something like this? It only shows how she is not actually thinking for herself.”
Photo credit to the owner

Dagdag pa niya, pinaglalaruan lang daw ang Vice President kung sino man ang nakaisip sa pakulong ginawa nila.

Narito ang kanyang buong post:

“Ito yung sinasabi kong Leni herself isn't really that bad but it's the machinery behind her that scares me. What presidential candidate in their right mind would agree to do something like this? It only shows how she is not actually thinking for herself. Aminin man ng supporters nya o hindi, para siyang pinaglalaruan ng kung sino man ang nakakaisip ng mga pakulong ito. And that's what exactly these things are. Pakulo lang. Papansin. Pinagmumukhang ewan. In other words, AMBOT!”

May mga netizens ang sumang-ayon kauy Cornejo.




Panoorin ang video sa ibaba: 

Si Cornejo ang umawit sa mga sikat na kanta katulad ng "Habang May Buhay at Magpakailanman."


***

Source: News Keener

wokes Saturday, November 27, 2021
Chavit Singson kay Manny Pacquiao: “Hindi ginagamit ang utak”

Binanatan ni dating Ilocos Sur governor at Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson ang kanyang kaibigang si Senator Manny Pacquiao matapos nitong magpahayag ng kanyang panukala na mas taasan pa ang buwis sa mga tabako, sigarilyo at alak, o mas kilala bilang ‘sin tax.’
Chavit Singson and Manny Pacquiao / Photo credit to the owner

Sa isang panayam ng media, hindi raw ginagamit ni Pacquiao ang kanyang utak sabi ni Singson.

Aniya, mas lalo raw maaapektuhan ang mga magsasaka ng tabako, lalo na’t isa ito sa mga ikinabubuhay ng mga taga Norte, partikular sa Ilocos Sur.

Eh kasi pinasok niya ‘yong issue na ‘yan nang di niya alam ‘yong sinasabi niya. ‘Pag tinaas ‘yong excise tax ng sigarilyo, tumataas ‘yong kita namin sa probinsya. Meaning, in short, nagbebenefit kami ‘pag tinaas. Kaya ‘ka ko, sobra na. Makikinabang kami eh, pero sobra na,” pahayag ni Chavit.
Chavit Singson / Photo credit: ABS-CBN 
Chavit Singson / Photo credit: CNN Philippines

Up to now hindi niya maintindihan, ‘yong issue na ‘yan hindi niya maintindihan. Syempre ‘pag tinaas mo ang kita namin, ‘wag mo itaas dahil sobra na, nine times na ang tinaas ng taxes. Kawawa ang industriya, masisira ang industriya kung matutuloy ang tax. Hindi niya maintindihan ‘yon up to now,” dagdag pa niya.

Hindi ko pinagbigyan ang kumpare ko, nagyabang pa eh mali naman ‘yong yabang niya. So ‘di niya ginagamit ang utak niya masyado.”
Manny Pacquiao / Photo credit: People
Manny Pacquiao / Photo credit: Time Magazine

Samantala, Noong Oktubre 15 ay sinabi ni Pacquiao na nagkausap sila ni Singson at inamin nito sa kanya na hindi siya susuportahan sa kanyang pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas.

Naninindigan naman si Pacquiao na nasa panig lamang umano siya ng tama at nararapat.

Matatandaang laging magkasama ang dalawa tuwing may laban ang pambansang kamao sa ibang bansa. Subalit nitong Agosto, kapansin-pansing hindi kasama ni Pacquiao si Singson sa kaniyang laban kay Yordenis Ugas.

Hindi pa umano masabi ni Chavit kung kailan sila magkakaayos ni PacMan. Hihintayin na lamang niya umano na matalo ito. Posible naman umano ang reconciliation subalit medyo matatagalan pa.


***
Source: Balita

Source: News Keener

wokes Tuesday, November 2, 2021
Seo Services