Kasabay ng kanyang patuloy na panunuligsa kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa administrasyon nito, hinikayat ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang publiko na huwag suportahan ang political dynasty sa darating na 2022 national and local elections.
Ayon kay Pabillo, ang pagsuporta sa political dynasty ay hindi mainam para sa demokrasya ng bansa.
Sa ginanap na online town hall meeting kasama ang 1Sambayan, sinabi ni Pabillo na umaasa siyang magiging mapanuri ang mga Pilipino sa pagpili ng mga ibobotong kandidato sa susunod na halalan.
“Hopefully, we voters will be discerning. If we knew that the candidate is a relative, child or spouse of a politician wanting to take charge, don’t vote for that candidate,” sabi ni Pabillo.
Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo / Photo credit: CNN Philippines
Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo / Photo credit: Inquirer
Aniya, dino-dominate raw ng political dynasty ang lokal at national politics kaya’t mahirap papanagutin ang mga tiwaling opisyal miyembro ng kanilang pamilya.
Si Pabillo ang bagong halal na bishop ng Taytay, Palawan.
Isa ang obispo sa mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon lalo na ni Pangulong Duterte.
Marami ring mga katoliko ang nagpapahayag ng kanilang pagkawalang gana at tiwala sa obispo dahil sa panghihimasok nito sa pulitika.
***
Source: Balita
Source: News Keener
No comments