Naging usap-usapan at viral sa social media kamakailan ang pagkakadiskubre o pagkakakita sa mga pinggan at mangkok sa Lena Shoal sa hilagang kanluran ng Busuanga Island, hilagang bahagi ng Palawan.
Photo credit to the owner
Ayon sa ulat, kulay asul at puti ang mga pinggan na may iba’t ibang uri ng disenyo at itinuturing na umano ang mga ito na isa sa mga National Cultural Treasure (NCT).
Batay sa post ng National Museum of the Philippines, dalawang ceramic pieces pa lang ang nadidiskubreng may flying elephant design. Nakuha ang isa sa mga ito sa Jingdezhen, Jiangxi Province sa China.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Matapos ipost ng National Museum of the Philippines ang tungkol dito, maraming mga netizens ang nabahala dahil baka ginaya lamang ito ng mga Chinese.
Ang blue and white porcelain pottery ay pinaniniwalaang nagsimula sa Iraq subalit ito ay naimport at ginaya umano ng mga Chinese.
Photo credit to the owner
Gumawa umano sila ng sarili nilang mga kagamitang gawa sa porselana at pinalamutian ng asul na mga disenyo katulad ng bulaklak, dragon, ibon, Chinese characters at kasama narin ang ‘flying elephant.’
Photo credit to the owner
Ang flying elephant ay sumisimbolo umano sa ginagamit na sasakyan ni Samantabhadra, “Bodhisattva of Universal Benevolence” sa Tibethan Buddhism.
***
Source: Filipino Guide
Source: News Keener
No comments