Konduktor, nagsikap para makapagtapos ang kasintahan

Walang mahirap basta mayroon tayong katuwang sa buhay na aalalay at tutulong sa tuwing kailangan natin ng masasandalan at malalapitan.
Photo credit: Sincer Mae Balili

Ito ang ipinamalas ng isang konduktor na nagsikap at nagtiis upang matulungan ang kanyang kasintahan na makapagtapos sa kolehiyo.

Sa viral Facebook post ni Sincer Mae Balili mula sa Bukidnon, ibinahagi nito ang nakakakilig na kwento kung saan napukaw ang damdamin ng mga netizens.

Ikinuwento ni Mae ang love story nila ng kanyang kasintahan na si Edilberto “Bert” Tanghap Andil.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Mae ang walang sawang pagsuporta ni Bert sa kanyang pag-aaral. Si Bert ay isang konduktor ng Rural Transit Mindanao Inc.

Kwento ni Mae, napakalaki ng tulong na naibigay ng kanyang boyfriend at ng Rural Transit upang makapagtapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo.

Noong Agosto 5, aniya, akala niya na makakasama niya ang kaniyang kasintahan sa graduation niya ngunit hindi nakapunta si Bert dahil may trabaho ito.

Ngunit, gumawa ng paraan ang katrabaho ni Bert na isang driver ng bus upang magkasama ang dalawa sa graduation day ni Mae.
Photo credit: Sincer Mae Balili

Inihinto ng driver ang sinasakyan nilang bus para makapagpa-picture ang magkasintahan habang suot pa ni Mae ang toga nito.

Ani Mae, “Proud kaayo ko sa iyang full support saakung pag skwela. Mao nga bhalag dili siya makaapil naay way japon ug salamat kaayo kay timing kaayo ang urasan nila. (Sobrang proud ako sa kaniya dahil sa lubos na suporta sa pag-aaral ko. Kahit hindi man siya nakasama salamat padin dahil tugma padin yung oras namin.)”
Photo credit: Sincer Mae Balili
Photo credit: Sincer Mae Balili

Lubos din ang pagpapasalamat ni Mae sa rural bus dahil inililibre na lamang ang kanyang pamasahe kaya naman nakapagtatabi siya ng pera at ito na lamang ang ginagamit pambayad sa mga gastusin sa eskwelahan.

Kuwento ni Mae, dalawang taon na silang magkasintahan ni Bert. Third year college siya nang magkakilala silang dalawa at noong mga panahong iyon ay pumasok na sa kaniyang isipan na sukuan ang pag-aaral subalit tinulungan siya ni Bert.
Photo credit: Sincer Mae Balili
Photo credit: Sincer Mae Balili

Mula noon siya na gumapang sa pag-aaral ko alam kung maliit lang sahod niya pero tulong-tulong kaming dalawa,” aniya.

Ngayon ay nakatapos na ng kolehiyo si Mae sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management.

Samantala, nakatanggap naman ng full scholarship si Bert mula sa Ip Tribal School. Siya ay papasok ngayong taon bilang grade 11 na kukuha ng Humanities and Social Sciences o HUMSS.
Photo credit: Sincer Mae Balili

Mensahe ni Mae kay Bert, “Kung unsa akung success your part of it yam ko. (Kung ano man yung narating ko ngayon, parte ka nun Yam ko.)

Sa ngayon ay mayroon ng 17k reactions, 1.3k comments at 5.2k shares ang post ni Mae.



***

Source: News Keener

No comments

Seo Services