Tinaguriang 'Boy Ahas' ng Pangasinan, dedo matapos matuklaw ng cobra sa dila

Dedo ang binansagang ‘boy ahas’ ng Mangaldan, Pangasinan, matapos itong matuklaw ng cobra.
Bernardo Alvarez / Photo credit to the owner

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Lunes, kinilala ang 62-anyos na si Bernardo Alvarez, ng Barangay Lanas.

Takbuhan ng mga kanyang ka-barangay si Alvarez tuwing may makikita silang ahas sa kanilang lugar.

Tinawag siyang ‘boy ahas’ dahil sa galing at husay niyang manghuli at mapaamo ang mga ahas at tila hindi ito tinatablan ng kamandag.
Bernardo Alvarez / Photo credit to the owner
Bernardo Alvarez / Photo credit to the owner

Ngunit noong Biyernes, Hulyo 23, pumanaw si Alvarez matapos umano siyang matuklaw sa dila ng nahuli niyang cobra.

Mapapanood sa video na sinabukan pa siyang i-revive ng mga taong sumaklolo ngunit hindi na nila napigilan ang mabilsi na pagkalat ng kamandag sa katawan ni Alvarez.

"Ang kaniyang venom [ahas] ay nagko-cause ng mga paralysis sa ating katawan. Maaaring mag-cause itong paralysis na ito ang paghina ng paghinga, maaapektuhan yung daloy ng hangin sa katawan natin at paghinto ng puso," ayon kay Dra. Anne de Guzman, Pangasinan Health Officer.

Panoorin ang video sa ibaba:


***
Source: GMA Network

Source: News Keener

No comments

Seo Services